Obsession 7:

6.6K 154 2
                                    

Obsession #7:


"Sigurado kana ba d'yan hija?" Tanong ng t'yahin ni Nela na si Tiya Isabel saakin. Tumango naman ako sakanya.

"Nakakahiya nadin po kasi e, dito na nga po ako nakikituloy tapos sago nyo pa ang lahat." Ani ko sakanya. Ngumiti naman ito saakin.

"Ano kaba hija? Ayos lang iyon. Mabuti nga iyon at may kasama ako dito sa bahay." Sabay ngiti nito saakin.

"Hayaan nyo na po akong mag-abot paminsan-minsan." Ani ko.

"Mukhang buo na ang pasya mo. Hmm, wala na siguro akong magagawa pa r'yan." Ani ni Tiya Sabel saakin. Ngumiti ako sakanya.

"Salamat po,"

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay inayos ko ang mga kakailanganin ko para sa pag-aapply ng trabaho. Hmm, bahala na kung saan ako mag-aapply dito.

Nag-paalam na ako kay Tiya Sabel na mauuna na. Kahit papano naman ay kabisado ko na ng kaunti ang lugar na ito. Kay naman ang una kong pinuntahan ay ang restaurant malapit dito saamin.

Ngunit, ang sabi saakin ay tatawagan nalang daw ako. Sumunod naman ay ang hotel dito. Pero kagaya ng isa ay tatawagan nalang din ako. Tirik na ang araw pero hindin padin ako nakakakuha ng trabaho. Minabuti ko na kumain muna ng tanghalian sa palengke. Tutal naman ay alas onse na ng tanghali. Mamayang alas tres nalang siguro ako uuwi o kapag nakahanap na ako ng trabaho. Sa isang karenderya lamang ako kumain dahil nagtitipid ako.

"Isang kanin po saka ulam." Wika ko sa tindera at nagbigay ng bayad.

"Ito na po." Sabay abot ng tindera saakin ng in-order ko. Kaya naman ay nagsimula na akong kumain.

Pero nasa kalagitnaan palang ako ng pagkain ng may makita akong matanda na naglalakad habang may nakasunod ritong lalaki na palinga-linga. Sinuri ko ang galaw nito. Mukhang may kakaibang balak sa matanda. At tama nga ako! Kaya naman ng nasa tabi ko na silang dalawa ay pinalo ko ng hawak kong payong ang kamay ng lalaking pilit na kinukuha ang wallet ng matanda sa bulsa nito.

Napahiyaw naman iyong lalaki kaya nakakuha kami ng atensyon, "Magnanakaw! Magnanakaw!" Sigaw ko habang nakaturo sa lalaki. Sinamaan ako nito ng tingin at nagtatatakbo na dahil hinabol na sya ng iilang kalalakihan dito sa palengke.

Pinulot ko naman ang wallet ng matanda at ibinigay sakanya iyon, "Nay, wallet nyo ho. Mag-iingat po kayo sa susunod ha?" Ani ko sa matanda.

"Nako! Maraming salamat hija ah? Kung nanakaw ito t'yak na wala akong maipampapalengke ngayon." Wika ng matanda. Pina-upo ko ito sa tabi ng upuan ko.

"Wala ho iyon, Kumain na po ba kayo? Saka nay, bakit po kayo ang namamalengke?" Ani ko habang umiinom ng softdrinks.

"Tapos na hija. Saka ako lang kasi ang pinagkakatiwalaan ng amo ko ng pera. Kaya ako padin ang namamalengke." Wika ng matanda.

"Ganun po ba?" Ani ko at tumango.

"Ikaw hija? Mukhang hindi ka tiga-rito ah. Baguhan ka? Bakit ka napadpad dito?" Ani ng matanda. Ngumiti naman ako sakanya.

"Naghahanap kasi ako ng trabaho, Nay. Saka dito muna ako nakikitira." Ani ko sakanya.

"Ganun ba? Kung gusto mo, ipapasok kita sa trabaho ko. Ang kailangan lang gawin e, ang maglinis ng bahay dahil bihira lang naman umuwi ang amo ko dahil abala ito sa mga negosyo nya." Wika ng matanda.

Napangiti ako, "Talaga po? Nako! Hulog ka po ng langit nay!" Sabi ko sakanya.

"Sige, bigay mo saakin ang numero mo at ipapakilala kita bukas sa amo ko, dahil nandun iyon ngayon." Ani ng matanda.

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now