Obsession 13

6.1K 143 6
                                    

Obsession 13:
Just Tipsy

"Uuwi nalang muna ako, Beauty." I said habang papasok kami ng kotse nya. Tiningnan naman ako nito saka tumango.

"Mabuti pa nga, bes. Mukhang mainit ang ulo sayo ng amosh mo. Gosh. Ang pogi nga ansuplado naman. Hays. Nakaka-hagardo." Mahadirang wika nito habang binubuhay ang makina.

"Sorry talaga. I ruined your social life." I pouted. Tumawa naman ito.

"Ano kaba bes? It's okay. Saka ibinilin ka ng Mamaw na si Nela saakin no? Baka ano pa ang gawin saakin ng bruhang iyon kapag may nangyare sayo. Duh." Maarte pading wika nito habang hinahawi ang imaginary hair nya. Natawa naman ako.

"Thank you. Sobra talagang salamat." Sabay ngiti ko sakanya.

"Anything for you, besh! Nako, pasalamat ka maganda ako!" Sabay tawa nito habang minamani-obra ang sasakyan.

"Ganda ka? Hahaha!" Ani ko.

"Oo naman no? Duh. Liza 'to no!"

"Liza what? Hahaha."

"Liza De Guzman. Lols! Hahaha. Ang witty ko." Sabay hampas nito sa manibela.

Buong byahe ay tawa lamang kami ng tawa ni Beauty hanggang sa makarating kami ng bahay nina Nanay Sabel. Namiss ko ding pumunta rito.

"So girl, Dito ka matutulog?" Wika ni Beauty habang iginagarahe ang sasakyan.

"Yep!" Ayoko na muna kasing makita si Thunder after what happened. Feeling ko, anytime na makita ko sya ay maninigas at magha-hyper ventilate ako. Hays. Anlakas talaga ng saltik nung isang 'yun.

"Oh, Nathan? Your here!" Masayang wika ni Nanay Sabel kay Beauty. Muntik na akong matawa sa itsura ni Beauty.

"Duh, Nay? It's Beauty not Nathan. You're so ugh, Nanay!" Sabay irap ni Beauty.
Ngunit hindi sya pinansin ni Nanay Sabel dahil dumeretso na ito saakin.

"Althea! Namiss kitang bata ka. Kumusta naman ang trabaho mo? Napapagod kaba ng sobra?" Wika nito saakin habang iginagaya ako pa-upo sa sala.

"Uh, Hindi naman po. Actually, Ang saya nga po e. Haha." Wika ko rito.

"Talaga ba?" Biglang sabi ni Beauty. Tiningnan ko naman sya at nag-flip hair lamang ito.

"Sinong amo mo pala?" Wika ni Nanay Sabel.

"Si ano po, Nay.."

"Si Thunder po, Nay. Juskoo! Ang hawt talaga nun!" Sabay ngisi ni Beauty. Napa-hingang malalim ako sakanya. Saka sinamaan sya ng tingin ngunit nag-peace sign lang ito at sumubo ng marshmallow sa tabi nya.

"Si Thunder? As in 'yung panganay na anak ng mga Baltazar?" Tanong ni Nanay Sabel.

"Ah eh, panganay po?" So ibig sabihin may mga kapatid pa ito? Pero nasan sila? Bakit di ko makita dito?

"Hahaha. Hindi mo pa pala alam, Hija. Oo, si Thunder ang panganay sa tatlong magkakapatid na Baltazar. Pero hindi nga Hija? Sya ba ang amo mo?"

Nangunot naman ang noo ko. Bakit parang ang daming alam ni Nanay Sabel sa mga Baltazar? Who are they really? Isang Mafia Fam? Woah. Hahaha. Or sikat dahil sa Criminal Records? Hays. Ang judgemental ko nanaman.

"Opo, Nay. Bakit po?"

Ngumiti naman si Nanay Sabel. Saka umiling saakin.

"Wala naman. Basta, mag-iingat ka ha?" Ani nito saakin. Mas lalong nangunot ang noo ko.

"Ano po bang meron?"

"Gusto ko lang na mag-iingat ka sa trabaho mo. Bakit hija?" Nagtatakang wika ni Nanay Sabel saakin. Napa-buntong hininga naman ako saka umiling. Over thinking ka nanaman, Thea!

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now