Chapter XXXIX

1K 81 2
                                    

Chapter 39: Training Match Part II

"Di nga? Seryoso.. mag isa mong nakuha lang ng magic stone na ito mula sa death spider? Umaataki sila gamit ang malaking bilang at kasing laki din sila ng elepante at ang kanilang balat ay sin tigas ng bakal.. paano mong nakuha ang lahat ng ito? Wag mong sabihin na sinuwerte ka at may nakita kang lagpas sa isnag daang bangkay ng death spider?" Mabilis na Wika ni william dahil sa hindi makapaniwala kay anton.

"Sa katunayan ay may kasama kami.. apat kami na tumapos sa mga death spider.." wika ni anton..

Halos mahimatay si william sa kaniyang narinig.

Ilang sandaling katahimikan ay muling nagsalita si william.

"Sparring tayo.. gusto ko lang malaman kung gaano ka na kalakas ngayon!" Wika ni william habang nakangiti at masiglang bumangon mula sa pagkakahiga sa higaan ni anton.

---------------

Di na tumanggi pa si anton at pinaunlakan na niya ang hamon ni william.

"Saktong sakto may mga bago akong skills na gustong subukan.. magic eye!" wika ni anton.

"Edi ngayon mo subuka.. tinatawag kita Red Dragon!" Mula sa likuran ni william ay lumitaw ang isang malaking magic circle at mula dito ay lumabas ang isang malaking pulang dragon.
______________________________________

[Spirit Summoning]
- summon a spirit with different element.

[Red Dragon]
- A Superior Level Fire Type spirit.
______________________________________

'Wut da pak!' Sigaw ni anton sa kaniyang isipan ng makita niya ang pagsulpot ng malaking pulang dragon.

"Pinapakilala ko sayo ang alaga kong fire spirit.. Red Dragon.." wika ni william habang hinihimas ang leeg ng dragon. "Handa ka na ba anton?" Dugtong pa ni william at ngumiti kay anton.

"kahit anong oras! Aura!" Wika ni anton at sumugod kay william.

Iniangat ni william ang kaniyang kamay at itinuro kay anton.

"Red Dragon! Dragon Breath!" Wika ni william.

"Raaaawr!" Atungal ng dragon na lumikha ng malakas na shockwave mula sa sigaw nito. At kasunod nito'y nagliwanag ang leeg ng dragon at mula sa bibig nito ay lumabas ang matinding apoy.

"Ice wall!" Sigaw ni anton at sa kaniyang harapan ay lumitaw ang makapal na pader na yari sa yelo.

Subalit madaling natalo ng dragon ang pader na yelo at lumikha ng matinding pagsabog. Tumalsik si anton ng ilang metro.

"Superior level na kagad ang spirit summoning mo?" Tanong ni anton at dahan dahan na bumabangon.

"Ou.. may iba akong skill tulad ng mga support skill subalit tanging [Spirit Summoning] lang ang pinalkas at inaupgrade ko na naging dahilan upang maging superior level kaagad ang spirit ko sa loob ng maikling panahon.." wika ni william na tila ba tinuturuan si anton.

"Bukod sa main skills at special skills may tinatawag pang Ultimate Skills na matutunan mo lamang kapag ang main skills mo ay superior level na.. [Spirit Fusion]" dugtong pa ni william.

Pagkasabi nito ay nagsimulang magbago ang buong katawan ni william at ng dragon. Ang kanilang katawan ay naging isang liwanag na tila ba ay mga alitaptap at nagtipon sa iisang lugar.

Pagkaraan ng ilang minuto ay naglaho  ang mga liwanag at lumitaw si william na nababalot ng mga pulang kaliskis na nagmimistulang armor.

"Ito ang ultimate skills ng mg spirit summoner.. ang Spirit Fusion.." wika ni william.

Umatras si anton dahil nakaramdam siya ng matinding mana sa buong paligid at nakikita niya ang daloy ng mana sa paligid ni william.

'Ang daloy ng manang ito ay mas matindi pa sa Colossal Demon.' Sa isip ni anton, itinaas ni anton ang kaniyang kamay. "Water Jet!" Sa paligid ni anton ay lumitaw ang limang magic circle at ang bawat magic circle na ito ay nagbuga ng malakas na agos ng tubig. Ito ang multi cast.

Lahat nang water jet ay dumiretso kay william subalit bago pa man ito tumama kay william ay nagevaporate na ang mga tubig dahil sa sobrang init ng paligid ni william.

"Chantless? Pero walang silbi yan anton!" Wika ni william at tumalon si william, sa mata ng isang normal na tao ay nagmistulang naglahong bula si william dahil sa sobrang bilis niya, subalit si anton ay may magic eye.

Mula sa kaliwa ni anton ay lumitaw si william at naka amba na upang suntukin si anton, pero walang hirap lang itong inilagan ni anton.

"Mahusay anton!" Wika ni william at biglang tumawa. Itinaas ni william ang kaniyang kamay at itinapat ang kaniyang palad kay anton.

Mula sa palad ni william ay lumabas ang apoy na mas malakas pa sa dragon breath ng red dragon.

Nagulat si anton sa biglang ginawa ni william kaya agad niyang iniangat ang kaniyang dalawang kamay. "Ice wall!" Lumitaw ang sampung magic circle sa palad ni anton at sa pagkakataong ito ay nagawang maharang ni antong ang ataki ni william.

Subalit sa hindi inaasahan ni anton ay lumitaw si william sa kaniyang likuran at sinipa si anton. Ang buong paa ni william ay binalot ng naglalagablab na apoy.

Ng tumama kay anton ay lumikha ito ng napakalakas na pagsabog na naging dahilan upang tumalsik si anton ng ilang metro.

"Defuse!" Wika ni william at naglaho ang kaliskis ng pulang dragon sa buo niyang katawan at dahan dahan na lumapit kay anton.

"Paano mong nagawa iyon? Yun ang dragon breath ng red dragon di ba? At mas malakas pa ang sayo.." wika ni anton at sa kaniyang mga mata ay bakas ang pagtataka habang nakahiga.

Ngumiti si william.. "naging iisa kami ng red dragon.. pinagsama ang magic power niya at magic power ko kaya naman malaya kong magamit ang lahat ng skills ng red dragon." Wika ni william at iniabot niya ang kaniyang kamay kay anton.

Pagkatayo ay tumawa si anton. "Talo ako kaya naman hayaan mong ilibrr kita ng pananghalian!" Wika ni anton.

Tumungo si anton sa opisina ni chairman lee na nagkataon naman na nan duon si chester at iniabot na ni anton ang bag na punong puno ng magic stone. Tulad ni william ay di din makapaniwala si chairman lee at chester sa naipong magic stone ni anton.

Tulad ng nasa kontrata ang per kilo ng magic stone ay 100,000 pesos at umabot sa 70 kilo ang magic stone na nalakap niya kaya nakatanggap ng kulang kulang na 7 millions kaagad ang natanggap ni anton.

Inantay ni anton si william sa labas ng building dahil sa pangako niya na ililibre niya ito ng pananghalian. Subalit imbis na si william ang dumating, ang sumalubong sa kaniya ay si Christina.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum