Obsession 14

6.1K 117 1
                                    

Obsession 14:
What's going on?

Mabilis kong tinabig ang kamay nyang nakahawak sa baba ko at sinamaan sya ng tingin.

"Tara na! Siraulong 'to." Saad ko sakanya at inakay ko na sya papasok mg bahay.

"Manang Gina?!" Pagtawag ko kay Manang Gina. Dahil sya naman itong nagtext saakin hindi ba?

"Manang?" Inilapag ko muna si Thunder sa sofa dahil mukha na syang luntayo. Ganyan ba ang tipsy? Ganyan ba? Tss!

"Asan na si Manang?" Ani ko habang nakatingin sa buong bahay.

"She's not around." Sabay hikab ni Thunder habang nakapikit. Nangunot ang noo ko.

"Manahimik kana nga lang dyan. Nagtext palang saakin si Manang e." Ani ko.

"Here." Nagmulat ito ng mata at may dinukot sa bulsa. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ang cellphone ni Manang sakanya.

"Bakit na sayo ang cellphone ni Manang?!" Ani ko habang nakatingin sakanya.

"Saka, asan ba sya?!" Tanong kong muli.

Pero wala na akong nakuhang sagot. He just smile then fell asleep. Great. Just Great. Tinulugan nya ako!

Pero what the heck? Sya ang nagtext at hindi si Manang? Bakit hindi ko nahalata? Gago talaga e. Ano bang rason mo ha? Ba't mo ba to ginagawa saakin? Argh!

----

Piniga ko ang bimpo sa palangganita. At marahang ipinunas sa pagmumukha nya.  Who would have thought na ang ending ng araw na ito ay dito sa kwarto nya? Tssk! Hirap na hirap pa ako kaninang ipunta sya dito dahil ambigat nya. Hays! Akala ko pa naman ay hindi mag-de-day off si Manang? Aish! Pero nakakainis! Nakakainis sa twing naiisip ko 'yung halik nya! Argh.

"Ayan! Nakatulog kana din! Pati 'yung sinukahan mo, nalinis ko na! Now it's my turn! Good night!" Naiinis na usal ko habang nakatingin sa nakapikit nyang mukha.

Bumangon na ako at binitbit na ang palangganita. Mabuti nga't hindi na sya nilalagnat pero naglasing naman! May balak ba 'tong magpatiwakal?

"Hey.." Natigil ako sa paghakbang ng may humawak sa damit ko. I squint. Talagang sa damit ko?

Nilingon ko sya saka handa na sanang sigawan pero nagulat ako ng ngumiti ito saakin. Malumanay padin ang mga mata nito. Na mas nagbibigay ng ibang aura nya at nadadagdagan ang kagwapuhan nya.

"Look, I'm sorry." Sabay lunok nito.

Teka? Nabingi ata ako. He is what? Is he saying sorry? Waw.

"Ha?" Tila nabingi kasi ako. Pero wala na akong ibang narinig mula sakanya dahil tumalikod na ito saakin at narinig ko nalang ang mabibigat nyang paghinga. He is already asleep.

--
RIEKKO POV

Tatlong araw bago ko naka-usap ang kaibigan ni Althea. Dahil ayaw nitong makipagkita saakin o makipag-usap man lang.

"So where is she?" Seryosong tanong ko kay Nela. Ang kaibigan ni Althea. Nginisihan nya naman ako.

"Bakit saakin mo hinahanap, Sir?" Sarkastikong wika nito. Napahampas ako sa mesa dahilan para mapagitla sya. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now