Chapter XL

1.1K 74 3
                                    

Chapter 40: The first date

"Anton!" Sigaw ni Christina nang makita nito si anton na nakatayo at nag-aantay.

Nagulat si anton ng marinig niya ang pamilyar na boses at nang lumingon siya sa pinagmumulan ng tinig ay nakita niya si christina at kuma kaway pa ito. Tumakbo si christina papalapit kay anton.

"M-mam chris? Nasaan si william? Ano po ginagawa niyo dito?" Wika ni anton at may bahid pa ng pagtataka sa kaniyang mukha.

"Sinamahan si kuya chester.. ayaw mo ba na makita ako?" Wika ni christina at ngumiti ito at nagpacute pa kay anton.

May lahing chinese si Christina kaya naman di na nakakapagtaka ang mata niyang sinkit at mapungay lalo na pagngumingiti, may dimples din si christina na naging dahilan upang mas lalo siyang gumanda. Ang simple at manipis niyang make up ang nagpalitaw lalo ng kaniyang kaputian at kagandahan na terno sa kaniyang mahaba at straight na buhok.

Namula ang buong mukha ni anton. "Ah.. eh.. gusto naman po kaso.." hindi makatingin si anton ng diretso kay christina at sinusubukan pa miyang iwasan ang mga tinging ng dalaga.

"Ako bahala sayo!" Sabay kapit ni christina sa braso ni anton. "Gusto ko sana manuod ng sine.. pero narinig ko kay william na malaki ang kinita mo sa magic stone kaya shopping nalang tayo!!" Masayang winika ni christina habang hinihila si anton.

"Alam mo ang tungkol sa kabilang mundo?" Gulat na tanong ni anton.

Tumango lang si christina habang nakangiti lumipas ang ilang minuto bago pa siya sumagot. "Nung una nililihin pa ni kuya chester ang tungkol sa kabilang mundo samin ni daddy, pero nung natuklasan sa italy na maaaring gawing energy source ang magic stone ay naisip ni kuya chester na gawing paraan ito upabg muling iangat ang aming negosyo na unti unti ng lumulubog.." wika ni christina habang naka ngiti.

Siguradong alam na din ni christina ang piligro at kung gaano kadelikado sa lugar na mundong iyon..

Pagkadating nila anton sa departmen store ay agad na tumungo sila sa Men's Wear Section. "Hindi mo naitatanong isa akong model at fashion designer! Kaya ako na bahala sayo mas lalo kitang papagwapuhin!" Wika ni christina.

Naisip ni anton na siguro ugali na ng mga babae ang magshopping.. kitang.kita ni anton kung gaano kasaya si christina sa pagpili ng mga kasuotan na babagay sa kaniya. Lahat ng mga napili ni christina ay agad namang sinusukat ni anton.

Nung una akala ng mga sales lady at guard ng department store ay bodyguard ni christina si anton, pero nang bayaran ni anton ang kaniyang mga pinamili at nilabas ang kaniyamg Credit Card ay nakita ng cashier kung magkano ang pera ni anton.

Nanlaki Ang mg mata h cashier at hindi nito inakala na ganun kayaman si Anton. Pag-alis nila Anton at Christina ay nag-usap usap Ang mga saleslady at cashier dahil Duda sila sa itsura ni Anton at talagang mamahalin Ang mga damit na pinamili nila na nagkakahalaga ng 10,000 - 20,000 Ang isang damit at samahan pa ng gold na relo.

Namili din si Anton ng mga damit at sapatos para sa kaniyang nanay at tatay at para sa kaniyang mga kapatid. Pagkatapos ay kumaen silang dalawa sa isang mamahaling restaurant.

Nung una ay Hindi Alam ni Anton Ang gagawin Kaya Naman Hindi siya mapakali sa loob ng restaurant, kaya naman tinuruan siya ni Christina ng tamang etiquette at kung paano kumaen sa mga mamahaling restaurant.

nang matapos silang kumaen ay umalis na sila at tumungo sa bahay nila anton. nagdadalawang isip pa si anton bumaba ng sasakyan at tumungo sa kanilang pinto kaya naman kinausap siya ni Christina.

"may problema ba anton?" wika ni Christina at nagtataka kung bakit tila nag-aalangang bumaba si anton sa sasakyan.

nakadungaw si anton sa bintana ng sasakyan at nakatingin sa kanilang pinto, nang marinig niya si Christina na nagsalita ay lumingon siya sa dalaga. "wala naman.. pero hindi lang maganda ang relasyon ko sa pamilya ko.." wika ni anton.

"kung ano mn ang kasalanan nila sayo, dapat mo sipang patawarin dahil hindi maaalis ang katotohan na pamilya mo parin sila.." wika ni christina na bakas naman sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"tama ka.." wika ni anton at sabay yumuko. "sila parin ang magulang ko at pamilya ko.. pero di ko sila mapapatawad.." dugtong pa ni anton.

tumayo si anton at lumabas ng sasakyan at tumungo sa pinto ng kanilang bahay.

'tok! tok! tok!'

kumatok si anton sa kanilang pinto, lumipas muna ang ilang minuto bago pa may magbukas ng pinto.

pagbukas ng pinto ay bumungad sa kaniyang harapan ang kaniyang nanay, ilang buwan na din hindi umuwi si anton sa kanila kaya naman ng makita siya ng kaniyang nanay ay agad na niyakap siya nito.

nagulat si anton sa kinilos ng kaniyang nanay kaya naman bahgya niya itong itinulak upang ilayo sa kaniya ang kaniyang nanay.

"anton kamusta na? namiss ka namin!" wika ng kaniyang nanay na maluha luha pa ito.

'ngayon mo lang yan nasasabi sa akin dahil alam mo na may maganda akong trabaho at kumikita ako ng napaka laking halaga, pero kung noon ito nangyari at nawala ako ng ilang buwan siguradong tuwang tuwa pankayo na hindi ako umuwi.. wala naman akong halaga sa inyo.. ngayon ipapamukha ko sa inyo kung paano niyo ako minaliit at halos pagtabuyan!' sa isip ni anton.

"ayos lang po ako nay.. pasalubong po pala.. mga gamit para sa inyo at cake.." sabay abot ni anton sa kaniyang nanay ng kaniyang mga dala.

nakita ng kaniyang nanay ang price tag na nasa damit na nasa loob ng paper bag na inabot ni anton sa kaniya, nang makita niya ang halaga ng dmit ay halos mahulog ang kaniyang panga dahil sa gulat.

"a-a-a-ang.. p-pasok ka nak.. s-sino ba kasama mo?" mautal ang kaniyang nanay at dali dali niyang inabot ang mga gamit sa kaptid ni anton at agad silang nagkagulo ng makita ang lamn ng paper bag.

papasok na sana si anton sa loob ng bahay ng biglang nagring ang kaniyan cellphone, nakita ni anton na si chester ang tumatawag kaya agad naman niya itong sinagot.

"hello chester? napatawag ka?" wika ni anton.

"kailangan mo ng bumalik anton.. si liu ye nakasakay na sa eroplano at patungo na dito sa pilipinas!" wika ni chester mula sa kabilang linya at naging dahilan upang mabitawan ni anton ang kaniyang cellphone.

to be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now