Obsession 12

5.7K 134 5
                                    

Obsession 12:
I'm her Boyfriend

Ang tanga ko kasi e! Bakit ba ako concern sa bwisit na 'yun? Dapat hinayaan ko nalang 'yung pagkain nya don sa tabi e! Ang gaga ko talaga!

Ipinarada na ni Mamang Driver 'yung taxi sa gate ng bahay nina Beauty. Binayaran ko na ito at nagmadaling bumaba. Huminga muna ako ng malalim saka pinunasan ang mga luha ko. Bakit ba ako umiiyak? Buysit.

Pumasok na ako ng gate at naabutan ko naman si Beauty sa Lawn na naka-upo na parang bagot na bagot.

"Uy? Tara na?" Masiglang sabi ko sakanya. Tila nabuhayan naman ito at saka ngumiti saakin.

"Hays! Akala ko di kana gogora e. Masyado mong pinaghintay ang beautylalo ko." Sabay hawi nito ng imaginary hair nya. Pero nangunot ang noo nito ng makita akong tumawa.

"What's funny? It's true kaya!" Maarteng wika nito.

"You know what? Let's go. Hahaha." Ani ko rito. Sinimangutan nya lang ako. Hinila ko na sya patungo sa labas ng gate.

"'Di kaba pupunta kina Tita?" Ani nito habang nagmananeho.

"I'll go there. Siguro mamaya. Doon nadin siguro ako matutulog." sabay ngiti ko kay Beauty.

"Ay o. Akala ko ba may sakit ang bosslalu mo? Eh bakit doon ka mag-o-over night kila Tita? Ikaw gurl ha." Sabay tawa nito.

Hindi ako umimik. "Ayy? Anong drama iyan?" Nilingon ko naman si Beauty.

"Wala. Just drive, Beauty. Haha." Mahinang tawang sabi ko. Ngumuso lang ito.

"Owkie. Whatever happens, Thea. Kerebels mo yan." Sabay kindat nito saakin. Napangiti naman ako sakanya. Hindi talaga bagay sakanya ang maging bakla. He is so handsome ang gorg. Pero shet! Vakla sya men.

Pagdating namin ng bar ay halos mabingi ako dahil sa lakas ng tugtog na ipinapatugtog ng Dj. Si Beauty naman ay halos sumasayaw na.

"Maghahanap ako ng boylet Tesh!" Sumisigaw na ani ni Beauty saakin. Hindi na kami magka-intindihan dahil sa lakas ng music. Ala una palang ng hapon pero grabe andami na agad na tao sa bar na ito. Hindi naman kasi sya totally na bar. May restaurant din sya sa itaas.

"Hahaha! Baliw! Basta, 'wag mo kong iiwan ha?" Baka mamaya, iwan nya nalang ako sa bar na ito e.

"Hinding-hindi bes! Swear." Sabay kuha nito ng inumin sa dumaang waiter. Naghanap kami ng mauupuan , at swerteng may bakanteng couch pa sa gilid. Doon kami na-upo ni Beauty.

"Girl, Kapag bored kana. Just tell me. Or kapag gusto mo nang umuwi, okay?" Ani ni Beauty sa pambabaeng boses. Tumango naman ako.

"Don't worry about me. Just enjoy." Sabay ngiti ko sakanya.

"You sure?" Ani nito.

"Yep! 100%" Wika ko rito.

Tumango naman sya at nagpa-alam na pupunta muna ng dancefloor para may ma-ispatan na mga lalaki. Baliw talaga e.

Napapa-galaw ako dahil sa ganda ng mga kanta na ipinapatogtog ng Dj. Sumimsim naman ako sa tequila na hawak ko dahil kumuha ako kanina sa dumaang waiter.

Ala una na pala, Hindi pa ko kumakain. Nakita ko naman si Beauty sa malayo na napapaligiran na ng mga babae. Natatawa ako sa expression ng mukha nito. Naiirita na nandidiri. Hahaha! Eh paano? Ang gwapo ng bruha.

Nakita nya naman ako kaya ngumiti ito saakin. Itinuro ko ang itaas na parte ng bar at parang nakuha nya naman ang gusto kong iparating kaya tumango naman sya saakin. Dumeretso na ako sa itaas ng bar at nakita kong ka-onti lang ang mga kumakain dahil halos nasa baba. Hindi mo masyadong rinig ang lakas ng tugtog dahil sa salaming nakapalibot sa bar.

The Beast Obsession (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon