BS Part 16

3.1K 157 11
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 27, 2018

Part 16

Matao ang kalsada kung saan ako madalas nag lalakad pauwi. Ordinaryong araw lamang iyon ngunit kakaiba pa rin, o sa pakiramdam ko lamang ito? Ang ibig kong sabihin ay ang paninibago sa aking paligid at maging sa aking sarili. Dati ay masaya ako ngunit ngayon ay kakaibang lungkot ang bumabalot sa aking pag katao, wari'y may kulang. Tila ba may sakit ako ngunit wala naman talaga.

Naging gawi ko na ang mapatingin sa eskinita kung saan madalas nakatambay si Conor habang humihitit ng kanyang sigarilyo. Madalas ay may kasama itong babae o kaya ay may binubugbog silang kaaway sa gilid noon, saksi ang mga pader at bawat lumang bloke ng gusali sa paligid.

Tahimik ako dumaan sa eskinitang iyon, hindi naman ako takot dahil mga kaklase ko ang kadalasang siga kaya't absuwelto ako o hindi napapagtripan. Sa muli kong pag daan sa lugar na iyon ay muli ko ring nakita si Conor ngunit sa pag kakataong ito ay hindi babae o kaaway ang kanyang kasama kundi ang isang lalaking may edad at patpat ang katawan.

"Bakit ba kasi nandito ka?!" ang narinig kong sigaw ni Conor habang iniiwas ang tingin sa kausap.

Lumapit sa kanya ang lalaki at may iaabot sa supot.

Tinabig iyon ni Conor dahilan para mabitiwan niya ang hawak ng lalaki. Ang laman ng supot ay ilang pirasong tshirt.

Pinulot ng matanda ang tshirt at muling ini abot kay Conor. "Tama na! Bakit ba kasi lumabas ka pa! Bumalik kana doon sa kulungan!" ang sigaw niya

Dito ko napag tanto na ang patpating lalaking kanyang kausap ay walang iba kundi ang kanyang ama. "Anak, matagal na akong nakalabas sa kulungan, ilang buwan na rin. Nahiya lamang akong mag pakita sa inyo dahil baka itakwil niyo ako." ang wika nito.

"Hindi lang naman kami ang nag takwil sa iyo, kundi ang buong mundo. Ayokong mag karoon ng ama na isang.. na isang.."

"Mag nanakaw?" sagot ng kanyang ama

"Oo, mag nanakaw." ang tugon rin ni Conor

Tumango ang kanyang ama. "Tama ka doon hijo, itatakwil ako ng buong mundo dahil ikaw nga na sarili kong laman at dugo ay nagagawa akong itakwil, paano pa ba sila? Paanong maniniwala sa akin ang mga tao sa paligid ko kung ang sarili kong anak ay walang paniniwala sa akin? Pinalaya ako mula sa pag kaka kulong dahil napatunayan na wala akong kasalanan, nalinis ang aking pangalan at ngayon ay payapa na akong nabubuhay." ang wika niya sabay abot ng damit sa anak. "Para sa iyo ito, kunin mo na. Magiging masaya ako kung tatanggapin mo anak."

"Ayoko. Huwag mo na kaming guluhin ni inay." pag mamatigas niya sabay talikod.

"Anak, patawarin mo na ako. Hindi ko sinasadya na iwanan kayo. Mahal ko kayo at wala akong ibang inisip kundi ang makasama kayong muli." maluha luhang wika ng kanyang ama. Kahit iika ika ay humabol pa ito sa kinalalagyan ni Conor at hinawakan ito sa braso.

Napahinto si Conor at muling natahimik. Sa tingin ko ay hindi ganoon kadaling burahin ang nararamdamang pag kamuhi sa kanyang ama. Pumiglas ang braso ni Conor at muling nasaldak sa lupa ang kanyang ama.

Ibayong awa ang aking naramdaman habang isa isang pinupulot ang mga damit sa lupa at pinagpag ito upang maisalba sa duming kumapit sa tela.

Hindi ko alam kung bakit tila nahabag ako sa eksenang iyon, may kung anong kumirot sa aking dibdib kaya naman hindi na ako nag pag pigil, lumabas ako sa lugar kung saan ako kumubli at mabilis na tumakbo sa kinalalagyan ng kanyang ama para tulungan ito sa pag tayo. "Alam kong hindi dapat ako maki alam pero tama na. Please." ang wika ko naman.

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now