Obsession 11:

6.1K 116 2
                                    

Obsession 11:
Code

Kinabukasan ay maaga akong nagising para umuwi. Tutal naman, Linggo ngayon at Day off ko. Alas syete palang ng umaga ay ayos na ako. Kaya naman lumabas na ako ng bahay para magpaalam kay Nanay Gina na aalis na ako.

Pero paglabas ko ng kwarto ay saktong pagdaan naman ni Thunder sa harap ko. Mabilis akong bumati sakanya.

"Good morning, Sir!" Masiglang bati ko dito ngunit nilagpasan nya lamang ako. Nyare doon? Napaka-unpredictable talaga ng lalaking yun.

Pumunta nalang ako ng bodega dahil nandoon naman si Manang. At tama nga ako!

"Nay? Una na po ako ha. Wag ka pong magpapagod masyado. Babalik po ako ng maaga para matulungan ko kayo." Nakangiting wika ko kay Nanay. Nginitian nya naman ako.

"Ano kaba hija, Ayos lang ako. Enjoyin mo nalang ang day off mo ha?" Nakangiting wika nito.

"Nako, si Nanay talaga. Basta babalik po ako ng maaga." Ani ko sakanya.

"Juskong bata ito. Napaka-bait mo." Sabay tawa nito. Napangiti naman ako.

Nagpaalam na ako sakanya na aalis na , tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad na mabunggo ko si Thunder.

"Ang init." Mahinang wika ko ng mapadapo sa balat nito.

Tiningala ko naman sya, namumula ang mga tenga nito. Nakakunot ang noong nakatingin din saakin.

"May sakit kaba?" Wika ko sakanya.

Mas lalong nangunot ang noo nito, "May sakit ka nga!" Wika ko.

Ano bang ginawa ng lalaking to at may sakit? Tapos ang sungit pa! Kaya pala wala sa mood. Tss!

"Sandali, Ipagluluto kita ng sopa--"

"Don't mind me, Just go. Maybe your boyfriend is waiting for you." Tila balewalang sabi nito. Muntik na akong matawa. Hanggang ngayong umaga naaalala nya pa iyon? Kung alam mo lang, fiance ang meron ako. Psh.

"Huh? Sira kaba. Ang init mo oh!" Wika ko. Hindi ko sya pwedeng basta nalang iwan. Ako ang naka-tuka sakanya kaya ako ang dapat na mag-alaga sakanya.

"'Cause I'm hot." Sabay ngisi nito. Napa-irap nalang ako. Hinawakan ko sya sa braso at lintik! Ang init nya talaga. Napa-irap ako lalo. Bago sya hinila papunta sa kusina.

"Hey, hey. Stop. It's your day off." Natatawang wika nito. Tapos ngayon tatawa tawa? Abnormal talaga e.

"Dami mong kuda. Maupo ka dyan. For sure di kapa kumakain. Saka dagdagan mo sahod ko ha." Masungit kong sabi habang inihahanda ang gagawin kong sopas.

"I thought, bukal sa loob mo to." I look at him. Nakita kong nakapangalumbaba ito sa lamesa habang nakatingin saakin.

"Bukal nga. Pero kailangan ko ng sahod." Sabay irap ko.

"Tss. Ibang klase talaga." Wika nito.
Saka tumayo sa pagkaka-upo. Mag-uumpisa na sana tong maglakad ng magsalita ako.

"Hep! Saan ka pupunta?" Wika ko.

Nilingon nya ako, "3654." Wika nito.
Nangunot naman ang noo ko.

"Ha? Pinagsasabi m--"

"My rooms code. Ipasok mo nalang sa itaas. I want to take a nap." Sabay lakad nito patungo sa pinto.

Napanga-nga ako.

WHAT?! DID HE JUST GIVE ME HIS CODE?! WOW.



---



The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now