Chapter XXXVI: Power Up!

1.1K 76 1
                                    

Sorry kung ngayon lang nag-update Final exam na kasi sa school.. 🙇
At aalisin ko na din po ying buffs skill pag-iisahin ko nalang sila ng support akills.
______________________________________

"Hyaaaah!" Hiyaw ni cheng habang natutupok sa apoy, pahina ng pahina ang kaniyang hiyaw hanggang sa nawala na ng tuluyan.

Dahil sa kaniyang hiyaw ay kinuha nito ang atensyon ni arkisha at wan er, napatingin si arkisha at wan er sa direksyon kung saan naglalaban si anton at cheng, dito ay nakita nilang dalawa kung paano tinupok ng asul na apoy si cheng at naging isang abo.

Biglang may lumitaw na screen sa haraapn ni anton.
______________________________________

Your abilities are increase by killing Cheng.

(Main skill)
[Aura beginner 3] - [Aura advance 3]

[Aura advance 3]
- Envelope in light that serve as a shield that reduce the damage from physical attacks and enhance oneself physical abilities. Last for 2 minutes and 35 seconds. Cool down 1 hour.
(Aura Blade) passive
- while Aura is activated you can transfer your aura into your weapon. Increase the destructive and penetrating power of weapon. Reduce the time limit of Aura depends on how much aura puts in every attack.

[Marksmanship Advance 4]
- long range weapon deals more damage and penetrating power.
(Shooting)
- increase accuracy and precision.
(Sniping)
- increase range attacks.

(Support skills)
[Physical buff intermediate 1] - [Physical buff Advance 1]

[Physical buff advance 1]
- increase physical attribute, Strength, Vitality, Agility and Stamina.
(Brute Force)
- Deal more damage when bare hands.
(Herculean Strength)
- increase physical strength when facing more enemy.

[Tracking Beginner 3] - [Tracking intermediate 3]

[Tracking Intermediate 3]
- increase senses and intuition, and aloows you track something or someone.
(Alarm)
- detect any killing intent.

[Assassination Intermediate 2]
- Block any tracking skill (depends on the level). When approaching enemy decrease the effects of enemy's detecting skills.
(Stealth)
- hiding in dark makes you invisible.

(Special skills)
[Spatial Storage] (Rank S)
- allows you store any item.
______________________________________

'a-ano to? G-grabing stats to.. at yung spatial stirage.. ito sigurado ang dahilan kung paano niya nadala ang Beretta 92a1 sa mundong ito..' sa isip ni anton.

Ramdam ni anton ang pagbabago ng kaniyang katawan sinubukan pa miyang kapain ang kaniyang sikmura at nagulat pa siya sa kaniyang nakapa, ang kaniyang abs ay tila isang bato sa tigas.

Ang dating puting liwanag na bumabalot kay anton ay unti unting nagbago at naging asul na liwanag.

"Chennngg! Kapatid ko!" Sigaw ni wan er at tumakbo sa direksyon ni cheng, subalit tanging abo nalang ni cheng ang nadatnan ni wan er.

"Ha.. ha.. haha.. hahaha!" Biglang tumawa si wan er na tila ba ay nasisiraan ng baet "aura!" at biglang binalot ang kaniyang buong katawan ng asul na liwanag.

"Knife!" Sa kamay ni anton ay lumitaw ang isang kutsilyo at binato kay wan er.

Walang hirap lang itong inilagan ni wan er at dumistansiya kay anton. Nang maka layo ay inangat niya ang dalawa niyang braso. "Void Gate!  Colossal Demon of Abyss!" Wika ni wan er.

Nakaramdam si anton ng matinding magic pressure sa kalangitan kaya sinubukan niyang tumingala, at ang tumambad sa kaniya ay isang malahiganteng Black Hole na halos sakupin ang buong kalangitan.

Mula sa pusod ng black hole ay may lumabas na dalawang higanteng pulang kamay na may matutulis na kuko, at sinubukan nitong ibuklat pa ng husto ang black hole na tila ba sinusubukan nitong dumungaw.

"Guuuuaaaaah!" Sigaw ng higanteng demonyo ng mailabas nito ang kaniyang ulo na may anim na sungay at matutulis na pangil.

Lumikha ng matinding shockwave ang sigaw ng higanteng demonyo kaya naman nagtalsikan ang mga puno sa paligid nila anton.

Agad na tumakbo si anton patungo kay ellen at sinalo ang katawan ng dalaga. Sinubukan na ni anton gamitin ang heal subalit hindi na humihinga pa ang dalaga.

"Ellen! Ellen! Patawarin mo ako.." wika ni anton habang umiiyak.

Si arkisha naman ay lumapit kay arthur at inangkas ito sa kaniyang likuran habang nakasakay sa tigre. Lumapit si arkisha kay anton.

"Hindi ito ang oras upang magluksa.. kailangan natin pigilan ang halimaw na iyan kung hindi lahat tayo ay mamamatay sa lugar na ito.." wika ni arkisha.

"Pero paano?" Wika ni arthur.

Dito ay natauhan na si anton at lumapit kay arthur upang pagalingin ang sugat nito.

"Hindi ko alam.. pero nakakasiguro ako na ang baaeng yun ang susi.." wika ni anton sabay turo kay wan er.

"Ang colossal demon ang isa sa pinaka makapngyarihan sa angkan ng mga demonyo.. kaya naman kahit na magtulong tayo ay imposible natin na matalo ang colossal demon na yan.. kung ang babaeng yan ang nagsommon malamang ay magsasarado ang gate kung mapapatay natin siya.." wika ni arkisha.

"Wala ng ibang paraan.." wika ni anton at biglang naglaho sa kaniyang kinatatayuan.

Mabilis na tumakbo si anton sa direksyon ni wan er. "Water Jet!" Inangat ni anton ang kaniyang braso nang makalapit siya kay wan er at mula sa kaniyang palad ay lumabas ang malakas na agos ng tubig.

Inilagan lang ito ni wan er. At sa likod ni anton ay tumalon ang isang puting tigre, "Breath of wind spirit, Sylph! [Wind Blade]". Wika ni arkisha habang nasa ere at nakasakay sa puting tigre.

Sa palad ni arkisha ay lumabas ang mabilis na hangin. Agad na sinalag ito ni wan er gamit ang kaniyang kutsilyo at napaatras si wan er ng ilang hakbang dahil sa wind pressure.

Mula sa likod ni arkisha ay tumalon si arthur patungo kay wan er habang nakaamba ang kaniyang espada.

"Gravitational Field!" Wika ni anton at sa paanan ni wan er ay lumitaw ang malawak na magic circle at tila hinihila si wan er pababa sa lupa na naging dahilan upang mahirapan siyang makagalaw at maiwasan ang ataki ni arthur.

"Void Gate!" Sa paanan ni wan er ay lumitaw ang isang black hole at dahil sa Gravitational Field ay mabilis lumubog si wan er patungo sa black hole.

"Arthur!" Pinawalang bisa ni anton ang Gravitational Field at tumalon ng buong lakas upang itulak si arthur dahil kung hindi ay didiretso si arthur sa black hole na iniwang bukas ni wan er.

Gumulong silang dalawa sa lupa, at avad na tumayo si anton subalit hindi na muling lumitaw pa ang black hole.

"Guuuuuaaaaaaah!" Sigaw ng Colossal Demon at nakaramdam si anton, arthur at arkisha ng mating pagyanig ng lupa at sabay sabay silang tumingin sa Colossal Demon na nakaalis na ng tuluyan sa black hole.

Unti unti naglaho ang black hole na senyales na nasa malayong lugar na si wan er.

"H-h-hinde.." mahinang  wika ni arkisha at bakas sa mukha nito ang matinding takot at pangamba.

Inangat ng Colossal Demon ang kaniyang braso at nagkaroon ng malaking bitak sa lupa at mula sa mga birak ng lupa ay sumirit ang mga lava paangat sa kalangitan.

Nagmistulang tore ang lava dahil sa taas nito at lumilikha ng matinding liwanag sa buong paligid dahilan ng sobrang init. Ang buong paligid naman ng Colossal Demon ang nagsimulang matupok sa apoy.

Biglang dinakma ng Colossal Demon ang tore ng lava at ang lava ay nag-anyong sibat at may tatlong patusok sa dulo. (Parang higanting tinidor.)

"Guuuuaaaaah!" Sigaw ng demonyo at nagsimulang bumwelo at binato ang sibat na yari sa lava sa direksyon nila anton.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now