BS Part 9

3.3K 172 13
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 19, 2018

Part 9

"Juno, bumangon kana!" ang sigaw ni mama habang kinakatok ang pinto ng aking silid dahilan para bumangon ako ngunit naka balot pa rin ng kumot ang aking katawan at ulo naparang kasapi sa kulto.

"Ma, sabado ngayon, hayaan mo akong matulog dahil wala namang pasok." ang wika ko naman.

"Aba, alas 9 na ng umaga. Ang sobrang pag tulog ay labis na nakakataba. Lumabas kana dyan dahil may hahanap sa iyo doon sa sala!" ang wika niya kaya naman sumilip ako doon.

Laking gulat ko noong makita si Conor. Naka upo doon, naka suot ng pantalong fitted na kupas na may butas sa tuhod. Naka tshirt at naka suot ng jacket. Naka tingin lang ito sa akin, ni hindi man lang ngumiti.

"Pasensya kana hijo talagang pasaway lang iyang si Juno. Feel at home lang, nag almusal kana ba?" ang narinig kong salita ni mama habang ako ay nag bibihis. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman noong mga oras na iyon bagamat tila may kung anong tuwa ang namumuo sa aking dibdib noong masilayan ko ang kanyang mukha.

Pag labas ko ng silid ay agad akong dumiretso sa kinalalagyan ni Conor na noon ay humihigop ng kape. "Tinapay." ang bungad ko sabay lapag ng isang plastic na pandesal sa kanyang harapan.

Tumingin siya sa akin at binawi rin niya agad ito..

"Masyado kang maaga para sa next year na birthday ko." ang wika ko na may halong pag tatampo bagamat halatang nag bibiro lamang ako.

"Marami akong delivery kahapon. Kailangan kong kumita ng pambayad ng tubig at kuryente." ang tugon niya

"Naunawaan ko naman. Pero hinihintay talaga kita kahapon." ang naka ngiti kong sagot.

"Kaya nga babawi ako, tara libot tayo." pag yaya niya sabay tayo.

Hindi naman ako nag tanong, sumunod lang ako sa kanya at umangkas sa kanyang motor. "Bagong motor natin ah." biro ko

"Pag gamit lang ito doon sa delivery shop. Wala akong perang pambili ng bagong motor." seryoso niya sagot na parang hindi mabiro.

Seryoso rin siya, napaka tigas at para bang hindi marunong ngumiti.

Umangkas ako sa kanyang motor at halip na ikapit ko ang aking kamay sa kanyang balikat o sa bewang ay mas pinili ko na lamang na ilagay ang aking kamay sa aking hita at bumalanse. Ayokong isipin niya na nang hihipo ako o kaya nag cchansing.

Tinahak namin ang daan palabas sa bayan, sa pinaka duluhan kasi nito ay bukirin na at maganda ang tanawin. Dumaan rin kami sa bilihan ng inihaw na manok, kanin at inumin. Syempre ay hindi ko naman binabayaang siya lang ang gumastos.

"Paano mo na laman ang lugar na ito?" ang tanong ko noong huminto kami sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga at sa tabi nito ay may umaagos na malinaw na sapa. Bukirin ang paligid, tahimik at malamig ang hangin.

Kinuha niya ang isang kumot sa compartment ng kanyang motor at inilatag ito sa lupa. Inilagay nya doon ang pag kain at saka umuo. "Idea mo ito?" ang tanong ko habang naka ngiti

"Huwag kang mag pa cute, hindi ka naman babae." ang sagot niya habang inaayos ang pag kain.

BASAG!

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now