Chapter XXX: Church of Five Gods

1.2K 77 3
                                    

Note* at dahil walang pera kaya wala akong pamasahe ngayon papuntang school magsusulat nalang ako 😅 sana magustuhan niyo..
______________________________________

Sa kanilang daan ay may mga nakaharap sila anton na bagong mga nilalang tulad ng, Crystalline Horse, ito ay isang uri ng kabayo na mas malaki ng di hamak sa normal na kabayo.

Di tulad ng kabayo na herbivores and Crystalline Horse ay isang Carnivorous. May dalawa itong pangil na tila yari sa Crystal at may mga sungay din ito mula sa kaniyang nuo hanggang sa batok na yari din sa Crystal.

"Nyeeeheee!" Atungal ng Crystalline Horse habang pinapagaspas nito ang kaniyang binti na nagsisimbolo sa pagsugod nito.

"Humanda kayo! Lulusob na naman siya!" Wika ni anton. "Aura!"

Napagdisisyunan nila na haharangin ito ni anton gamit ang kaniyang lakas at skills, dahil hindi magawang mahuli ito ni ellen ng kaniyang magic vine dahil sa bilis ng Crystalline Horse. Kaya naman magsisilbing paen si anton at huhulihin ni ellen at tsaka nila ito papatayin.

"[Water Jet]" itinaas ni anton ang kaniyang palad at tinutok ito sa Crystalline Horse subalit hinarang lang ito ng kabayo gamit ang kaniyang sungay.

'Shit! Wala man lang nagawa ang [Water Jet]..' sa isip ni anton.

Di na magagawa pang umilag ni anton dahil sa sobrang bilis ng kabayo, kaya naman tinaas nalang niya ang kaniyang dalawang kamay at gamit ng mana manipulation at magic control at lumikha si anton ng [Mana Shield].

Dahil sa momentum ng kabayo at talas at tibay ng sungay nito ay agad nitong nabasag ang shield na ginawa ni anton.

Wala ng naisip pang paraan si anton, kaya gamit ang kaniyang dalawang kamay ay sinubukan ni anton na pigilan ang kabayo sa panunuwag nito.

Subalit mas lamang sa pisikal na lakas ang kabayo, bumaon ang sungay ng kabayo sa dibdib ni anton at sinuwag ito ng kabayo pataas kaya naman nahiwa ang dibdib ni anton hanggang sa balikat dito'y sumirit ang madaming dugo ni anton mula sa kaniyang balikat. Nagmistulang napunit na papel naman ang braso ni anton dahilan sa pag-ataki ng kabayo kaya lumaylay ang braso ni anton.

"Aaaaaargh!" Binalot ang buong kagubatan ng sigaw ni anton.

"Magic Vine!" Narinig ni anton ang tinig ni ellen ng gumamit ito ng magic vine.

Tumalsik si anton at sinalo naman siya ni andrew at bakas sa mukha ni andrew ang takot at pag-aalala.

Si arthur ay agad na sumugod sa kabayo, bagamat nag-aalala siya kay anton ay wala na siyang sinayang pang oras at agad pinugutan ng ulo ang kabayo. Alam ni arthur na mas delikado kung di niya kaagad mapapatay ang kabayo.

"Anton!" Agad na tumakbo si ellen kay anton nahalos magkandarapa naman ang dalaga sa pagmaadali.

"Ayos lang ako.. arrrgh! [Heal]!" Itinapat ni anton ang kaniyang palad sa kaniyang balikat at pagkasabi ni anton na heal ay nagliwanag ang kaniyang palad. Tumagal ng ilang minuto bago pa man tuluyang magamot ni anton ang kaniyang sugat dahil sa lalim at laki nito.

Ilang sandali lang sila nagpahinga at muli na silang tumuloy patungo sa Goblin nest.

Nang malapit na sila ay agad silang pinigilan ni andrew.

"Ssshh-" hinarang ni andrew ng kaniyang braso ang grupo at dahan dahan ibinaba senyales na kailangan nilang magdahan dahan.

Dahan dahan naglakad sila anton papalapit at nagtago sa halamanan dito ay nakita nila ang lugar na pinagpupugaran ng mga goblin.

Subalit nanlaki ang mga mata nila anton sa kanilang nakita.

Sa kanilang harapan ay ang Skull Cave, ito'y kuweba na hugis bungo. Isa din itong Labyrinth na pinagpupugaran ng iba't ibang klase ng halimaw.

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now