Chapter XXXV: Confrontation

1.1K 78 5
                                    

"A-asawa?" Wika ni anton at hindi parin makapaniwlaa sa kaniyang narinig.

"Ou.. saksi ang Diyos at mga espirito.. mamamatay ka na ng oras na iyon at wala ng ibang paraan pa para mailigtas ka at dahil utang ko saiyo ang aking buhay dahil sa pagliligtas mo sakin.. kaya naman di na ako nagdalawang isip pa at ginamit ko ang 'Soul Binding Magic' upang pag-isahin ang ating kaluluwa at buhay.. ito'y sagradong pamamaraan ng mga Elf sa tuwing kinakasal.." wika ng dalaga habang gumalaw galaw pa ang tainga nito at umiwas ng tingin kay anton habang namumula ang buong mukha.

Dito ay naalala na ni anton ang buong pangyayaring iyon.. ang magandang babae na nakita niya na nababalutan ng liwanag ay ang dalaga na nasa harapan niya ngayon, naalala din ni anton ang sunod na nangyare habang nababalutan ang dalaga ay nagdadasal ito at ang kasunod nito ay hinalikan siya.

"Ang ibigsabihin ang halik na yun ay sumisimbolo sa kasal?" Namula ang mukha bigla ni anton.

Tumango tango lang ang dalaga na nagsesenyales ng pagsang ayon nito kay anton. "A-a-ako si a-ar.. Arkisha! Ho-ho-honey.. waaaaah!" Biglang napasigaw si arkisha at tinakpan ang mukha nito sabay talikod kay anton dahilan ng sobrang hiya at namumula pa ang buong mukha nito.

Di alam ni anton ang kaniyang gagaein o dapat niyang sabihin kay arkisha ng biglang..

'BANG!'

Kasunod ng malakas na tunog na ito ay nagliparang ang mga ibon.

Biglang naging seryoso ang mukha ni arkisha at agad na tumingin sa direksyon kung nasan ang iba pa nilang kasama.

Tila tinusok ang puso ni anton ng sinundan niya ang tingin ni arkisha. 'Di ako maaaring magkamali.. tunog ito ng isang baril.. pero papaano? Ang mga agay na mula dito sa mundong ay maaari namain dalhin sa kabilang mundo subalit ang mga gamit o bagay sa kabilang mundo ay hindi maaaring dalhin dito..' sa isip ni anton.

Agad na tumayo si anton paalis na sana siya subalit naalala niya si arkisha at sabay tumingin sa direksyon ni arkisha.

Naintindihan naman ito ni arkisha at agad na sumagot "susunod ako.. magbibihis lang ako mauna ka na.. mag-iingat ka.." wika ni arkisha at sinimulan ng magbihis.

Agad na tumakbo si anton at sa pangalawang pagkataon ay muli siyang nakarinig ng putok ng baril.

'BANG!'

Pagdating ni anton ay nagulat siya sa tumambad sa kaniyang harapan. Si ellen ay nakahilata ay naliligo sa sarili nitong dugo at si arthur naman ay naka luhod habang nakahawak sugat nito sa tagiliran.

"Ellen!" Agad na tumakbo si anton kay ellen upang subukan.iligtas ang dalaga.

Nang biglang may lumitaw na black sa kaniyang tabi. Nagulat si anton lalo na't nang higupin si anton ng black hole.

Unti unting hinigop si anton ng black hole buti nalang ay biglang lumitaw ang malaking puting tigre na may ginintuang balahibo.

Tinulak si anton ng tigre at ng tumingin siya sa tigre ay nakita ni anton si arkisha na nakasakay.

"Oh.. ang Elven princess.. siguradong matutuwa si liu ye pag nalaman niyang naandito ka.. di namin alam kung paano nakatakas pero mukhang nasa panig namin ang Diyos, two bird in one stone.." wika ni wan er.

Nagsalubong ang kilay ni arkisha "kayo! Kayo ang dahilan kung bakit unti unti ng namamatay ang yggdrasil! Maraming namatay sa angkan ko ng dahil sa inyo! Paano niyo nalaman na andito" Sigaw ni arkisha.

Hinawi ni wan er ang kaniyang mahabang buhok bago sumagot kay arkisha. "Sa katunayan hindi ikaw ang aming sadiya.." wika ni wan er sabay harap kay anton. "Siya ang aming sadiya.." dugtong pa nito at tinuro si anton.

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now