Obsession 8:

6.4K 150 1
                                    

Obsession #8:


Ngunit, sinundan ko padin s'ya hanggang sa makalabas s'ya ng pintuan. Nang mahabol ko ito ay agad kong hinawakan ang braso nya.

"Sandali kasi.." Ani ko. Tumigil naman ito at tumingin sa kamay ko na nakahawak sa braso nya. I saw him smirk saka ako nilingon.

"What is it, Miss?"

"Thea. My name is Thea." Sabay irap ko.

"O-kay. So Thea? Bakit mo ako sinundan? May kailangan ka pa ba?" Wika nito saakin. Huminga ako ng malalim saka sya simaan ng tingin.

"Ayoko maging secretary mo. Gusto ko dito lang sa bahay. I want to help Nanay Gina. Matanda na s'ya para gawin pa ang mga dapat ay di na nya ginagawa." Mahabang sambit ko kay Thunder. Tumaas ang kilay nito at tila ba namamangha saakin. Problema nito?

"Mas mataas ang sahod nang pagiging secretarya ko kesa ang dito sa bahay. Hindi ka ata practical." Sabay ngisi nito saakin. I rolled my eyes.

"O shit that practical thingy." Mahinang bulong ko.

"Mukhang hindi ka talaga nangangailangan ng trabaho. Tell me, naglayas ka ano?" Sabay ngisi nito. Tiningnan ko s'ya. Can't he just stop saying those things?

"Hindi ako naglayas, okay? I really need a job. Pero gusto ko dito nalang. Besides, naaawa ako kay Nanay Gina." Ani ko saka napakagat sa labi ko. I saw him gulp. Pero muli ay ngumisi ito at tiningnan ako sa nanunuring mga mata.

"Okay then.. Let's have a deal." Wika nito saakin saka ako nginisihan. Nangunot naman ang noo ko sakanya.

"A-ano yun?" Wika ko.

I saw him smirk. Saka dahan-dahang lumapit sa tenga ko. I was stiffed with what he said.

"Stay with me.. Then you'll be safe, forever." Sabay ngisi nito sa tenga ko. Pinanindigan ako ng balahibo sa batok ko.

"Pinagsasabi mo! Saka pwede ba? Stop saying nonsense! What is the deal?" Wika ko sakanya ng tumalikod na itong muli saakin.

"You have your job. Good bye, Thea." Wika nito at muling lumingon saakin saka ako kinindatan. Pumasok na s'ya sa kotse nya at mabilis na binuhay ang makina nito.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Pumasok nalang ako ng bahay nya. Badtrip talagang lalaking 'yun! Weirdo. Hays. Nakita ko si Nanay Gina sa isang tabi.

"Ano? Kumusta ang pag-uusap nyo ni Señorito?" Ani nito saakin.

"Pasok daw po ako, Nay." Nakangiting wika ko. Ngumiti naman ito saakin.

"Ganun ba? Hala sige, ibibigay ko sayo ang uniporme mo. Tara, at ipapakilala nadin kita sa iba." Ani ng matanda. Nangunot ang noo ko. May iba pang mga katulong? Oh well, sabagay. Malaki ang bahay. Hindi na iyon nakakapagtaka.

Pero napa-iling ako ng maalala ang sinabi ni Thunder, "Stay with me.. Then you'll be safe, forever." Hays! Weirdo talaga.


----


"Ito sina Linda, Myrna at Alisa. Sila ang mga kasama ko dito sa bahay. At ito naman si Karding ang hardinero namin." Wika ni Nanay Gina habang ipinapakilala saakin ang mga kasamahan namin dito.


"Ah? Hello po. Masaya po akong makilala kayo." Ani ko sakanila. Ngumiti naman saakin si Linda pero tumango lang saakin si Mang Karding. Habang sina Myrna at Alisa naman ay hindi ako pinansin dahil sa ginagawa nila. Hindi nalang ako umimik.

Nagsimula na akong maglinis ng bahay ng sawayin ako ni Nanay Gina. Nagulat ako dahil iyon naman ang trabaho ko.

"Po? Nay, ito ho ang in-apply-an kong trabaho. Marapat lang po na gawin ko 'to." Ani ko kay Nanay Gina.

"Nako hija. Hindi naman iyan ang ipinag-uutos ni Señorito e." Wika ni Nanay Gina saakin.

"Ho? T-teka lang po, Sabi nyo maglilinis ako ng bahay?" Wika ko. Talagang lalaking yun! Aish. Ano naman kayang trabaho ang gagawin ko?

"Oo nga, Iyon ang nasabi ko. Pero ang sabi ni Señorito saakin e, ikaw ang mag-aasikaso sakanya mamayang pag-uwi nya. Kaya sa ngayon, tulungan mo nalang ako dito sa pagluluto. Mamayang alas otso ay pauwi na iyon." Wika ng matanda saakin.

Tumango nalang ako bilang sagot sakanya. Aba't ang lalaking iyon talaga! Hays. Ako pa talaga ang mag-aasikaso sakanya? Nakakainis naman. Pero magagawa ko? Amo ko padin sya! Saka okay nadin siguro 'yun, para hindi ako masyadong mapagod.

Buong araw ay tumulong lamang ako kay Nanay Gina sa bawat gawain nito dahil naaawa naman ako sakanya. Nasa 61 na pala ang matanda pero nagtatrabaho padin para sa mga apo nito. Bigla kong naisip si Lola noon. Ganito din sya kabait at kasipag. Namiss ko tuloy ito bigla.

"Hoy, ikaw naman ang maghugas ng pinggan mamayang gabi ha? May lakad ako e." Saad ni Myrna saakin. Nangunot naman ang noo ko.

"Hindi ba't sa linggo pa ang day off ng lahat?" Iyon ang sabi ni Nanay Gina. Lahat ng trabahador ay linggo ang day off. Bakit s'ya aalis ? At ipapasa saakin ang trabaho nya ?

"Aba! Baguhan ka lang dito, akala mo kung sino ka ha? Wala kang pakisama. Tss!" Sabay duro nito saakin.

"H-hindi naman sa ganun. Kaya lang--" Wika ko.

"Ngayon pa lang, ayoko na sayo. Tss. Ang arte, ki-bago-bago. Kung gusto mong tumagal, makisama ka." Sabay alis nito sa harapan ko. Napabuntong hininga nalang ako. Pero may tama sya, Kung gusto kong tumagal, kailangan kong makisama. Pero sana naman hindi sa ganitong paraan.

Kinagabihan ay umuwi nga si Thunder. Naghubad ito ng coat at itinapon lamang sa kung saan habang niluluwagan ang kanyang neck tie.

"Lapitan mo na si Sir. Mukhang mainit ang ulo. Ingat ka girl." Ani ni Linda saakin. Bumuntong hininga ako saka lumapit sakanya na ngayon ay naka-pikit habang naka-upo sa sofa.

"H-Hi S-sir." Nauutal kong sabi.

"Hand me some coffee." Wika nito saakin habang nakapikit. Tumango naman ako at mabilis na umalis sa harapan nya at nag-timpla ng kape.

Pagbalik ko ay inilapag ko ito sa glass table sa harapan nya, "Ayan na po ang kape nyo." Tila walang buhay kong sabi.
Nagdilat naman s'ya ng mga mata. Namumungay ang mga 'to.

"Lasing ka?" Tanong ko sakanya pero nginisihan nya lang ako at sumimsim sa kape nya.

"Your so beautiful, Elena." Sabay hawak nito sa pisngi ko na parang nanlalambing. Elena? Sino naman iyon? Ang asawa nya?

Mabilis kong tinabig ang kamay nya, "Hindi ako si Elena." Mataray kong sabi. Nakita kong nangunot ang noo nito, At biglang umiling-iling.

"I'm tired. Dalhin mo nalang ang mga gamit ko sa itaas." Wika nito saakin at iniwan nya na ako sa upuan.

Naamoy ko padin ang tapang ng alak na ininom nito. Anyare doon? Bakit naman kaya siya maglalasing? Di kaya, alam na ng mga pulis ang ginawa nyang krimen? Oh my gosh!


---

Itutuloy...

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now