BS Part 6

3.4K 172 22
                                    



BCover by: Bekibels008

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BCover by: Bekibels008

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 12, 2018

Part 6

Biyernes ng hapon, habang pauwi ako sa bahay ay muli kong nakita sa parke ang ina ni Conor. Umiinom ito ng palamig na nakalagay sa plastic habang isa isang binibilang kanyang mga paninda.

Napatingin ito sa akin kaya naman ngumiti ako. Hindi naman ako nag dalawang isip na lapitan siya at kamustahin. "Pinag talunan na namin ni Conor ang tungkol sa kanyang pag aaral, ngunit talagang wala na ito sa loob niya. Mas gusto pa niyang mag trabaho kung saan saan para kumita ng pera." ang wika nito noong itanong ko ang kanyang anak na lumiban nanaman sa klase buong mag hapon.

"Siguro po ay mas mahalaga sa kanya ang makatulong sa iyo." ang wika ko nalang.

"Siguro nga, ang bilis ng panahon. Parang dati ay parati kayong nakatambay ni Conor sa lugar na ito ng parke. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang tawanan ninyo kapag kayo ay mag kasama." wika ng kanyang ina.

"Naaalala ko pa rin po iyon. Hanggang ngayon naman ay nag tatawanan pa rin kami. Wala naman nag bago." ang tugon ko bagamat lahat ay nag bago.

"Mabuti naman kung ganoon." naka ngiting sagot niya.

Katulad ng dati ay sinamahan ko sa pag lalakad ang ina ni Conor. Halos ilang taon na rin mag buhat noong mag kilala kaming dalawa, natutuwa siya sa akin noon dahil parati kong hinahatian sa pag kain ang kanyang anak. Madalas rin kaming mag kasama nito habang tinutulungan siya sa pag titinda.

Ngunit habang nag kaka edad kami ay nag babago ang lahat. Sa isang iglap ay nawala si Conor at nalihis ito ng dereksyon. Ngunit heto pa rin ako, nanatiling naka sunod at naka masid sa kanya mula sa malayo.

"Hijo, dito kana mag hapunan. Matagal tagal na rin buhat noong makasama ka namin sa hapag kainan. Maganda ang kita ko ngayong araw kaya mag hahanda ako ng masarap ng pag kain." ang wika ng ginang.

Tumango at ngumiti..

Mula sa pag kakaupo ko sa kanilang sala ay nag lumabas ako sa gawing likuran kung saan mas presko ang hangin. Mabuti na lamang at nasa pinaka dulo ng eskinita ang bahay nila Conor, walang masyadong naka dikit na bahay dito na katulad na iba doon na patung patong talaga. Dito ay may kaunting hangin at medyo presko pa ito.

Tahimik..

Habang nasa ganoong pag mamasid ay nakita ko sa gilid ang maruruming damit ni Conor. Mukhang hindi pa ito nalalabhan, kasama na rito ang kanyang uniporme..

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now