Obsession 16

5.8K 132 9
                                    

Obsession 16:
The Gift

Natapos ang pagkain na iyon na sobrang nakakabusog. Seriously? Hindi! Parang may nabubuo sakanilang tensyon. Ewan ko ba. Hays. Magkapatid nga sila. Parehong nakaka-intimidate.

Naghugas nalang ako ng mga pinagkainan namin dahil ang magaling na si Myrna, wala nanaman. Hays. Masumbong nga iyon minsan. Aba, namimihasa na sya ah.

Natapos akong maghugas ng pinggan kaya napatingin ako sa orasan. It's already past 10 pm.
Inaantok nadin ako. Napahawak ako sa bulsa ko. Napanguso ako ng makapa ang regalong binili  ko para sakanya. Hays. Kelan ba kasi ang birthday nya? Ewan. Bahala na.

Naglakad ako patungo sa labas ng bigla akong mapatagong muli ng makita ko sina Thunder at Simon na matamang nag-uusap.

"Ilang taon na ang nakalipas, Volt." Utas ng kapatid nitong si Simon. Now who's Volt? Gagsti. Ayt. Oo nga pala, Si Thunder Volt Baltazar. Psh. Ang gara pala ng whole name nya. Pero ano bang pinag-uusapan nila?

Hindi umimik si Thunder sa sinabi ng kapatid.
"Kelan ka ba babalik sa dating ikaw?" Napangisi si Simon sa sinabi at bahagyang napa-iling.

"I am who I am, Simon. You don't need to preach me." Nilagok ni Thunder ang alak sa loob ng baso nito.

"Alam ko." Wika ni Simon. Wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Hays. Napaka-chismosa ko.

"I know not now but soon, mahahanap na nya ang kapatid nya. Aren't you going to trap him?" Wika ni Simon. Napakurap-kurap ako. Bakit bigla akong kinabahan sa sinabi ni Simon?

"I have my plans, Simon." Wika nito.

"And I'll make sure, na walang makakapigil saakin kahit na sya pa. They have to pay for what they've done."

"I'll mark your words." Sabay ngisi ni Simon. Nakita kong napakuyom ang palad ni Thunder. Now, what now? Mabilis akong umalis sa pagkakatago at pumunta ng kusina ng makita ko si Thunder na naglakad papalapit sa kinaroroonan ko.

Nagkunwari akong bumukas ng ref para hindi sya magduda saakin.

"Hey." Napatingin ako sakanya at alanganing ngumiti.

"B-bakit?" Wika ko sakanya. Tiningnan nya lang ako saka naglakad palapit saakin.

"Tell your boyfriend that I'll rent you tomorrow." Wika nito sa seryosong mukha pati boses.

Nangunot ang noo ko. Pinagsasasabi nito?

"Boyfriend?" Maang na tanong ko. Ngumisi ito.

"Am I that hot for you to forget your boyfriend?" Mahanging utas nito saakin. Now, I know he is really a Bipolar. Kanina ang seryoso tas ngayon nakukuhang magbiro. Iba.

"Sml?" Saad ko sakanya.
Nangunot ang noo nito at muling nagseryoso.

"Sml? What?" Ani nito saakin. Napatawa ako.

"Share mo lang?" Muli akong humagalpak ng tawa. Ngunit mabilis akong napatamimi ng hampasin nito ang lamesa sa gilid ko. Now he is inbetween me. I'm trapped.

"Stop kidding around, Thea." Seryosong wika nito saakin. Napanguso naman ako.

"And will you stop pouting? Tsk." Nagbigay ito ng espasyo saka tumalikod saakin at ginulo ang buhok nya. Yan, abnormal nanaman sya. Sabi na e, malala na yan.

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now