Obsession 9:

6.2K 132 6
                                    

  Obsession #9:

Kinuha ko naman agad ang coat nito at ang iniwan nyang gamit sa gilid ng upuan.

"Psh. Sino kaya 'yun?" Wika ko sa sarili ko.
Teka? Bakit ba ako interesado? Sumunod nalang ako patungo sa itaas habang dala-dala ang gamit nya. Nang bubuksan ko na ang pinto ng tinuro ni Nanay Gina saakin kanina na kwarto daw ni Thunder ay naka-lock naman. Sinubukan kong kumatok pero wala. Tri-nay ko ulit na buksan pero ayaw talaga.

"Hija? Anong ginagawa mo?" Wika ng matanda saakin. Nagitla pa ako sa biglaang pagsulpot nito sa likuran ko.

"Ah eh kasi, ayaw mabuksan nay. Tama ba ako ng kwarto?" Ani ko kay Nanay Gina. Natawa naman ito.

"Nagkulong nanaman siya." Bulong nito.

"Ho? Ano pong sabi nyo?" Medyo hindi ko kasi narinig.

"Wala hija. Hayaan mo nalang iyang nga gamit nya d'yan sa may pinto. Kukunin nya din iyan bukas. Halika na." Ani ng matanda saakin. Nangunot naman ang noo ko.

"Po? Baka mawala." Nag-aalala kong sabi.
Muli akong tinawanan ng matanda.

"Haynako anak, madami ka pang dapat malaman sakanya. Halika na, magpahinga ka na din dahil gabi na." Ani ng matanda at iginaya ako paalis sa kwartong iyon.

Ano bang meron saiyo, Thunder? Napaka-misteryoso mo. Hays. Buong gabi ay sya ang nasa isip ko. Hindi ko din alam kung bakit, naiinis nadin ako sa sarili ko. Nagiging interesado ako sakanya! Eh kasi naman, mukhang napakadami nyang sekreto. Well, hell yeah! Madami nga talaga. Bakit ba kasi, lumaki akong pakialamera?

Kina-umagahan ay maaga akong nagising dahil ihahanda ko pa ang almusal niya. Alas singko palang ng umaga. Hays. Tulog pa halos lahat ng mga tao dito at ang nakikita ko palang ay si Nanay Gina sa labas ng bahay. Pero nagitla ako ng papasok palang ako ng kusina ng mabunggo ako sa isang malapad at matigas na dibdib.

"Watch your way." Malalim na boses na sabi nito saakin. Tiningala ko naman sya, Huwaw! Messy look. Argh.

Nag-iwas nalang ako ng tingin sakanya dahil baka sabihin nya nakatitig na ako sakanya.

"Pa-pasensya na." Why Am I stuttering always? Aish. May mali na ata sa dila ko.

Hindi na ito umimik pa at akmang lilisanin na ang kusina ng tanungin ko ito.

"Anong gusto mong almusal?" Ani ko sakanya. Tumigil naman ito sa paglalakad at nilingon ako.

"Bahala ka. Basta damihan mo lang, kakain dito iyong kaibigan ko." Wika nito.

"Ha? Pero.."

"Mauna na ako, Thea." Sabay kindat nito saakin. Napa-irap nalang ako.

Parang kanina ang seryoso nya tapos ngayon, kikindat-kindat? Hays. May saltik talaga. Ano bang lulutuin ko? Bahala na nga.

Halos sa isang oras ding pagluluto ay natapos na ako, Fried rice na may beans, tapos sunny side up egg, bacon, soup and a pair of adobo. Ewan ko ba kung bakit ako nagluto ng adobo Hahaha. Well, naisip ko kasi bagay sya sa fried rice.

Maya-maya ay narinig ko na ang mga random na boses sa labas. Malamang ay dumating na ang bisita ni Thunder. Isa-isa ko nading inilabas ang mga niluto ko, nagpatulong nadin ako kay Linda sa paglapag ng mga pagkain. Wala pa naman sila sa lamesa. Malamang ay sinasalubong nya palang ito.

"Yeah, bro! Last night was amazing." Ngingisi-ngising sabi ng lalaking kulay asul ang buhok. Maputi ito at may kataasan. Yumuko nalang ako ng tingnan ako nito.

"Yeah. I think so." Ani ni Thunder habang nakapa-mulsang naglalakad papunta sa lamesa. Nakita kong may ibinulong ang lalaki kay Thunder pero sinuntok lang sya nito sa braso.

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now