Chapter XXXVIII

1.1K 83 1
                                    

Chapter 38: Training Match

______________________________________

Congratulations! Upgrading [Magic Control] to Intermediate has unlock new effect.

[Multi Cast]
- you can now cast multiple magic in one cast.
______________________________________

Matapos iupgrade ni anton ang magic control ay naghanap pa siya ng mga support skill na maaari niyang mapakinabangan at isa dito ang Intellectual Buff at Spiritual Buff.

"Yes! Ito na nga ang kailangan ko! Sa tulong ng Intellectual Buff lalaki ang amount ng mana ko at maaari ko na gamitin ang magic eye ng tuloy tuloy.. at gamit ang Spiritual Buff ay mas lalong lalakas ang mga magic ko.." wika ni anton at dahil sa tuwa ay napa talon pa siya mula sa kaniyang higaan.

At Inupgrade ni anton ang Intellectual Buff at Spiritual Buff sa Intermediate.
______________________________________

[Spiritual Buff Beginner 1] to [Spiritual Buff Intermediate 1]
Cost: 1,500

[Intellectual Buff Beginner 1] to [Intellectual Buff Intermediate 1]
Cost: 1,500

Congratulations! Upgrading [Spiritual Buff] to Intermediate has unlock new effect.

[Spiritual Aura]
- increase the effect of aura.

Congratulations! Upgrading [Intellectual Buff] to Intermediate has unlock new effect.

[Magic Aura]
- you can now convert your aura into magic aura.
______________________________________

Natuwa si anton dahil sa bago niyang skill. Ngayon ay isa na siyang magic user.

"Spatial Storage!" Wika ni anton at sa kaniyang harapan ay lumabas ang isang black hole.

Ipinasok ni anton ang kaniyang kamay sa loob ng black hole at kinuha ang isang magic stone na kasing lapad ng lamesa. Ito ay ang magic stone na mula sa katawan ng Colossal Demon.

Nagdesisyon si anton na gamitin ang magic stone mula sa Colossal Demon at gamitib ito upang mapalakas ang kaniyang sarili at itago kay chester. At ang ibibigay niyang magic stone kay chester ay ang mula sa goblin king at death spider.

Umupo si anton at sa kaniyang harapan ay ang malaking magic stone, ipinatong ni anton ang kaniyang dalawang kamay sa malaking magic stone at pumikit.

Pinakiramdaman ni anton ang daloy ng mana sa loob ng magic stone, subalit sa di niya maipaliwanag ay may kung anong bagay na tila ay hinihigop siya patungo sa kaibuturan ng magic stone. Naglumaban si anton ngunit nagdulot ito ng matinding pinsala sa kaniya, nang nagsimula siyang lumaban ay sinimulan ding higupin ng magic stone ang kaniyang mana.

"Aaaaah! M-magic e-eye!" Sigaw ni anton ng makaramdam na siya ng matinding pangingirot sa buo niyang katawan na tila ba ay may dumadaloy na matinding kuryente na nagmumula sa magic stone.

Gumamit si anton ng magic eye upang malaman kung ano ang bagay na ito.

Nang idilat ni anton ang kaniyang mga mata ay nagulat siya sa tumambad sa kaniyang harapan.

Tila ay nasa loob siya ng malahiganteng kaleidoscope.

(Note: A kaleidoscope is an optical instrument with two or more reflecting surfaces tilted to each other in an angle, so that one or more (parts of) objects on one end of the mirrors are seen as a regular symmetrical pattern when viewed from the other end, due to repeated reflection.)

Tila ay umiikot ang buong paligid ni anton at sa pag-ikot ay kasabay ang pagbabagp ng mga hugis at kulay sa kaniyang paligid, dahilan upang magdulot ito ng matinding hilo kay anton

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tila ay umiikot ang buong paligid ni anton at sa pag-ikot ay kasabay ang pagbabagp ng mga hugis at kulay sa kaniyang paligid, dahilan upang magdulot ito ng matinding hilo kay anton.

Sa harapan ni anton ay lumabas ang isang screen.
______________________________________

Warning!

You are under the influence of illusion.

[Brain Wash]
- is a type of mind control magic.

Weaknesses:
- Abnormalities Immunity
______________________________________

'Mind Control Magic? Ang colossal demon ba ang gawa nito? Hindi.. nasa magic stone mismo siya.. ang magic stone ay uri ng source of energy.. isa lang ibigsabihin nito may nagtanim ng magic na ito sa Colossal demon.. at ang babaeng Chinese ang nagsummon sa Colossal demon..' sa isip ni anton.

"Hindi ako basta basta papatalo sa Liu ye! Undying Will!" Wika ni anton, at pagkasabi nito ay unti unting nagbago ang kaniyang paligid at binalot na siya ng puting liwanag na tila ba ay mga alitaptap na lumilipad patunga sa katawan ni anton.

Ramdam ni anton ang matinding mana napumapasok sa kaniyang katawan at dumadaloy sa buo niyang katawan. Napapikit pa si anton dahil sa sensasyon na ito.

Ilang sandali pa ay nagkaroon ng malaking bitak ang magic stone at nadurog hanggang sa maging abo.
______________________________________

Congratulations! Upgrading [Mana Manipulation] to Intermediate has unlock a new effect'

[Mana Break]
- a human body has a hundred mana vein, from the mana source (magic stone), the mana vein delivers the mana into a specific part of the human body.
- envelope your hands in mana, the body part of the enemy that hits by this mana will unable to receive a mana for 3 minutes.
______________________________________

"Bagong skill na naman.. para itong silence na skill pero dapat matamaan ko muna ang kalaban sa parte ng katawan nila at ang parte ng katawan nila na natamaan ay di makakagamit ng magic.." natuwa si anton dahil may bagong skill siya subalit ng makita niya ang content ay nadismaya siya. Pero naglevel up naman ang kaniyang mana perception mula sa intermediate 1 to Intermediate 2 kaya di na din siya lugi.

Naisip ni anton na tumungo sa training ground at subukan ang mga bago niyang skill at magimbento ng bagong skill.

Pero bigla ay may kumatok sa kaniyang kuwarto.

'Tok! Tok! Tok!'

"Sino yan?" Wika ni anton.

"Ako ito.. si william.." sagot ng lalaki sa labas ng kuwarto.

Vinuksan ni anton ang pinto.

"Kamusta na anton? Congrats pala at napagtagumpayan mo ang pangatlo mong pagsubok.." wika ni william at pumasok sa kuwarto ni anton.

"Salamat sa tulong niyo at nagawa kong mapagtagumapayan ang pangatlo kong pagsubok.. ikaw kamusta ang pagsubok mo?" Sagot ni anton at nagsimula ng magbihis.

"Basic lang naman ang pagsubok ko.. maghunting lang ng mga bandido.. sa katunayan ang pagsubok ko ang unang natapos sa buong grupo pero sabay sbaay parin tayong nagigising.. minsan nahihiwagaan na ako sa kung ano ba ang dahilan kung bakit kinakailangan natin na tumungo sa mundong iyon.." wika ni william at umupo sa higaan ni anton.

'Hindi ko maaaring sabihin ang tungkol kay atlas siguradong magkakagulo..' sa isip ni anton. "Maiba ko lang.. si chester pala? Ibibigay ko na sana ang lahat ng mga naipon kong magic stones.." wika ni anton at ipinakita kay william ang isnag bag ng.magic stones.

Nanlaki ang mga mata ni william dahil sa nakita niya.

"G-grabe.. ang dami nito.. saan ito nagmula? Sa goblin ba lahat ng ito? Pero mas malaki ito ng di hamak sa magic stone ng goblin.." wika ni william.

Ang magic stone ng goblin ay kasing laki lamang ng holen samantala ang magic stone ng death spider ay nasa tatlong beses na mas malaki ng di hamak kaysa sa magic stone ng goblin.

"Hindi nagmula lahat ng iyan sa death spider.. at ang pinaka malaki ay mula sa goblin king.." wika ni anton.

Na naging upang mas lalong lumaki ang mata ni william..

To be continued..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now