Chapter XLIII

1.1K 66 0
                                    

Chapter 43: Greed

nababalot ng kadiliman ang paligid ni anton, at sa gitna ng kadiliman na ito'y siya lang magisa sinusubukang pakiramdaman ang kaniyang paligid subalit ay bigo siya dahil tila nakalutang lang si anton habang naka higa at walang maramdaman.

"tama.. bakit pa ba ako maninibago? sanay na ako sa ganitong buhay.." wika ni anton at biglang nagflash sa kaniyang isipan ang mga alaala na kasama niya ang kaniyang pamilya, mula pagkabata hanggang sa pagtanda niya hanggang sa makilala niya si atlas, anna, arthur, chester, william, chris, christina, arkisha at sa huli ay si Liu ye..

"Liu ye!" sigaw ni anton at bigla niyang idinilat ang kaniyang mga mata.

ang tumambad sa harap ni anton ay ang pamilyar na lugar.. hinding hindi makakalimutan ito ni anton, ang White Room.

"Atlas!?" sigaw ni anton at tumitingin sa kaniyang paligid.

'ano ginagawa ko dito? kailangan kong tulungan sila chester! di pa tapos ang rest day ko kaya ano ginagawa ko dito?!' sa isip ni anton.

"atlas?! nasaan ka?!" sigaw ni anton at nang mgawi ang kaniyang paningin sa kaniyang likuran ay nakita niya ang isang pinto.

hindi ito pinansin ni anton dahil ang naisip niya ang pinto na ito ay patungo sa kabilang mundo.

"atlas!" sigaw ni anton nagsimulang tumakbo at hanapin si atlas.

makalipas ng ilang oras na pagtakbo ay huminto si anton dahil sa pagod at pagtingin niya sa kaniyang likuran ay andun parin ang pinto tila ba ay sinundan siya nito, pero naisip ni anton na para bang hindi siya umalis sa kaniyang kinatatayuan dahil hindi man lang nagbago ang kaniyang paligid.

nawalan na ng pagasa pa si anton. umupo si anton, pinikit ang kaniyang mga mata at pilit na inalala ang mga nangyari.

ginamit ni anton ang 'Ice Mirror' at 'Gravitational Field' kay Liu ye. tila ba vacuum ang Magic Circle ng Gravitational Field dahil mabilis nitong hinila pababa si Liu ye, pinilit lumaban ni Liu ye sa Gravitational Firld subalit wala siyang nagawa dahil sa lakas ng pagbagsak niya ay naglikha ito ng malakas na pagsabog at shockwave, nawasak din ang lupa kung saan siya bumagsak.

kahit anong pilit na bumangon ni Liu ye ay hindi niya magawa, gamit ang Ice Mirror ay nireflect ni anton ang Ethereal Beam pabalik kay Liu ye.

sa tindi at lakas ng liwanag ay kaya nitong lusawin at sunugin ang kahit na ano mang tamaan nito.

nakita ni Chris at chester ang ginawa ni anton kaya naman ay nagsaya ang dalawa sa pagaakala na natalo na ni anton si Liu ye. napatay ni Chester ang kalaban niya na si Zhao yhun malakas si zhao yhun subalit hindi pa sapat ang lakas niya upang talunin si Chester. si chris ay muntik na niyang matalo ang kaniyang kalaban na si bambang, pantay lang ang kanilang lakas subalit si bambang ay shield wielder at si chris ay bow wielder. mula sa malayo ay inaataki na ni Chris si bambang at hindi naman makalapit si bambang dahil sa pagataki ni chris kaya wala siyang magawa kundi sumalag hindi lang niya inakala na mawawasak ni chris ang kaniyang shield gamit ang kaniyang pana kaya wala ng nagawa pa si bambang kundi ang umatras gamit ang Void Gate ni wan er.

lumapit si chris at chester kay anton at tinapik ang balikat ni anton.

"mahusay anton! dahil dito ay ikaw na ang pinaka malakas!" wika ni chester.

subalit hindi man lang sumagot si anton at nakatingin lang sa usok kung nasaan si Liu ye.

'kung napatay ko nga si Liu ye bakit wala pang lumalabas na notification? yung napatay ko ang isa sa mga alagad ni Liu ye ay agad na may lumabas na notification.. isa lang ibigsabihin nito..' sa isip ni anton, magsasalita na sana si anton at sasabihing buhay pa si Liu ye ng biglang makarinig si anton ng 'zzzzuuup zzzzzuuup' mula sa usok at ng tumingin siya ay nakita niya kislap ng mga liwanag.

"ilag!" sigaw ni anton at tinulak niya si chester.

"huh?!" gulat na wika ni Chris at ilang sandali ay tumama sa katawan, ulo, braso, binti at dibdib ni chris ang mga maninipis na liwanag na tila ba ay mga laser beam, tumagos sa katawan ni Chris ang mga liwanag na ito at bumagsak si chris na wala ng buhay.

"Chris!" sigaw ni chester at agad na lumapit si chester kay chris.

"wuhahahaha!" narinig ni anton at chester ang tawa ni Liu ye at agad silang tumingin sa pinagmumulan ng tinig.

unti unting nawawala ang usok nabumabalot sa kapaligiran at ng tuluyang nawala na ang usok ay nakita ni chester at anton si Liu ye. sunog ang buong katawan at ang ibang parte ng katawan nito ay nagkalat sa paligid at ang dalawang binti ay wala ng mga laman at tanging mga buto nalamang ang makikita at gamit ang nagiisang braso ay bitbit ni Liu ye ang kaniyang ulo. nakita din nila anton kung paano mabuo at tumubong muli ang mga laman, tissue at muscles ni Liu ye, nung nakabit na ang kaniyang ulo di nampot naman ni Liu ye ang kaniyang isang braso at kinabit ito.
______________________________________

[Greed] (Immortality)

- as long as the user has a mana he/she won't die and any damage that has potential to kill the user will automatically deducted to his/her mana.

using the mana the user can enhance his/her own regeneration capabilities.
______________________________________

"w-what the f*ck.. ang creepy niya.. anong skills yan?" wika ni chester habang napapatras pa dahil sa itsura ni Liu ye kasabay pa ng mga pagtawa nito.

"Greed.. the immortality.." wika ni anton na naging dahilan naman upang mapalunok ng laway si chester.

"ang greed ay pangatlo lang sa seven deadly sins.. pero kilala si Liu ye na halos mayroong walang katapusang mana.." nanlaki ang mga mata ni chester.

"hindi.. base sa lakas ng mga magic niya malakas ito kumaen ng mana.. at dagdagan mo pa ng pinagsama natin na lakas na sa bawat direktang pagtama sa kaniya ay mababawasan ang mana niya.." wika ni anton.

"tama sa paraang ito halos madodoble ang konsumo niya ng mana.." wika ni chester at sumugod na silang dalawa kay Liu ye.

"Hypertorch!" wika ni anton, at sa kaniyang paligid ay limitaw ang walong magic circle at sabay sabay na naglabas ng asul na apoy patungo kay Liu ye. nilubos na ni anton ang pagkakataon na hindi pa tuluyang nakaka recover si Liu ye.

subalit hindi inaasahan ni anton ang paglitaw ng Void Gate sa kaniyang harapan, at ang agad na pumasok sa isip ni anton ang epekto ng skill na ito, kaya agad siyang lumingon kay chester at sumigaw.

"chester yuko!" sa likod ni chester ay may lumitaw na isa pang Void Gate.

hinigop ng Void Gate ang Hypertorch at sa kabilang Void Gate ay lumabas ang mga nahigop ng Hypertorch. agad na yumuko si Chester subalit nahagip parin si Chester.

"Chester!" sigaw ni anton.

pagharap ni anton kay Liu ye ay nasa harapan na niya ang kamao ni Liu ye.

tumalsik si anton ng ilang metro.

'aaarggh! ang galing ng combo attack nila.. gamit ang void gate para magcounter attack at distraction mahaharang din ng void gate ang vision ko kaya di ko inaasahan ang pag-ataki ni Liu ye..' sa isip ni anton.

"Ethereal Blade!" mabilis na tumungo sa direksyon ni anton ang mga espada na yari sa liwanag, gamit ang Aura ay inilagan ni anton ang mga Espadang liwanag paminsan minsan ay gumagamit din si anton ng Ice Wall at Water Jet upang harangan ang mga espadang liwanag.

habang abala sa pagilag si anton ay di niya inaasahan ang paglitaw ng Void Gate sa kaniyang likuran at ang Void Gate na ito at naglabas ng mga Espadang Liwanag. tumama ito sa kaniyang likuran, balikat, braso, tagiliran at binti at tumagos pa.

"uaaagh!" sumuka ng dugo si anton.
______________________________________

Warning!

you are dying, [Undying Will] will automatically activating.
______________________________________

'hindi! hindi pwedeng mawalan ako ng malay sa gitna ng laban..' sa isip ni anton at binalot na ng kadiliman ang kaniyang paligid.

To be Continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now