BS Part 11

3K 160 7
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 22, 2018

Part 11

"Himala at nakapag pasa ka ng term paper Mr. Conorio Delos Santos. Ayos lang naman sa akin na bobo ka at hindi nakakasabay sa klase. Basta pumapasok ka lang ay papasa ka." ang wika ng aming guro habang kinokolekta ang aming mga ginawang written report.

Noong mga sandaling iyon ay hindi ko magawang lumingon kay Conor, tila ba nahihiya ako na hindi ko mawari.

"Balita ko ay dumarami na ng homosexual dito sa paaralan natin. Yung iba dyan ay magagaling mag tago at talagang hindi mo mahahalata sa kilos nila. Hindi naman maiiwasan iyon dahil all boys school hindi malayong mag kabaklaan kayo pag parating mag kakasama. Kung tuwid kang lalaki ay tuwid talaga at hindi ito maaaring mabago. Walang straight na lalaking pumapatol sa bakla ng may pag mamahal. Pera pera lang iyan at kanya kanyang diskarte. Iyan ang social behavior ng millennials ngayon o kahit noon pang 70's.

Nag babago rin ang pananaw ng tao tungkol sa mga bagay bagay. Dati, ang mga bakla ay nag mamaganda, babae ang itsura, may mangilan ngilan na panget ngunit naka pustura pa rin ang mukha at pinipilit maging babae upang maka kuha ng lalaki. Ngayon, ang mga bakla ay mas lalaki pa sa tunay na lalaki, malalaki ang katawan, parating naka babad sa gym at walang ginawa kundi mag ayos ng kanilang mga physical looks.

Ang mga bakla noon ay tunay na lalaki ang hanap, ayaw nila sa mga lalaking paminta o mga balikong adan. Kaibahan sa mga malalaking katawang bakla ngayon na ang hinahanap ay malalaking katawang bakla rin o yung mga hindi halata. Ang mga malalaking katawang baklang ito ay kadalasang ayaw sa mga crossdresser o sa mga malalambot na adan. Gusto nila ay buddy buddy lang at tropa tropa sa labas at sa loob ng kwarto." wika ng guro habang pinapakita ang power point ng ibat ibang uri ng tao sa lipunan.

Tawanan ang lahat..

Samantalang ako naman ay nakatahimik at tila sinusunog ng buhay na hindi ko malaman.

"Iyan ang tinawag na social changes in human aspect. Ang lahat ay nag babago ayon sa panahon at sa kagustuhan ng ating mga pag iisip." ang dagdag pa nito.

Habang nasa ganoong pakikinig ako ay napansin kong nakatingin sa akin si Conor na para bang sinasabing "tinatamaan ka hano?" Lalo lang tuloy akong napapraning habang nag bubutas ng silya at desk.

Pag katapos ng last period na iyon ay agad akong lumabas ng silid hindi ko alam kung bakit kusang lumalakad ang aking paa palayo silid na iyon tila ba may mali, tila ba nakakaramdam ako ng takot na hindi ko mawari.

"Nag aapura ka yata?" tanong ni Conor noong maabutan ako nito sa abangan.

"Marami kasi akong gagawin sa bahay." sagot ko naman.

"Ang akala ko ay kaya nag aapura ay natatakot kang maamoy nila ang totoong Juno na paminta at nag tatago sa kanyang lalaking anyo." ang pang aasar niya.

Hindi ako kumibo, agad akong pumara ng taxi.

"Biro lang, eto salamat pag papahiram sa akin ng pointers." ang dagdag niya sabay abot sa aking mga papel na naka rolyo.

Pag kakuha ko nito ay agad rin siyang umalis, samantalang ako naman ay sumakay sa taxi pauwi sa bahay.

Alas 6 ng hapon, pag pasok ko sa sala ay muli kong naabutan si mama at ang lover niyang si Johnny na nag lalandian sa sofa habang nanonood ng pelikula. Napakunot noo nalang ako noong makita silang sweet na sweet na parang dalawang ahas na mag kalingkis. "Nandyan kana pala Juno, bakit ginagabi ka naman?" ang tanong niya sa akin noong makapasok ako sa sala.

Both Sides (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon