Obsession 1:

15.9K 213 19
                                    

Obsession #1:

Maaga akong natapos sa tinatrabahuan kong Agency Company. Yes. Kahit na may sariling kompanya ang kapatid ko ay kahit papaano ay gusto ko pading magtrabaho sa sarili kong mga paa.

Hey, I'm Althea Cervantes. 22 years old. Hindi maganda hindi sexy. Hahaha. Dyuk lang.

So yeah, I'm here heading on my way to our house. Habang iginagarahe ko ang sasakyan ay naririnig ko na ang sigaw ni Kuya. Here he is again, Bossy.

"Good evening, brother! Anong nangyayare dito?" Nakangiti ko pang sabi habang nakatingin sa mga taong nasa loob.

Naroon ang Ex kong si Joshua, Ang girlfriend ni Kuyang si Ate Mariz at ang kaibigan ni Joshua na si Jared. Huwaw! Ba't andito ang lalaking to?
Nilingon ako ni Kuya habang magkasalubong ang mga kilay nito.

"Ba't andito ka?!" Sigaw ko kay Joshua habang nakaduro sakanya.

Hinayupak na to! Ang kapal magpakita saakin matapos nya akong pagtangkaan na halayin nung isang araw! Aba!

Ngunit wala akong natanggap na sagot galing sa Manyak na ito! Bagkus ay tumungo lamang sya. Nakita ko rin na may pasa sya sa labi nya at sa kaliwang mata. Anong nangyare?

"Althea. Explain this f*cking photos!" Sigaw ni Kuya na nagpa-alingaw-ngaw sa buong lamesa.

Nagtataka naman ako na lumapit sakanya. Ngunit ang lakas-lakas na ng kabog ng dibdib ko. Why Am I even sweating like a pig?

Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ko ang cellphone na hawak nya. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ako habang nakapatong saakin si Joshua! Walanghiya talaga!

"Ku-Kuya.. I-it's not what you think!" Naluluhang sabi ko. Nakita ko pa ng i-swipe ko ang screen na nakayakap na ako kay Joshua habang nakabukas ang butones ng uniporme ko sa trabaho.

Hindi. Mali ang kuha ng litrato na ito! Hindi ko sya niyakap! Kinalmot ko sya! Itinulak ko sya! Pero masyado syang malakas! 

A loud slap hit my face. Nabaling din ang pisngi ko sa kaliwa. Umiiyak na ako. 

"Riekko! Can you calm down?" Pag-suway ni Ate Mariz kay Kuya. Ngunit mas nagtangis ang bagang ni Kuya.

"No, Mariz. This girl needs a lesson. Isa pa, H'wag mong paaalisin ang mga gagong iyan!" Sigaw muli ni Kuya at itinuro sina Joshua at Jared na ngayon ay nakayuko.

Bigla ay hinila ako ni Kuya patungo sa itaas ng bahay at dinala ako sa kwarto ko. Umiiyak na ako dahil sa hapdi ng pisngi ko.

"Akala ko matino kang babae, Althea! Pinalaki tayo nina Mama at Papa na may dignidad sa pagkatao natin! Pero ikaw! Ang nag-iisang babae ng mga Cervantes ay isang walang delekadisa! Ano nalang ang sasabihin ng mga kamag-anak natin ha, Althea?! Nakakahiya ka! Nakakahiya kayo!" Madiing wika nito habang nakatingin saakin.

Tiningala ko ito, "Kuya, tinanong mo na ba ako tungkol r'yan? Mali ang iniisip mo! Kuya, maling-mali ang nasa litrato na 'yan!" Humahagulhol kong sabi dito.

"Then explain! Gusto kong marinig iyan! Hindi mo ba naisip kung anong kahihiyan ito sa negosyo natin? Na sasabihin na ang nag-iisang babae ng mga Cervantes ay haliparo--" I slap him. Tiningnan ko sya ng masama at ganun din sya saakin.

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now