BS Part 3

3.8K 183 8
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 4, 2018

Part 3

"Diba ang sabi ko sa iyo ay huwag mong ipag tatapat sa kanya? Ano reaksyon niya? Nasuka ba siya sa sinabi mo?" ang tanong ni Neil

"Hindi ko ipinag tapat at wala akong balak gawin iyon." ang sagot ko naman.

"Huwag mo nang subukang sabihin sa kanya dahil mag mumukha ka lang kawawa sa bandang huli. Kapag straight ang minahal mo ay para ka na ring tumalon sa pinaka mataas na gusali dito sa bayan at pag bagsak mo ay buhay ka pa rin. O kaya ay para na ring nag lason, uminom ng muriatic acid, clorox o ng pamatay sa daga. Huwag kana mag ambisyon Juno." ang tugon niya habang bumubuga ng sigarilyo.

Natahimik ako, dito ay nag balik sa aking isipan yung eksena kahapon kung saan nagawa kong halikan si Conor. Dampi lamang iyon ngunit bumilis ang tibok ng aking puso. Sa dinami rami ng tao sa paligid ko ay kung bakit isang tao lamang ang nakakuha ng aking atensyon at sa ngayon ay wala akong magawa upang labanan ito.

FLASH BACK

Iniwas niya ang kanyang mukha at tinabig palayo ang aking kamay. "Bakit parati mo akong sinusundan ha?" tanong niya ulit.

Hindi ako kumibo, bagkus ay hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabing "gusto kita."

Sabay halik sa kanyang pisngi..

Nabigla siya sa aking ginawa kaya naman itinulak niya ako at isang malakas na suntok ang tumama sa aking mukha dahilan para mapa saldak ako sa lupa.

Isa pang suntok ang kanyang pinakawalan na tumama naman sa aking ulo at sa iba pang parte ng aking katawan..

Maya maya ay tila nahimasmasan siya sa pag suntok sa akin. Bahagya siyang lumayo. Ako naman ay marahang bumangon at hinimas ang aking mukhang tinamaan ng kanyang kamao.

Humarap ako sa kanya at ngumiti..

"Sana ay ibulsa mo ang aking munting sikreto." ang wika ko sabay lakad palayo sa kanya..

End of flashback

Tahimik..

"Gusto mong yosi?" ang tanong ni Neil sabay abot sa akin ng lighter at isang stick.

"Hindi ako nag yoyosi, nakakabaho ng hininga iyan." ang sagot ko rin dahilan para matawa siya. "Nag yoyosi ako, pero mabaho ba ang hininga ko? Kung sabihin mong "oo" ay hindi ako maniniwala sa iyo dahil kung kainin mo ang dila ko at sunggaban mo ako ng halik ay daig mo pa ang isang asong ulol na sabik na sabik." ang wika niya habang natatawa.

"Ilang labi na ang dumampi sa labi mo?" ang tanong ko

Natawa siya at tumingin sa bintana ng kainan "madami na. hindi ko na mabilang."

"Sa maraming iyon ay tiyak may naka lasa ng nicotin sa bibig mo." ang pang aasar ko dahilan para matawa siya.

Maya maya ay kapwa rin kami tumahimik..

Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag. "Aalis na ako. Kung gagamit ka ng ibang lalaki bukod sa akin ay siguraduhin mong safe sex." ang wika niya abot sa akin ng dalawang pirasong condom. "Mahirap na mag kasakit." ang dagdag pa niya.

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now