BS Part 23

2.9K 150 11
                                    


PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

April 6, 2018

"Sira ka rin e. Itigil mo na ang pag yoyosi. Kumain ka muna." naka ngiti kong tugon sabay salin ng inumin sa kanyang baso.

Kinuha niya ito at kapwa namin pinanood ang pag bagsak ng ulan mula sa kalangitan.

"Okay na sa akin ito.. Masaya na rin ako na kasama ko siya ngayon. Kahit alam kong hanggang dito lang ang kaya niyang ipag kaloob sa akin." bulong ko sa aking sarili.

Part 23

"Mr. Pascual mali ang ginawa mong pag sagot sa iyong guro at minura mo pa siya. Alam mo ba na maaari kang maexpel sa iyong actions?" ang wika ng head noong mag report ako sa campus.

"Bastos ang batang iyan. Wala pang nararating ay mayabang na kung umasta." ang galit na wika ng aking prof na naka away ko.

"Hindi ko na po ipag tatanggol ang sarili ko. Narito ang video ng pang hahamak ng aking guro sa aking pag katao. Kuha ito ng isang taong nag magandang loob na tulungan ko." ang wika ko sabay abot ng aking cellphone.

Nag punta si Conor kahapon sa bahay para ibigay ang letter sa akin. At bago siya umuwi ay ibinigay niya sa akin ang video na palihim niyang kinuha noong kasagsagan ng aming sagutan ng guro. Naroon rin ang ilang beses na pambabatok niya sa akin gamit ang aklat.

FLASH BACK

"Tumila na ang ulan, aalis na ako. Salamat sa miryenda." ang wika ni Conor sabay tayo.

"Salamat rin sa pag dalaw." naka ngiti kong sagot

"Ah nga pala, muntik ko nang makalimutan. Heto ang aking cellphone. Nandyan ang video ng kawalangyaan ng ating guro. Ipakita mo ito sa head kapag nag report ka bukas. Malilinis niyan ang iyong pangalan." ang wika ni Conor.

Kinuha ko ang kanyang cellphone "Salamat dito. Isasauli ko nalang agad bukas." ang tugon ko.

"Ay mali. Ishare it ko nalang pala sayo." ang pag habol niya dahilan para matawa ako.

End of flash back

Pinanood nila ang video at pati ang ibang faculty member ay na shock sa kasamaan ng ugali ng prof. Walang sawang mura at pambabatok ang pinag kaloob niya sa akin.

Natahimik ang head at namutla sa kahihiyan ng guro.

"Hindi ko intensyon na murahin siya. Nag kataon lang na kailangan kong ipag tanggol ang aking sarili. Ako ang nag kamali, nag kamali ako na pumasok at mag aral sa paaralang ito. Nakakatiyak ba kayo na sa libo libong lalaking mag aaral dito ay ako lang ang bakla? Baka naman pati ang ibang guro ko ay ganito rin sa akin? Kung ang matutunan ko lang sa paaralang ito ay ang mang hiya ng kapwa ay mas mabuti pang maging mang mang nalang ako na walang pinag aralan kay maging propesyonal na walang sarado at makitid ang isip.

Bakla, tomboy o kahit ano ka pa. Tao pa rin kami. Walang pinag kaiba sa inyong lahat. Nakaka lungkot lang isipin na mas pinili niyong tumawa at itaboy kami kaysa lawakan ang inyong pang unawa. Makasalanan? Hindi kami iyon kundi ang iyong mga mata at isipan. Magandang araw sa inyo.." ang wika ko sabay tayo at taas noo ako lumabas sa office.

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now