Obsession 2:

9.3K 170 4
                                    

Obsession #2:

Ilang araw pa ang lumipas. Inaayos na ang mga preparasyon para sa nalalapit naming kasal ni Joshua. Hindi ako maka-hindi at hindi din ako maka-oo. Pakiramdam ko habang palapit ng palapit ang kasalang hindi ko naman ginusto ay makukulong ako. Makukulong sa obligasyon na hindi naman dapat ako ang nagbabayad. So I decided. I-dinial ko ang numero ni Nela. Gusto ko ng makatakas. Gusto ko ng makawala sa hawla na ginawa mismo ng kapatid ko. 

(Hello, Thea? Napatawag ka. May kailangan kaba?) Ani ni Nela sa kabilang linya. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. 

"Help me, Nela. Tulungan mo kong maglayas." Wika ko kay Nela sa mahinang boses. I heard her chuckle. 

(You chose the right person! Sige-sige. Meet me at my condo. Tutulungan kita.) Masayang sambit ni Nela. Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi nito. 

"Sige. I'll be there. Gimme a minute." Ani ko at ibinaba na ang telepono. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na ng kwarto. Nadaan ko si Kuya sa sala na nagbabasa ng nobela. Ganyan sya kapag hindi pumapasok ng trabaho. Napatingin ito saakin dideretso na sana ako when suddenly he speak.

"Where are you going?" Ani nito sa baritonong boses. Tumigil ako sa paglalakad at nagsalita. 

"Mall?" I lied. Ayokong malaman nya na si Nela ang kasabwat ko. Baka kung ano pa ang gawin nya rito. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng hindi ko na marinig pa si Kuya na magsalita. Agad naman akong nakarating sa Condo unit ni Nela. Maganda sa loob, maaliwalas at magamit. A modern house. 

"Hey Thea." Nakangiting wika ni Nela saakin at agad na ginaya ako papasok ng condo niya. 

"Have a sit first. What do you want? Coffee or Juice?" Sabay talikod nito saakin at punta sa kusina ng Condo.

"Juice is fine." Nakangiting wika ko. Tiningnan nya ako at tumango. Ilang saglit pa ay bumalik na ito na may dalang chicken sandwich at orange juice, inilapag nya iyon sa glass table sa harapan ko. 

"Here. Take a sip and a bite. Alam kong napagod ka." Alok nito saakin at naupo sa isa pang couch. 

"Salamat." Ani ko sakanya at saka uminom.

"So, buo naba ang desisyon mo?" She opened first the topic. Nilapag ko ang baso at bumuntong hininga. 

"Yes. I want to get rid of this." Wika ko sakanya. 

"Okay. May alam akong lugar kung saan hindi ka masusundan ng kuya mo. May bahay kami sa Bicol, And you can go there. Andun naman ang iba kong kamag-anak. I'm sure they will help." Nakangiting wika nito saakin. Napangiti ako. 

"Maraming-maraming salamat, Nela. Your a true friend. Hirap na hirap na kasi talaga ako sa sitwasyon ko e." Napayuko ako. Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko. 

"Ayan naman kasing Kuya mo e! Bakit ikaw ang naiipit sa kagagawan ng hayop mong ex. Dapat doon pinakukulong e. Tss." Irap na sabi ni Nela. 

"Yun din ang gusto ko. Pero you know Kuya. Para sa reputasyon at alang-alang sa negosyo namin, gagawin nya to." Mapait akong ngumiti. Bumuntong hininga nalamang sya.

"Yeah. Kaya bukas, kahit wag ka ng magdala ng damit. Bring yourself. Madami akong damit doon. Mahirap na baka makahalata pa sila na, lalayas ka." Sabay ngiti nito. 

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now