Obsession 5

7.8K 168 12
                                    

Obsession #5:

Hindi ko na lamang inintindi pa ang mga mapang-matyag na mga mata nya, Kinikilabutan ako. Kaya naman mas minabuti kong ibabad nalang ang paa ko sa tubig. Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pag-lagok nya ng alak habang nakatitig saakin. Ano bang problema nya? Bakit ba ganyan sya makatitig?

"Oy? Kanina kapa 'di mapakali d'yan. Anong problema mo?" Tanong ni Beauty saakin. Nasa malayo si Edward at nakikipaglaro ng volleyball sa ibang nasa pool.

"Ano kasi e, Ah wala." Muli akong tumingin kay Thunder na ngayon ay nakatingin padin saakin. Didn't he know that staring is rude?! Gosh.

"Ano nga iyon?" Pagtanong ni Beauty saakin. Umiling nalang ako. Ngumiti naman sya.

"Ayy oo nga pala, Girl! May i-chichika ako." Mahadirang wika ni Beauty saakin.

"Ano yun?" Nakangiting sabi ko.

Nagpalinga-linga ng tingin si Beauty at tumigil iyon sa direksyon ni Thunder at mabilis na binawi ang tingin nya rito.

"Nandito pala si Thunder? My gosh! Kung hindi lang ako natatakot sa awra nya, ay lalandiin ko na sya. Kaso, baka patayin nya ako." Nakangusong wika ni Beauty.

Natawa naman ako sakanya, "Lapitan mo kasi,Tutal sya ang Beast at ikaw naman si Beauty. Aba! bagay. " Sabay palo ko sa braso ni Beauty habang tumatawa.

Hindi mo aakalaing bakla itong si Beauty, Oo gwapo sya. Maputi at may kalakihan ang katawan. Ang akala ko nga nung una ay lalaki talaga ito pero nagkamali pala ako. The way he talk and walk, Ay bading na bading. Hahaha.

"Ayaw ko nga. Like duuh? Baka jumbagin ako ni Fafa. Saka makatawa, te ha? Hmp! And besides, Ayun sa pananaliksik ko. May pinapahanap daw na babae iyan. Jusme!" Ani ni Beauty habang nangalumbabang nakatingala saakin. Nasa pool kasi sya habang naka-upo naman ako. Kung titingnan mo sa malayo, aakalain mong naglalandian kami HAHAHAHAHA. Well, si Beauty lang pala.

But I got curious on what he said. May pinapahanap na babae? Sino naman kaya? Well, anong pakialam ko doon? 

"Sino naman daw?" Wika ko sakanya.

"Nakilala daw nito sa Manila, Nung minsang bumisita ito roon. Haynako. Hopeless romantic pala iyan. Haha!" Ani ni Beauty.

"Ganun ba? Ang akala ko ba ay may asawa't anak yan?" Tanong ko.

"Gaga, di kaba nakikinig saakin noon? Balita nga o kalat pa, na pinatay nya. Pero walang nakuhang bangkay sa bahay nila. Hays. Malinis gumawa ng krimen si Pogi." Sabay hawi ng imaginary hair nya sa buhok.

Napatingin akong muli sa direksyon ni Thunder, ngunit wala na ito roon. Nasan na 'yun? Totoo kaya iyong balita o kagaya lang din ng chismiss? Kumakalat ng walang katotohanan. Hays.

"Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo, Gago." Wika ng isang lalaki na may hawak na billiard's stick. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kaaway ng lalaki.

"Hala! Si Thunder ba iyon? Lagot sya." Bulong ni Beauty.

"Ha? Bakit?" Ani ko.

"Watch and learn, bibi." Sabay kindat ni Beauty.

"Akala mo kung sino kang siga dito ha! Porket kinakatakutan ka? Pakyu!" Sigaw pa nung lalaki. Nakita ko ang ibang kasamahan nito na nagsipaglapit nadin.

"Kakayanin nya ba? Ang dami nila." Wika ko kay Beauty pero tinawanan nya lang ako.

"I have to go." Seryosong sabi ni Thunder.

"HAHAHAH! Duwag naman pala 'tong kinakatakutan nyo e." Duro pa ng lalaki.

I saw how Thunder cleanched his jaw, "I said, I have to go." Ani nito sa mas malalim na boses.

The Beast Obsession (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon