BS Part 22

3.1K 156 24
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

April 5, 2018

Part 22

"Juno, umaga na. Late kana!" ang pang bubulabog ni mama.

"Hindi ako papasok ma. Ayoko na pumasok!" ang sagot ko habang naka kulubong ng kumot.

"Aba e bakit hindi? May sakit kaba?"

"Wala po. Basta ayoko lang."

"Alisin mo nga iyang suklob sa mukha mo para kang kriminal na natimbog sa kalye ah." ang sermon ni mama sabay batok sa akin.

"Ma, nakakababa ng IQ ang pambabatok." reklamo ko naman.

"Teka tumawag sa akin ang campus nyo. Pinapupunta ako doon dahil mayroon daw ikaw behavior problem. Bakit mo naman inaway at minura ang guro mo? Alisin mo nga iyang suklob mo." ang gigil na utos ni mama sabay hatak ng kumot sa aking mukha.

"Ayoko nang pumasok doon." ang sagot ko

"Aba, bakit? Hindi naman kita tinuruang mambastos ng kapwa. Bakit kailangan mong pakitaan ng kasamaang ugali ng teacher mo?"

"Dahil masama rin ang ugali niya. Dapat lang sa kanya iyon! Hindi na ako papasok sa paaralang makikitid ang utak."

"Napapano ka ba Juno? Bakit kailangan mong gawin ito? Nag rerebelde ka na naman ba sa akin dahil mayroon akong dinedate na bagong lalaki ngayon? Hindi na siya bata at kasing edad ko na ito kaya wala kang masasabi sa akin ngayon."

"Hindi nga ma, wala itong kinalaman sa lalaki mo. Hindi rin ako nag rerebelde."

"Eh bakit nga ginagawa mo ito? Naguguluhan na ko. Mag salita kana kasi! Ano bang problema?!"

"Gaano mo ba ako kakilala mama? Alam mo ba ang lahat tungkol sa akin?" ang seryoso kong tanong sa kanya dahilan para siya matahimik.

"Ano bang dapat kong malaman tungkol sayo? May pinatay ka ba? O ninakawan? O nirape? Ano?" tanong niya

"Na iba ako sa ordinaryong tao. Na hindi ako katulad nila." seryoso kong sagot

Natawa si mama "10 taong gulang ka palang noong iwan tayong dalawa ng iyong ama, simula noon ay ako na ang nag palaki at nag alaga sa iyo. Itinaguyod kita nang mag isa at hindi ko pinakinggan kung ano man ang sasabihin sa akin ng ibang tao. Sinasabi nila na may kalandian daw akong taglay kaya iniwan ako ng aking asawa, ang sabi naman nung iba ay inanakan lang ako ng kung sinong lalaki at iniwan mag isa. Nabuhay ako sa pang huhusga at sa masasakit sa salita ng aking kapwa pero ni minsan ay hindi ako sumuko sa pag mamahal at pag aaruga sa iyo. Kung iisipin mo ang sinasabi sa iyo ng ibang tao ay hindi ka mabubuhay ng payapa. Kilala kita anak.. alam ko kung ano ka at tanggap ko iyon."

"Edi alam mong hindi ako tuwid na lalaki. Na isa akong.."

"Bakla?" tanong niya

"Oo." sagot ko

"Ako ang nanay mo, pinalaki kita kahit may sungay kana ngayon dyan sa ulo mo. Matagal ko nang alam iyan, noong nag lilinis ako ng iyong silid ay may nakita akong larawan ng hubad na lalaki sa ilalim ng iyong kama. May mga dvd at vcd rin ng dalawang lalaking nag tatalik. Hindi ko ito pinansin at simula noong mga oras na iyon ay mas lalo pa kita minahal dahil espesyal ka." ang naka ngiting wika ni mama

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now