Chapter VII: Second Trial

1.5K 82 0
                                    

Pinaghandaan ni anton ang muling pagsubok dahil alam niya na sa isang pagkakamali lang ay buhay niya ang kapalit. Ganun din sa skills na pinili niya. Ilang beses niya itong sinanay sagayon ay di siya matanga sa oras ng pagsubok.

Salamat din sa skills at buffs niya.at di na siya na hirapan sa pageensayo. Jogging, gym, push up at sit ups. Binuhos ni anton lahat ng oras niya upang ihanda ang katawa niya.

"Status!" Lumitaw sa kaniyang harapan ang transparent screen.

-----------------------------------------------------------
Examinee: Anthony Perez

Examinee No.: EX-0499

Weapon: Old Leather Armor, Rusty Sword

[Heal Level 1] - Consume mental concentration to heal minor wounds and restore some stamina. Cost 100 points

[Physical Buff Level 1] - Increase physical capabilities. Cost 100 points
-----------------------------------------------------------

Salamat sa Physical buff at Heal tuloy tuloy lang ang ensayo ni anton pero napansin ni anton na sa unang gamit ng heal ay di mapapansin ang epekto pero sa pangalawa at pangatlo ang kumikirot na ang kaniyang ulo at nahihilo. 'Mas mabuti kung magagawa kong uwisan ang masugatan sa susunod.' Sa isip ni anton.

Napansin din ni anton ang pagbabago sa kaniyang katawan, "parang nabawasan ang taba ko.. siguro dahil sa physical buff.. hayaan muna nga.." wika ni anton.

Mabilis na lumipas ang oras, araw at linggo. Sa loob ng isang linggo ay walang ginawa si anton kundi palakasin ang katawan niya.

"Board!"

-----------------------------------------------------------
Objective: Rest for 7 days

Time Limit: 36 mins.
-----------------------------------------------------------

"Ilang minuto nalang.." wika ni anton habang dahan dahan siyang humiga. Habang inaantay ni anton at nagbibilang ng oras ay di niya napansin na kusang nagsara ang kaniyang mga mata. Pagdilat niya ang mga kasunod niyang nakita ang pamilyar na senaryo. Balot ng puting liwanag ang paligid at ang tanging nasa harapan niya lang ay isang matanda na si atlas. Di na nagulat si anton sa kaniyang nakita di tulad ng una niyang napunta sa lugar na to.

"Welcome anton!" Salubong ng matanda kay anton. Nilapad nito ang kaniyang mga braso at papalapit kay anton upang yakapin. Pero agad siyang pinigilan ni anton.

"Wag na tayo magplastikan pa. Alam kong kaya ka lang masaya dahil nagagawa mo kung ano man ang gusto o plano mo kung ano man yun." Wika ni anton sa matanda ng pigilan ito. "Ilang kaming humaharap sa pagsubok na ito?" Dugtong pa ni anton.

"Sabi ko naman sayo anton.. di ko maaaring sabihin ang nilalaman ng pagsubok. Malalaman mo nalang ang mga kasugutan sa katanungan mo sa tamang panahon.. sa ngayon bat di ka na tumungo sa pinto.. kaya ka naman nandito dahil sa iisang dahilan lang naman di ba?" Sabay tawa ng matanda at sa tabi nito ay lumitaw ang isang pinto.

Tumungo si anton sa pinto at agad na pumasok. Pagdilat niya ay di na siya nagtaka kung nasa loob parin siya ng gubat. Pero di niya akalain na wala paring pinagbago sa lugar na ito. Literal na walang pinagbago. Andun parin ang mga bangkay ng goblin at halatang sariwa pa ang mga sugat niyo. Ang tanging pinagbago lang ay may armor at espada na siya at wala ng kahit ano mang sugat sa katawan niya. Napansin din ni anton na palubog na din ang araw.

"Kung ganun sa oras na natapos ko ang pagsubok ay humihinto ang oras ng magkabilang mundo at ang matandang yun ang bahala sa pagadjust ng ora-" naputol ang pagsasalita ni anton ng mapansin niyang may mga kaluskos sa mga halamana.

Agad na yumuko si anton at naghanap ng matataguan. Ilang sandali ay gumalaw na naman ang mga halaman at nakarinig na naman siya ng kaluskos. Sa pagkakataong ito di lang sa iisang direksyon. Tila ba plano ng mga ito na palibutan siya.

"Board!" Lumitaw ang ang transparent screen sa harapan ni anton.

-----------------------------------------------------------
Objective: Save the Kuroro Village.

Time Limit: 7 days.

Reward: 700 points
-----------------------------------------------------------

Di na siya nagulat sa hirap ng pagsubok pero ang kinagulat ni anton ay ang Time Limit nito. '1 week? Seryoso?' Sa isip ni anton. "Iligtas ang village? Panigurado konektado na naman ito sa mga goblin. Pero ano ginagawa nila dito? Back up?" Pabulong ni anton. Nang wala na siyang maisip na maaaring dahilan wala ng nagawa si anton kundi ang lumabas sa tinataguan niya. Ikinagulat pa ni anton ng bigla din lumabas  ang isang itim at malaking wolf.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now