Chapter XXXIII: Necromancer

1K 71 1
                                    

Pagdating nila ellen, andrew at arthur ay tumambad sa kanilang harapan ang bangkay atnagkalat din ang piraso ng katawan ng mga goblin at ang buong kuweba ay binalot ng mga dugo.

Nakita nila si anton na nababalot ng dugo ng mga goblin, at dito nakita din nila ang mga nag-iiyakang mga babae.

Kumuha si anton piraso ng tela upang punasan ang kaniyang mukha at punasn din ang mga babae at gumamit siya ng heal sa mga ito upang pagalingin ang kanilang mga sugat.

"Wag kayo mag-alala ligtas na kayo.. taha na.. sa pagkakataong ito di na kayo mahahawakan ng mga goblin.." wika ni anton.

Pinaiwan ni anton si andrew upang bantayan ang 37 na kababaihan na kanilang naligtas.

Nagpatuloy pa sila anton, arthur at ellen sa kuweba at dito nila nakita ang napakalawak na kuwarto, nasa apat napalapag ito pababa at may ilang metro ang taas ng kisame.

Dito nakita nila anton ang mga kababaihan na buntis, nasaksihan din nila kung paano sinisilang ng mga kabaaihan na to ang mga batang goblin. Pagkatapos ilabas ang batang goblin ilang segundo ay magsisimula na namang manganak ang babae ng ilang ulit pa.

Kitang kita sa mukha ng mga babaeng ito ang hirap na kanilang naranasan. Si ellen naman ay tinakpan nalang ang kaniyang mukha. Si arthur ay di maiwasan ang mapaluha sa awa sa mga babaeng ito.

"Patayin niyo na ako.." yan ang tanging salita na lumalabas sa bibig ng mga babae.

"Kiiiiyeek!" Matining na sigaw ng babaeng goblin ng makita nito ang grupo nila anton.

Ang mga babaeng goblin ay nakatoka para alagaan ang mga batang goblin sila din ang nagbabantay sa mga ito.

Sumugod ang mga babaeng goblin sa direksyon nila anton, di tulad ng lalakeng goblin di hamak na mas mahina at mabagal ang babaeng goblin kaya naman walang hirap nila itong pinatay.

Nakita ni anton ang mga batang goblin na tila inosente at walang malay sa mundo pero naisip ni anton kung gaano ito kasama kapag lumaki, walang awa sinunog ito ni anton.

Ang isang batang goblin naman ay lumapit sa inay nito at gumapang upang dumede pero nang makita ito ng babae ay agad itong nagsisigaw at kahit na sarili niya itong anak ay isa parin itong goblin, hinagis nito ang bagong panganak na goblin at tumama ang ulo nito sa malaking bato na naging dahilan upang sumabog ang ulo ng batang goblin at kumalat ang mga piraso ng utak.

"Gusto mo pa bang maligtas?" Tanong ni anton.

Nagulat naman si arthur sa tanong ni anton kaya agad nitong sinugod si anton at kinuwelyuhan at inangat. "Anong problema mo anton?! Malamang gusto niyang maligtas!" Sigaw ni arthur.

Tinitigan muna ni anton si arthur sa kaniyang mga mata bago sumagot "tignan mo ang itsura niya arthur.. binali ang kaniyang mga kamay at paa upang di magawa nitong makapiglas sa mga goblin.. sa tingin mo ilang taon na siya naka kulong sa kuweba na ito? Ilang beses na ba siya ginamit ng mga goblin upang magparami at magpasaya? At ilang beses kaya niya naranasan ang manganak sa loob ng isang araw? Arthur sa hirap ng kaniyang naranasan ang tanging bagay na makakapagligtas nalang sa kaniya ay kamatayan.. tanging kamatayan lang ang makakapagpalaya sa kaniya sa pagdurusa na ito.." wika ni anton.

Wala ng naisagot pa si arthur kundi ang luwagan ang pagkakagapos sa kuwelyo ng damit ni anton tumalikod habang nakayuko.

"Aaaaaah! Patayin mo na ako parang awa muna!" Sigaw ng isang babae habang lumuluha at nagsisimula na muling manganak.

Umiyak si ellen at tumakbo palabas ng kuwarto.

Si anton naman ay sinimulan ng sunugin ang buong kuwarto. Gamit ang asul na apoy ay tinupok ni anton ang buong paligid.

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now