Obsession 3:

8.3K 184 3
                                    

Obsession #3:

Nang makapasok kami ng bahay nila ay agad akong tinanong ng mga pinsan nya at ng iba pang kamag-anak ng mga simpleng tanong. Kagaya ng anong pangalan ko, edad at kung ano-ano pa. Mabilis naman akong tumugon doon. Mababait sila at makikita mong masaya sila na makita kami ni Nela. Hanggang sa sinabi nga ni Nela na doon muna ako titira pansamantala. Pero kahit papano ay nahihiya padin ako. Kahit sabi nilang feel at home lang daw.

Lumabas muna kami ni Nela at ng pinsan nitong bakla para ma-familiarize ko daw ang lugar. Isang linggo lang ang itatagal ni Nela dito dahil sa trabaho namin, habang ako naman ay tuluyan na sigurong mag-A-AWOL.

Madaming tao ang nagkalat pero may nakakuha ng atensyon ko. Isang lalaking naglalakad. Parang halos ata ng mga tao ay napapatabi sa daraanan nya. Who is that guy?

"Sino yan?" Hindi ko na napigilan pang magtanong kay Nela dahil doon.

"He is Thunder Baltazar. Ingat ka dyan girl, sabi daw pinatay nya and sarili nyang pamilya." Mahadirang wika ni Beauty. Ang pinsang bading ni Nela.

"Grabe ka naman, beauty! Ang gwapo nya kaya. Tss." Wika ni Nela.

"Duhh. Stating the truth lang. He is a the beast in town, remember?",Wika nito. Tahimik lamang akong nakikinig sakanilang magpinsan ngunit bahagya akong kinilabutan ng makita kong tumingin ito saakin. His two pair of orbs look so mysterious. May kakaiba sakanya.

"Uy girl? Okay ka lang?" Ani ni Nela

"Ha? Y-yeah." napayuko ako at umiwas nadin ng tingin. He is the beast in town?

So I think, isa sya sa mga dapat kong iwasan.

"Natulala kana kay Thunder. Sus! Sige ka, baka murderen kadin nyan." Sabay tawa ni Beauty.

"Baka marinig ka, mauna kapa." Natatawa kong sabi. Tumahimik naman si Beauty

"Ano ka ngayon?" Tawang-tawa na sabi ni Nela. Nakitawa nadin ako.

Pero napalingon padin ako kay Thunder, at nakita kong napatingin din sya saakin habang binubuksan ang kotse nya.

Weird.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

•••••

Ang unang araw ko sa Bicol ay masasabi kong isa sa masasayang araw ko dahil sa bait na ipinapakita ng mga kamag-anak ni Nela saakin pero hindi ko padin maiwasang malungkot sa t'wing iniisip ko ang kuya ko na iniwan ko.

"Mag-isa ka ata?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Edward lang pala. Isa sa mga pinsang lalaki ni Nela na masasabi kong gentleman. Ngumiti ako dito.

"Uh, Oo." Nahihiya kong wika.

"Samahan kita?" Nakangiting sabi nito saakin.

"Oo naman, sige." Umusog ako ng konti sa inuupan kong narra at naupo naman sya roon.

Nandito ako sa malawak na bakuran nina Nela at halos tanaw na tanaw ko rito ang mga nagkikislapang mga bituin.

"Parang ma--" Hindi na natuloy pa ni Edward ang sasabihin ng dumating na si Nela. Nakita ko ang bahagyang pagkairita sa mukha nito.

"Uy Edward! Andito ka lang pala, kanina kapa hinahanap ni Tita. Sus!" Nanunudyong wika ni Nela. Natawa nalang ako ng hindi sya pansinin ni Edward bagkus ay nilingon ako nito.

"Una na muna ako." Nakangiting wika nito saakin at saka umalis.

"Nyare? Hahaha. Uyy bes! Tara na, matulog na tayo. May pupuntahan pa tayo bukas." Masayang sabi nito saakin.

"Ahh ganun ba? Sige." Tumayo na ako at pinagpagan ang pwetan ko. Sumunod nadin ako sakanya papunta sa kwarto.

Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko padin sina Kuya. Ano kayang ginagawa nila doon ngayon? For sure ay hinahanap nya na ako. Hays. Pero kasi, kailangan din ako ng sarili ko. For my future at kung ano ang makakabuti para saakin. And I think, being far with them is much better. Ayokong maipakasal sa taong hindi naman ko naman gusto.

"Iniisip mo padin ba yung lalaki kanina sa palengke?" Wika ni Nela habang nanunuklay ito ng buhok.

Ibinaba ko ang librong binabasa ko saka sya sinagot, "Sino ?" Nagtatakang sabi ko.

"Iyon si Thunder. Hahaha. Bes? Wag kang magpapaniwala doon kay Beauty ah," Natatawang sabi nito saakin. Umayos ako ng upo saka sya tiningnan. Bigla akong nagka-interest sa usapan.

"Sino ba kasi talaga iyon ? Parang may something." Natatawa kong sabi.

"Hahahaha. Yeah, meron talaga. Actually kasi noon, May pamilya iyon. Asawa at nag-iisang anak. Pero nawala nalang iyong mag-ina na parang bula. At ayon sa usap-usapan dito sa baryo ay pinatay daw ni Thunder ang mag-ina nya." Walang prenong kwento ni Nela saakin. Napalunok nalang ako. So delikado talaga sya ? Brutal ganern.

"Pero syempre, usap-usapan lang yun. Hahaha. Idk, if it's true. Pero noong mga panahong iyon, hindi na lumabas pa si Thunder. Ngayon ko na nga lang iyon nakita e." Tuloy ni Nela.

"Ah, kaya pala ganun yung mga tao sakanya kanina ? Mailap at iwas." Napabuntong hininga ako. Kawawa naman pala sya kung tutuusin.

"Yeah. Iyon kasi ang lumaganap na kwento sa buong barangay. Saka may pagka-masungit at mainitin din daw ang ugali non. Hahahaha. Ewan, teka? Bakit sya ang topic?" Natatawang sabi ni Nela. Itinabi na nito ang suklay at saka nahiga sa kama nya. Nasa iisang kwarto lang kasi kami pero mag-kaiba ng higaan.

"Ikaw ang nag-open ng topic dyan e. Hahaha." Nahiga nalang din ako at nagpatuloy na sa pagbabasa habang si Nela naman ay busy din sa pagkalikot ng cellphone nya.

So that is his story ? Pero paano kung kwentong chismosa lamang iyon ? Hays. I don't know... Bakit ba ako interesado sakanya gayong bayolente sya. 

The Beast Obsession (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon