Obsession 17

6.7K 176 35
                                    

Obsession 17:
His Baby

Ilang oras na kaming nasa loob ng sasakyan. Gusto ko syang kausapin pero h'wag nalang. Pero ang importante ay nagustuhan nya 'yung regalo ko. Pero ang kinagulat ko ng tumigil sya sa isang bilihan ng bulaklak sa gilid ng kalsada. Andaming nag-gagandahang bulaklak sa paligid.

Bumaba s'ya na sinundan ko naman ng tingin. Ang lakas ng kalabog ng puso ko ng tumingin saakin ang tindera ng nakangiti at iniabot ang bulaklak sa kamay ni Thunder. Nagbayad naman s'ya at mabilis na bumalik ng sasakyan na dala ang pink na tulips na bulaklak. Tiningnan ako nito kaya ngumiti naman ako sakanya. Syempre baka ibigay nya diba? Hahaha. Advance ako e.

Naupo na ito sa drivers seat at mabilis na inilapag ang bulaklak sa backseat. Napanguso naman ako dahil dun. Ayan kasi e, assuming.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong nito ng siguro ay mapansin na nakabusangot ako.

"Wala!" Ani ko at tumingin sa labas ng bintana. Binuhay nya ng muli ang makina at pinaandar ng muli ang sasakyan. Bahagya itong tumawa.

"Ba't ka tumatawa dyan?" Tanong ko sakanya. Umiling lang ito at hindi na ako sinagot pa. Aba't!!
Hays. Never mind. Note to self? H'wag ng mag-assume.

Ilang minuto ang nakalipas ng tumigil na muli ang sasakyan. Bahagyang nagtaasan ang balahibo ko ng tumigil kami sa loob ng sementeryo. Luh? Dito nya na ba ako wawakasan? Awts. Napaka ko. Pero ano bang gagawin namin dito?

Muli akong napabalik sa ulirat ng katukin nito ang salamin ng pinto ng kotse. Dala-dala nya na ang bulaklak. Binuksan ko nalang ang kotse ng tumabi sya saka ako bumaba.

"Anong ginagawa natin dito?" Ani ko sakanya.

"May dadalawin lang." Utas nito at nagsimulang maglakad patungo sa kung saan. Magara ang sementeryo. Halatang mayayaman ang mga nakalibing rito dahil halata mo sa mga nitso.

Tumigil sya sa isang nitso kaya hindi sinasadtang mabunggo ko ang likuran nya. Nilingon nya ako saka pinagkunutan ng noo. Alanganing ngumiti nalang ako sakanya. Pumunta ako sa harapan at tiningnan sya sa mga sumunod nyang ginawa.

Inalis nya ang iilang tuyong dahon na nakapatong sa ibabaw ng netso at inilapag ang bulaklak na binili nya kanina sa daan. Napansin ko din na ang cute ng netso nitong dinadalaw nya. Kulay pink kasi at may iilang drawing ni Barbie. Pansin ko lang na halos puro bata ang nakalibing dito. Di kaya?

"Hi baby. Daddy really misses you. How are you there?" Napalingon ako kay Thunder at nakita kong naka-patong ang kaliwa nyang siko sa kanyang binti at may hawak na iilang piraso ng dahon sa kanang kamay. Para syang naka-sit in the air. Pumunta ako sa tabi nya at binasa ang naka-ukit sa nitso.

Alexandra Vallere Baltazar
Born : Jan. 20, 2009
Died : June 12, 2015

Napatutop ako sa bibig ko.
"Anak mo sya?" Tanong ko kay Thunder.

Nilingon nya ako sa malungkot na mata saka tumango. Gusto ko pa sanang magtanong ngunit huwag na. Ayokong baka sumobra ako at makasakit ako ngayong maselan ang sitwasyon.

"Today is her 3rd death aniversary." Yumuko sya at huminga ng malalim. Nangunot ang noo ko. Kung birthday ngayon ni Thunder? It means, namatay ang anak nya nong mismong birthday nya? Hindi ko maiwasang maawa at malungkot kay Thunder. Now I know, kung bakit ayaw nyanf magpapasok ng ibang tao sa loob ng kwarto nya. To assure all the memories that he have in his daughter would be secured.

"Bakit sya namatay?" Ano ba bibig? Ba't ayaw mong manahimik? Lumilinaw na saakin na hindi sya ang pumatay sa pamilya nya. Dahil kung totoo yun. Hindi sya ganyan ngayon. Nakita kong nabasa ang lupa sa harapan nya kung saan sya nakayuko ngayon. I can't believe that he is crying infront of me.

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now