Chapter XI: Arthur

1.2K 71 0
                                    

Si Arthur ay isa sa mga mamamayan ng kuroro village, ang kaniyang trabaho ay panatilihing ligtas ang village sa mga mababangis na hayop at halimaw na naglipana sa paligid ng village. Trabaho niya din ang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa village.

Ang ama ni arthur ay ang pinaka matanda sa village at siya din ang pinuno ng village. Upang hindi masira ang pangalan ng kaniyang ama ay kailangan niyang maging tapat sa kaniyang trabaho. Subalit paano mapapanatili ni arthur ang kaayusan kung lumalaganap ang matinding taggutom sa kanilang lugar.

Naitatag ang village na ito nuong nakalipas na 20 taon at 6 na taon palamang siya ng mga panahon na iyon. Karamihan sa mga tao na nakatira dito ay mga takas na alipin at mga nakaligtas sa digmaan. Nung una ay masa 5,000 ang mamamayan ng village pero ngayon dahil sa hirap ay bumababa sa 2,000. At mas madami ang bilang ng kabataan at kababaihan kesa sa kalalakihan. Dahil sa aktibong pagatake ng mga halimaw mula sa demonic forest ay maraming namamatay para lamang proteksyonan ang village na ito, at dahil din dito nababawasan ang bilang ng mga mangangaso at umaasa nalang sa kapirasong lupa na natatamnan sa labas ng village. Di magawa ng mga tao na lumayo sa village dahil sa mga halimaw at mababangis na hayop.

"Arthur kamusta ang pagpaatrol sa village?" Wika ni borav na ama ni arthur at pinuno ng kuroro village.

"Opo ama.. apat batang lalake at dalawang batang babae na naman ang namatay dahil sa gutom.. tatlo ay anak ng mangangasong si jacob at ang iba ay anak ni ralph na isang mandirigma.. parehas silang namayapa dahil sa pagatake ng mga goblin mula sa demonic forest at dahil di sila kayang buhayin ng kanilang mga ina ay namatay nalang sila sa gutom.. madami pang pamilya ang nakkaranas ng matinding gutom na hinfi natin kayang suportahan.." wika ni arthur at bakas sa kaniyang mukha ang matinding awa at kalungkutan.

"Sinusubukan natin silang matulungan sa abot ng ating makakaya.. subalit.. dahil ito sa mga goblin.. dahil di kaya ng mga babae ang mangaso sa kagubatan at magtanim sa labas ng village ay umaasa nalamang sila sa bigay ng iba.." namamasa ang mga gilid ng mata ni borav ng bigla may nagbukas ng pinto at nagmamadaling pumasok at hingal na hingal.

"Pinuno! M-m-may ka-ka-huuhf huufh may-" bigla siyang tinapik ni arthur sa balikat.

"Maghunusdili ka bata.. huminga ka ng malalim at dahan dahan mong sabihin wag ka magmadali" wika ni varob.

Huminga ng malalim ang binatilyo at muling nagsang mahinahon. "M-may kahina hinalang lalake akong nakita mula sa demonic forest patungo diyo sa ating village.." wika ng binatilyo.

"Demonic forest? Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" Wika ni borav halata ang pagkagulat sa mukha ni borav. 'Sa kabilang dulo ng demonic forest ay ang Elven Region, at agad nilang pinapatay ang taong tumatapak sa kanilang kalupaan. Sa kanlurang bahagi naman ay ang Dalmascian Dessert..' sa isip ng matanda.

"Sa kaniyang armor ay nakaukit ang sigil ng Iron Blood Tribe mula sa Dalmascian Dessert luma man ang armor niya pero di ako maaaring magkamali at kitang kita sa itsura ng armor niya na nagdaan siya sa matindi at madaming labanan.." wika ng binatilyo habang kinakabahan.

"Kung ganun wala na tayong kailangan sayangin pang oras kailangan natin kaagad malaman ang kung ano ang dahilan kung baket kailangan niyang pumunta sa ating village.." wika ni arthur.

"Magingat ka anak.. kilala ang mga taga Iron Blood sa pagiging barbarian.. ang tribo nila ay nabubuhay sa pagiging mercenary at manunubos kaya magingat ka.." wika ni varob.

Umalis na si arthur sa bahay nila at itinipon lahat ng mga kalalakihan na kayang makipaglaban kasama sa pagpupulong ang dalagang si Ellen, dito na sinagawa ni arthur ang plano upang mahuli si anton. "Sasalubungin ko siya at ang kasama ko ay si joacqin at gagawa ako ng paraan upang madala siya sa isang bahay at napagusapan na ang gagamitin ay ang bahay nila andrew.. sasalubungin ako ni christelle na magkukunwaring asawa ko at ikaw elen magtago ka lang kapag nakakita ka ng pagkakataon ay gamitan mo ng Binding magic o Paralysis magic." Wika ni arthur.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now