Chapter XIX:

1.2K 79 0
                                    

Note* Binago ko na ang [attack skills] at [defense skills]. Pinalitan ko na ng [main skills].

"Excellent anton! Napakahusay! Nabibihag mo na ata ang puso ko!" Wika ng matanda habang tumatawa.

"Maliit na bagay.. maaari bang ilabas mo na ang pinto? At gusto ko na sanang magpahinga.." sagot ni anton habang naka kunot nuo.

"Kung yan ang gusto mo.. ayaw mo na ata malaman pa ang bago kong balita.." tawa ng matanda..

"Tungkol saan naman ito? Kung wala lang itong kuwento mas nanaisin ko nalang ang mapagisa at magpahinga'' wika ni anton.

"Wag ka magalala anton.. una ay tungkol sa iyong mga skills alam kong alam mo na din na maaari mong palakasin ang skills mo kahit di gumamit ng points at maaari mo parin ito palakasin sa iyong mundo.. pangalawa hindi muna maaari pang mapalakas ang special skills mo pero maaari kang makakuha ng panibagong special skills depende kung maaabot mo ang kondisyon.. yun sa muli anton.." wika ni atlas at nang iangat nito ang kaniyang kamay ay biglang lumitaw sa harapan ni anton ang pinto..

Papasok na sana si anton ng pinto ng biglang nagsalita si atlas.. "muntik ko na makalimutan subukan mo ang 'Items sigurado magugustuhan mo.." pagkatapos magsalita ni atlas ay pumasok na si anton s apinto at naglaho..

Pagdilat ni anton ng kaniyang mga mata ay nasa loob na siya ng kaniyang kuwarto, agad na bumangon si anton "Board!"

-----------------------------------------------------------
Objective: Rest for 30 days

Time Limit: 29 days 23 hours
-----------------------------------------------------------

"May isang buwan ako para magsanay" wika ni anton susubukan na sana niya ang mga bago niyang skill ng marinig niya ang tinig ng kaniyang nanay at tatay sa labas ng kuwarto. "Hindi ako maaaring magsanay dito sa loob ng bahay.." dugtong pa niya.

"Skills!"

-----------------------------------------------------------
Skills:

[Heal beginner 3]

[Physical buff beginner 2] (passive)

[Mana Perception beginner 1] (passive)

[Mana Manipulation beginner 2] (passive)

[Sword mastery beginner 1] (passive)

Special skills:

[Undying will] (Rank SS)
-----------------------------------------------------------
"May tatlo akong bagong skills kailangan ko sila masubukan at pag-aralan.." wika ni anton.

Namili na si anton ng kaniyang bagong skill, sa pagkakataong ito unang pumili si anton ng skill sa [main skill] dahil alam ni anton na sa pagkakataong ito ay mas mahirap na ang pagsubok kaya naman importante kung madadagdagan ang opensa at depensa niya.

Ang mga napili niya ay [Aura mastery] (main skill), [tracking], at [physical buff beginner 3].

Madaming mga [main skill] kaya naman nahirapan at natagalan si anton sa pagpili, [Marksmanship], [elementalist], [spirit summoner], etc. Pero mas interesado si anton sa [Aura mastery].

[Aura mastery]
- upon activating, you'll envelope in light that serves as a shield and reduce the power and impact from attack you receive and enhance you strength, speed, and stamina. Last 15 seconds. Cool down 2 hours cost 200 points

[Tracking] (passive)
- permanently increase your intuition and senses. You can track anyone or anything. Cost 100 ponts

[Physical buff beginner 3] (passive)
- slightly increase your physical capabilities. Cost 400 points

Malaki ang tulong ng physical buff kay anton kung hindi dahil dito, di niya magagawang makipag sabayan sa mga wolf at goblin kaya naman para sa kaniya ay tama lang na iupgrade ito.

Naligo si anton at nang makita niya ang katawan niya sa salamin ay nagulat siya "sa tuwing inuupgrade ko ang physical buff ay nagbabago din ang aking katawan.. dari puro bilbil ang tiyan ko ngayon unti unti na silang nawawala.." wika ni anton. Di na siya nagtagal pa at nagbihis na siya at lumabas na ng kuwarto.

Paglabas niya ng kuwarto ay nasa sala ang kaniyang nanay at tatay na tila ba inaantay siya.. pero di pinansin ni anton ang mga ito at patuloy parin siya sa paglalakad patungo sa pinto ng bigla siyang pigilan ng kaniyang nanay.

"Anton.." wika ng nanay ni anton, hindi sumagot si anton ni hindi man lang siya lumingon pero di.siya.umalis sa kaniyang kinatatayuan na nagaantay lang sa kasunod na sasabihin ng kaniyang nanay.

Binalot ng katahimikan ang.paligid pero agad ding binasag ng kaniyang tatay ang katahimikang ito. "Matanda ka na anton.. wala ka ba plano sa buhay mo? Kung wala umalis ka na dito at wag ka ng maging pabigat pa! Palamunin ka lang naman.. palpak ka na sa pagaaral at kahihiyan lang ang dinulot mo! Kung wala ka pang trabaho sa loob ng linggo ding ito mabuti pang kumusa ka ng lumayas wag mo ng antayin pang pagtabuyan kita anton!" Wika ng kaniyang tatay, at sa tinig nito na mataas ay halata ang galit at paninindak.

Walang lingon lingon ay sumagot si anton "gawin niyo kung saan kayo masaya.." at umalis na siya ng kanilang pamamahay. Narinig pa ni anton ang tinig ng nanggagaliti niyang ama mula sa kanilang tahanan.

"T*ng *n*! Sino ba pinagmamalaki mo ka? g*g* ka! Hoy! Bumalik ka dito! Wala kang galang! Kinakausap pa kita!" Sigaw ng kaniyang tatay. Pero tuloy tuloy parin si anton.

"Hon! Tama na ang puso mo.. hayaan mo na wala na tayong magagawa pa.." wika ng kaniyang ina.

Tumungo si anton sa gym upang maglabas ng sama ng loob at magsanay na din.. "huf! Huf! Huf!" Suntok sa kaliwa suntok sa kanan, paulit ulit itong ginagawa ni anton habang iniisip kung ano ang dapat niyang gawin. Kailangan niya ng trabaho at umalis na sa kanila tama lang din yun dahil ayaw na niyang makita ang kaniyang ama at upang magkaroon din ng pagkakataon na sanayin at subukan ang mga bago niyang skills.

'Ring! Ring!' Sa gitna ng pagbubuhat ng barbell ay biglang tumunog ang cellphone ni anton at tinignan kung sino nagtext. Nagulat siya ng makita niya na si rea ang nagtext, agad na tinignan ni anton ang nilalaman ng text ng mabasa niya ay nanlaki ang mga mata niya "abtom yulunhan mo ko" nung una di maintindihan ni anton ang message at balak na sana ni isnob pero bigla pumaspk ang ibigsabihin ng mensahe na ito at agad na tumakbo palabas ng gym si anton.

"Isip isip! Asan si rea!" Wika ni anton at di mapakali sa harap ng gym iniisip niya kung saang lugar maaari niyang mahanap si rea.. "anton tulungan mo ako" yan ang mensahe ni rea. Di maintindihan ni anton, pero tila may tumutulak sa kaniya na pumunta sa banko hindi kalayuan sa lugar kung nasaan si anton.

Biglang naalala ni anton na may skill siyang [Tracking]. Agad na tumungo si anton sa banko at nagulat siya ng makita niya na napapalibutan ito ng mga pulis.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)On viuen les histories. Descobreix ara