Chapter XXIV: 3rd Trial

1.2K 74 0
                                    

Biglang binalot si chester ng berdeng liwanag at walang hirap na sinira ni chester ang lubid na gawa sa mana, at bago pa man tumama kay chester ang kutsilyo ay biglang naglaho si chester sa paningin ni anton.

Hindi maipaliwanag ni anton pero may kung anong bagay na nagpupumilit na kailangan niyang gumulong, sinunod nalang ni anton ang kaniyang nararamdaman.

Bigla ay lumitaw si chester sa kaniyang likuran, at akma na sanang aatakihin ni chester ang batok ni anton pero hangin nalang ang tinamaan ni chester dahil naunahan siya ni anton.

Mula sa paggulong ay agad na bumangon si anton at nagsalita. "Huf! Kala ko ba di mo gagamitin ang iyong aura?" Wika ni anton.

"Lesson to.. sa kabilang mundo ay may makakaharap ka na as tuso pa sa ginawa ko kaya naman kailangan mong mag-ingat at asahan ang pinaka malala na maaaring maganap.." sagot ni chester at pumorma na nagpapakita na handa na siya sa muling pag-atake.

"Knife x4!" Wika ni anton at lumitaw ang dalawang kutsilyo sa magkabila niyang kamay. Sinabayan ni anton si chester sa paglusob.

Di pa nagtagal ng ilang minuto ay natalo na si anton. Napansin din ni anton na masyadong mababa ang kaniyang mana dahil bago pa man matapos ang laban ay nakaramdam na siya ng hilo, kaya naman nagtanong si anton kung paano mapapalaki ang kaniyang mana source.

"Di kita matutulungan sa ngayon sapagkat kulang ang supply natin ng magic stones, kaya naman pagpunta mo sa kabilang mundo ay maaari mong gamitin ang magic stones upang magcultivate at iabsorb ang mana dito.." sagot ni chester kay anton.

"Salamat chester.." wika ni anton at akma na sanang aalis si anton ng pigilan siya ni chester.

"Teka lang anton.. gusto ko sana malaman ang special skills mo.." wika ni chester.

Tahimik si anton at hindi umimik, hindi ito dahil sa wala siyang tiwala kay chester. Ayaw lang maexpose ang nag-iisa niyang alas. Naintindihan naman ni chester ang ibigsabihin ng katahimikan ni anton kaya naman ay nagsalita nang muli si chester.

"Nauunawaan ko kung bakit ayaw mong sabihin kaya naman di kita pipilitin.. pero papaalalahan lang kita.. ang special skills ay nahahati sa anim na Rank ito ay SSS, SS, S, A, B and C. Ang mga rank na ito ay nagsisilbing lebel kung gaano kahalaga at kalakas ang special skill na tinataglay ng isang tao.. ang pinakamalakas na special skill ang Rank SSS ay tinatawag na 'Seven Deadly Sins' Wrath, Pride, Gluttony, Greed, Sloth, Envy at Lust. Ang mga ito ang kumakatawan sa pitong Rank SSS.." wika ni chester.

Kinamot kamot ni anton ang kaniyang baba na tila nag-iisip bago sumagot kay chester. "Kung ganun.. pito lang ang uri ng special skills? Paano kung dalawang tao ang nagtataglay ng iisang special skill?" Sagot ni anton.

"Imposible yun.. tanging isang tao lang ang maaaring magtaglay ng isang uri ng skill kahit na ano mang Rank nito.. halimbawa, ang special skill ko na [Space Distortion Rank S] ay ako lang ang maaaring magtaglay at miski ikaw ay di muna maaari pang matututunan.. pero may isang paraan upang matutunan ang skill ng iba at ito ay ang 'Plunder'.." wika ni chester.

"Kung hindi muna matututunan pa edi nakawin nalang? Pero paano? Meron bang ganun?" Sagot ni anton.

"Ou at dahil dito kaya naman mas naging delikado ang kabilang mundo.. kapag nakapatay ka ng kapwa examinee dito sa man mundo natin o sa kabilang mundo, maaari mong makuha ang lahat ng kanilang skills at special skills.. halimbawa kung ang physical buff mo level 2 at level 3 sa taong pinatay mo. Magiging level 3 ang physical buff mo pero kung parehas kayo o mas mababa ang skill niya di madadagdagan ang skill mo.. pero ang habol ng ibang examinee ay ang special skills.. kaya tama lang na isekreto mo ang tungkol sa special skills mo.." wika ni chester at dahil dito naging seryoso ang mukha ni anton.

"Paano yung mga taong nagtataglay ng Rank SSS?" Tanong ni anton.

"Ang alam ko ay tatlo palang ang nagtataglay nito, ang Greed, Gluttony at Envy palang ang nababalitan ko at ang isa dito ang Envy ay hawak ng China na si Liu ye at ang pinaka malakas sa buong mundo".

Madami pang natutunan si anton tungkol sa kabilang mundo, tulad ng ibang grupo na ang trabaho ay mang hunting ng ibang examinee para sa special skills at di lang yun malilipat din ang mga kagamitan na tinataglay ng isang examinee na namatay sa taong pumatay, bukod pa dun ay may matatanggap din na Points sa kada tao na mapapatay.

At ang pinaka mahalaga sa lahat ng nalaman ni anton, ay iba ang Diyos na nakita at nakilala nila chester at iba pang myembro ng PGE. Sa katunayan si anton lang talaga ang nag-iisang tao na si Atlas ang nakaharap ang iba ay isang uri daw ng kerubin o anghel, dahil dito ay nahiwagaan si anton nangyayari.

Muling bumalik sa pag-eensayo ng mahika si anton hanggang maubos ang oras na natitira nang ilang minuto nalang ay natulog na si anton at pagdilat niya ng kaniyang mga mata ay muli na naman niyang nakita ang pamilyar na mukha, si atlas.

"Welccome back anton.. namiss mo ba ako?" nakangiting bati ni atlas kay anton.

"Sa katunayan, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay masaya ako na makita ka ngayon atlas.." sagot ni anton kay atlas. "Atlas umamin ka sino ka ba talaga at ano ba talaga ang nangyayari?" Dugtong pa ni anton.

Itinaas ni atlas ang kaniyang kamay at lumitaw na ang pinto at nagsalita "tulad ng sabi ko sayo anton.. di ko maaaring sabihin ang tungkol sa kabilang mundo dahil mawawalan na ng saysay ng mga misyon mo.. wag ka mag-alala malapit mo ng malaman.." wika ni atlas.

Di na kinulit pa ni anton si atlas dahil alam niyang di naman din ito magsasalita kaya naman punasok na si anton sa pinto. Pagdilat ni anton ng kaniyang mga mata ay nakita muli ni anton ang nabubulok na kisame.

"Board!" Sa harapan ni anton ay lumitaw ang trabsparent screen.

-----------------------------------------------------------
[3rd Trial]

[Objective:]
- Destroy the goblin nest.
(Reward) 1,500 points

- kill the goblin king.
(Reward) 1,000 points

- save other people.
(Reward) 100 points

[Time Limit:]
89 days 23 hours 58 minutes
-----------------------------------------------------------

"WTF!? A-ano?! Tatlong misyon sa isnag trial?!" Sigaw ni anton.

Dahil sa sigaw ni anton ay nagulat si ellen na nasa sala at naghahanda ng almusal. Agad na binuksan ni ellen ang pinto at pumasok. "Anton! Ano nangyare? Ayos ka lang ba?!" Bulalas ni ellen pagpasok sa kuwarto ni anton.

"W-wala naman ellen.. nanaginip lang ako pero ayos lang ako wag ka mag-alala.." sagot ni anton.

"Ah ganun ba.. kailangan mo nang bumangon anton tandaan mo ikaw na ang pinuno ng village at ngayong araw itinakda upang humarap sa mga mamamayan ng kuroro village.." wika ni ellen na naging dahilan naman upang tumayo ang balahibo ni anton.

'Nawala sa isip ko na ngayon ko pala haharapin ang mga tao.. mahina ako sa mga speech..' sa isip ni anton, at nagkibit balikat nalang at lumabas ng kuwarto na balot ng kalungkutan.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon