Chapter XXVI:

1.3K 85 0
                                    

'WTF?! Ang alam ko ay tatlo palang ang nagtataglay ng Rank SSS skill.. edi ako na ang pang apat? Wala dapat makaalam ng tungkol sa skill ko..' sa isip ni anton, malamin ang pag-iisip ni anton ng may narinig siyang nabasag na plato at baso. Agad lumingon si anton sa pinagmulan ng tunog at agad niyang nakita si ellen na natataranta.

"Ayos ka lang ellen?" Wika ni anton at agad na lumapit kay ellen upang tulungan damputin ang mga piraso ng nabasag na pinggan at baso.

"Oo.. p-pero.. p-paano mo n-nagawa yun? Instant magic cast.. nang walang chanting.. miski mga sage sa Royal Capital ng Verssila kingdom ay di kayang gawin yun.." wika ni ellen.

Di na nagulat pa si anton sa reaksyon ni ellen, dahil alam ni anton na kahit ipaliwanag pa man niya ito kay ellen ay di ito mauuwaan ng dalaga. "Sinunod ko lang ang sinabi na ang imahinasyon at kaisipan ang lumilikha at bumubuo sa mahika.." tumingin si anton sa direksyon ng puno na kaniyang tinamaan, hanggang ngayon ay di parin siya makapaniwala sa lakas ng kaniyang mahika. "Di ko alam kung paano nangyare basta inisip ko lang kung papaano mabuo ang tubig sa palad ko.." dugtong pa ni anton.

-----------------------------------------------------------
[Magic Detection intermediate 2]
- Allow the user to detect any type of magic in 1 Km Radius. It's also allow the user to detect if someone is lying.
-----------------------------------------------------------

Biglang lumitaw ang transparent screen sa harapan ni anton habang nakatingin siya kay ellen, senyales ito na gumamit si ellen ng magic detection sa kaniya. Hindi maintindihn ni anton ang dahilan kung bakit kailangan ni ellen gumamit ng magic detection, marahil ay di pa siya nito lubos na pinagkakatiwalaan o sadya lang talaga na di kapani paniwala ang kaniyang ginawa.

Nakita ni ellen na nagsasabi ng totoo si anton kaya naman hinayaan nalamang ito at umalis na. Si anton naman ay tinuloy ang pagsasanay. Paminsan minsan ay lumilibot siya sa village upang kamistahin ang mga tao, at kung minsan ay sumasama siya sa pangangaso.

Maganda sin ang kinalabasan ng pag-eensayo niya ng espada kasama si arthur, at namangha pa si arthur kay anton dahilan sa laki ng pagbabagi nito sa kaniyang abilidad sa loob lamang ng isang gabi.

Mabilis na lumipas ang isang linggo at dumating na ang inaantay na tulong ni anton. Sa kalagitnaan ng pagpupulong ay pumasok si andrew at sinabi na may parating na ang 10,000 katao sa bagong tinatayong village, paalis na sana sila anton upang salubungin ito pero bigla nagsalita si gotthin.

"Bakit pa kasi kailangan nating lumipat ng village? Maaari naman na ito nalang ang i-expand natin.." wika ni gotthin.

"Sapagkat ang lugar na ito ay pinili niyo upang magtago.. napapalibutan ito ng matatarik na bundok naman limitafo lang ang pag-expand natin.. di tulag ng pinili kong lugar na kapatagan.. dahil plano ko din na ampunin ang ibang village sa iba't ibang lugar.." sagot ni anton.

Nang makita ni anton ang kaniyang misyon ay iisang bagay lang agad ang pumasok sa kaniyang isipan.. ang lahat ng misyon niya ay konektado.. kaya naman plano ni anton na atakihin ang goblin nest at siguraduhin na mapapatay ang goblin king. Sigurado si anton na sa nest ng goblin ay may mga taong dapat iligtas, subalit sa kaniyang misyon ay tanging nakalagay lang ay 'save the other prople..' kaya naman ibigsabihin ay may mga village pa na nakakaranas ng pag-atake ng mga halimaw at mababangis na hayop..

"Magandang araw salamat sa tulong william.." bati ni anton kay william at kasama naman ni anton ang lahat ng mamamayan ng village.

"Wala ito anton.. sa katunayan ang misyon ko ay hulihin lang ang mga bandido na umaataki sa mga manlalakbay sa verssila kingdom kaya tinulungan ako ni chester na tapusin kaagad ito at dahil ako ang may pinaka madaling misyon ay ako malang ang inatasan na magdala at maghatid ng tulong.." sagot ni william.

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon