BS Part 2

4.8K 222 27
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 3, 2018

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, dito ay bumalikwas ako ng bangon at tinungo ko ang aking cabinet. Dito ay kinuha ko ang isang kahon ng sapatos at binuksan ko ito.

Nasa loob ng kahon ang isang sirang relo at lumang kabiyak tsinelas. Ito ang mga bagay na nag papa alala sa akin na ng nakalipas. Mga panahong nais kong balikan at nais kong baguhin.

Part 2

Isang text message ang gumising sa akin. Kung bakit kasi nakalimutan kong isilent ang aking cellphone bago matulog, hindi pa naman maganda ang aking kondisyon kapag naiistorbo sa pag kakatulog.

"Lunch?" ang text message ay galing ay Neil.

Siya ay aking pinaka malapit na kaibigan. Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin. Mula sa istorya ng aking buhay hanggang sa aking buong pag katao. Nakilala ko siya sa isang group chat sa social media at dito ay naging malapit kami sa isa't isa. Hindi kami, hindi ko siya kapareha pero nag tatalik kaming dalawa o dala lamang ba ang tawag ng laman hanggang sa kapwa kami makaraos.

Halos isang taon na kami sa ganitong set up, hindi namin nagugustuhan ang isa't isa. Basta parausan lang, gamitan at kapag tapos na ang lahat ay balik na ulit sa normal. Well, much better iyon kaysa sa "kantot kalimot" set up na usong uso ngayong sa social media. Makikipag meet, makikipag sex at kinabukasan ay hindi na kayo mag kakilala. Iba ang sa amin ni Neil. Bagamat batid kong hanggang doon lamang iyon.

Sinubukan naming mahalin ang isa't isa pero wala talaga. Hanggang ganoong set up lamang kami at sa tingin ko ay hindi na iyon hihigit pa.

"Late ka." ang wika ni Neil noong makita ko itong kaupo sa isang kainan.

"Katatapos lang ng klase ko." ang sagot ko naman.

"At kakatapos mo lang rin sundan yung old friend mong straight" ang wika niya

"Kaibigan ko si Conor, mabuti nga at pumasok na ang gago." ang sagot ko sabay kuha sa menu.

"Alam mo, hindi ka naman mahahalatang liko e. Lalaking lalaki ang dating mo, kilos at pananalita. Walang makaka amoy sa isa kang malansang isda. Sige lang tuloy mo lang iyang ginagawa mo. Alam ko naman na kaya ka nag enrol doon sa all boys school ay hindi dahil mura ang tuition fee kundi nandoon yung taong sinusundan mo." ang dagdag pa niya

"Doon lang available ang kursong nais kong kunin." pag tatanggol ko.

"C'mon mas pinili mo doon dahil nandoon ang interes mo. Kahit na ang kapalit nito ay pag kakasakit mo sa bato sa pigil sa sarili mong ihi dahil nahihiya kang gumamit ng cr doon lalo na kapag maraming kasamang lalaki dahil baka tumayo ang manoy mo at mabuking kang silahista." ang pang aasar niya habang natatawa.

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now