Chapter II: White Room

2.3K 110 0
                                    

"Huuf huuf!" Hingal na hingal si anton. Sinubukan niyang takbuhin ang buong lugar upang malaman kung may hangganan ba ang liwanag na ito pero tila hindi siya umaalis sa kaniyang kinatatayuan dahil hindi man lang nagbabago ang buong paligid.

Ilang sandali ay may naririnig na mga yapak si anton at papalapit ito sa kaniyang direksyon. Hinanap ni anton ang pinagmumulan ng tinig at paglingon niya sa kaniyang likuran ay may nakita siyang isang matanda. Ang suot nito ay kapirasong tela lamang na nakasabit sa kaniyang balikat na madalas mo lang makikita sa mga medieval movie about greek mythology. May mga desenyong ginto ang kasuotan nito at wala itong ibang suot tulad ng sapatos o kung ano pa man.

Lumapit ang matanda kay anton. "Sino ka? At ano ang ginagawa ko dito?" Tanong ni anton sa matanda.

"Sa iyong mundong pinagmulan ang tawag sakin ay Diyos.. sa aking mundong pinagmulan ay Atlas.. ako ang Diyos ng liwanag at kalangitan.. at sa katanungan na kung ano ang ginagawa mo dito? Duda ako na alam mo na ang dahilan kung baket andito ks sapagkat walang buhay na nilalang ang maaaring makapunta sa lugar na ito." Wika ng matanda.

'Kung ganun tama nga ang hinala ko.. patay na ako..' sa isip ni anton.

"Ou tama ang iyong iniisip.." wika ng matanda.

"Kaya mong basahin ang iniisip ko?" Tanong ni anton at tumango lang ang matanda. "Kung patay na ako ano ang ginagawa ko dito? Sa isang araw naniniwala ako na hindi lamang ako ang namatay oras oras daan daan ang namamatay sa buong mundo pero ako lang ang naandito.. at base sa sinabi mong mundong aking-" dugtong ni anton ngunit bago pa man niya matapos ang kaniyang sinasabi.ay pinangunahan na siya ng matanda.

"Tama ang lahat ng iyong iniisip.. sa katunayan ay ninakaw lang kita mula sa iyong Diyos. Sa dahilan na nagustuhan kita anton.." bigla sa ulunan ng matanda ay may lumitaw na tila tv screen na parang hologram at ipinapakita dito si rea at nobyo nito na nagpropose.. "nagustuhan kita dahil nagawa mong baguhin ang tinakda.. si rea ay nakatakda ng mamatay pero nagawa mong baguhin ang nakatakda at magawa siyang iligtas kaya naman ang kasal niya ay matutuloy salamat sayo.. pero ang buhay ay kapalit ay buhay kaya ka nandito."

Biglang lumungkot ang mukha ni anton.. "kaya pala.. sa tagal namin di nagkita at himala sa ilang taon namin na walang kumunikasyon ay bigla nalang siya tumawag at sasabihin na gusto niya makipagkita.. yun pala gusto niya ipaalam na ikakasl na siya.." dahan dahan na pumatak ang mga luha ni anton mula sa kaniyang mga mata.

Naramdaman ni anton ang palad ng matanda na ipinatong sa kaniyang balikat nagulat si anton dahil ginawa ng matanda pero sa kabila nito ay nakaramdam siya ng kasiyahan. "Wag ka magalala anton.. dahil napasaya mo ako sa iyong ginawa.. nagawa mong sumuway sa nais ng Diyos. bibigyan kita ng pagkakataon na mubuhay muli at baguhin ang iyong nakaraan.. nakaramdam ako ng matinding pagsisisi sa iyong puso at alam ko na nais mong bumalik sa nakaraan upang baguhin lahat nv iyong mga kamalian." Pagka wika ng matanda ay agad itong tumawa ng malakas.

Nagulat si anton sa kaniyang mga narinig. 'Mabuhay muli at baguhin ang nakaraan? Hindi isang simpleng bagay ang inaalok niya sigurado ako na may matindi itong kapalit' sa isip ni anton.

"Patuloy mo akong inaaliw anton.. kung ibang tao yun ay agad na silang pumayag mabuhay lang.. ganun kasakim ang mga tao.. kahit di pa nila naririnig ang kapalit o kasunduan.." sabay tawa ng matanda at dugtong pa nito. "Simple lang naman ang kapalit anton.. kailangan mo lang harapin ang mga pagsubok upang malaman ko kung talagang karapatdapat ka sa inaalok ko.." muling tumawa ang matanda..

"Anong klaseng pagsubok?" Tanong ni anton ni anton sa matanda ng may seryosong mukha..

"Simple lang anton.. kung nais mong malaman ay maaari ka lang pumasok sa pinto na ito kahit ano mang oras.. anton.. alam kong papayag ka dahil nababasa ko ang mga iniisip mo" muling tumawa ang matanda..

Di na nagdalawang isip pa si anton at pumasok siya sa pinto..

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now