BS Part 20

3.1K 165 4
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

April 3, 2018

Part 20

Sa pag daan ng mga araw ay unti unting bumalik sa normal ang buhay ni mama, naka focus na ulit siya sa kanyang trabaho at hindi na niya masyadong napapag tutuunan ng pansin ang masakit na pangyayaring pag hihiwalay nila ng lover na si Johnny. Ako naman ay ganoon rin, ang aking buhay ngayon ay napaka ordinaryo na lamang. Papasok sa eskuwela, kakain, uuwi, mag aaral at matutulog. Paulit ulit lang kaya medyo nakakaboring kung minsan pero hindi naman ako nasasaktan o nalulungkot. Marahil ay nakasanayan ko na lamang na mag isa at huwag na maging anino ng iba.

Maaga akong pumasok sa campus upang ibigay sa aking guro ang resulta ng examination. Halos kalahati sa mga ito ay bumagsak kabilang na ang mga kaibigan ni Conor na walang naipuntos ni isa. Malinis na malinis ang kanilang papel at ni hindi nag aksaya ng tinta ng ballpen para sulatan ito.

Pag pasok ko sa silid aralan ay kataka takang naka tingin sa akin ang grupo nila Gary. Maya maya mag tatawanan sila at uubo sabay sabi ng salitang "Bakla!" Babahing sila isa isa at mag tatawanan..

Umarte akong walang alam, inosente at hindi ko sila pinag aksayahan ng pansin hanggang sa maya maya ay muli nanaman sila bumahing. "Acchuuu! Amoy paminta!" ang wika nila dahilan para matahimik ako.

"Uy Juno, alam mo ba mayroon daw bakla sa classroom na ito. May nakuha raw silang picture ng isang estudyante dito sa all boys school na mayroong kayakapang lalaki." ang wika ng katabi ko sa silya. Napako ako sa aking kinalalagyan at dito ay nag simula akong pag pawisan ng malamig. Nakakapraning na baka ako ang kanilang tinutukoy o pinariringgan.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng seat mate ko

"Ah e oo naman." naka ngiti kong tugon bagamat kumakabog ang aking dibdib

Habang nasa ganoong posisyon ako ay hindi ko sinasadyang napalingon kay Conor na noon ay nakatingin rin sa akin. Agad ko naman itong binawi at ibaling sa iba ang aking mata. Batid ko naman na alam ni Conor ang aking tunay na pag katao ngunit hindi naman niya magagawang siraan ako o ipag kalat yung nangyari sa pagitan naming dalawa.

Noong araw ring iyon ay ipost ng aming guro ang resulta ng examination. Dito ay nakita nila Gary na ang kanilang marka ay bagsak. Zero ang exam at wala silang kahit na anong record. Lalo silang namula sa galit na napatingin sa akin ng matalim. Hindi ko ginawa ang kanilang nais na dayain ang examination katulad ng madalas nilang gawain nitong mga nakakaraang term kung saan tinatakot nila o pinag babantaan ang mga nag ccheck ng exam. Ngunit iba na ngayon dahil ayokong maging accessories of the crime o nang pandaraya nila. Sana ay nag aral silang mabuti, sana ay hindi sila bumagsak o may nasagot sila kahit kaunti. Pilit kong iniiwas ang aking sarili sa grupo ni Conor, mukhang most wanted ako sa kanilang paningin. Hindi naman ako nag kasala at ginawa ko lamang ang tama.

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now