Obsession 6:

7.4K 143 0
                                    

OBSESSION #6


Kinahaponan ay nagtungo na nga kami sa beach. Hindi na kami nag-okupa pa ng tricycle dahil may dala naman kaming bike. Malapit lang naman dahil isang sakay lang daw. Oo, sa sobrang laki ng Resort na ito ay maaari kayong maligaw. Siguro'y ang yaman ng may-ari nito. Hays.

"Nandito na tayo!" Masayang wika ni Shane. Isa sa mga lalaking pinsan ni Nela na s'yang nagmaneho nitong van. Masaya namang nag-sipag babaan ang mga kapamilya ni Nela.

Si Nela naman ay nag-paalam muna dahil tumawag daw ang daddy nito. Hinayaan ko nalang ito at pumunta nadin sa cottage na uukupahin namin. Sa dami ng pagkaing binili ay halos hindi ko alam ang uunahin. Nakita ko si Edward na inaayos ang barbeque-han. Lumapit ako dito na kinagulat nya naman pero ngumiti padin ito.

"May kailangan kaba?" Magalang na sabi ni Edward saakin. Umiling naman ako.

"Pwede bang tumulong ako? Tingin ko kasi marami kang iihawin." Sabay tawa ko.

"Hahaha, oo nga e. Medyo." Sabay lagay ng uling at sinindihan ito. Hindi pa man ako nakakapag-tulong ng lumapit na si Nela at hinila ako.

"Hiram ko muna sya, Ward." Sabay hagikhik ni Nela. Napasimangot nalang si Edward.

"Di ka sana magka-boypren!" Sigaw ni Edward na tinawanan lang ni Nela. Patuloy padin sa paghatak si Nela saakin patungo sa van. Napansin kong may bitbit itong bag.

"Uy! Okay ka lang ba?" Natatawa kong sabi. Lumingon naman siya saakin at ngumiti.

"Obcourse!" Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili ko sa loob ng Cr.

"Wear this, Thea! Let's enjoy the beach!" Masayang wika nito saakin habang inaabot saakin ang isang kulay itim na bikini na off shoulder.

"Seryoso ka? T-teka! Okay na ako sa suot ko." Pagdadahilan ko habang nakatingin sa suot kong t-shirt at shorts.

"Seriously? Your turning 23 pero ayaw mo pading nag-swim suit?! No more buts, Thea! Wear that! And also this shade. You will look stunning! Bilis!" Hindi na ako nakapag-salita ng ipinasok nya na ako sa banyo at talagang naka-harang sya sa labas. Nako talaga!

"K fine." Bulong ko at saka nagbihis.

Nang lumabas ako ay nahihiya pa ako sa itsura ko. "See? I told you! Sayang yang kakinisan mo kung hindi mo ibabalandra!" Ani nito at ibinigay saakin ang isang manipis na tela na ipampapatong ko sa suot ko.

"Hindi ako sanay nito. Sa-saka.. Meron ako diba?" Wika ko sakanya.

"It's okay! 'Di ka naman maliligo sa beach e.." Sabay ngiti nito saakin at sinabing sya naman ang bibihis. Napa-squint nalang ako! Nela talagaaaaa!

Nang matapos na kami ay lumabas na kami ng banyo. Pumunta kami sa beach, at sya itong naunang lumusong sa tubig. Nakakainggit talaga! I want to swim pero 'di pwede.

Narining ko pang sumipol si Beauty pero nang lunginin ko sya ay inirapan nya ako at tunawa. Natawa nadin ako. Nakita ko ding inaasar nila si Edward. Hahaha. Bakit ba? May mali ba saakin? Hmm.

Naisip kong maglakad-lakad na muna dahil abala pa naman sila sa mga ginagawa nila d'on. Ako naman ay walang magawa. 'Di naman ako makakaligo e, Mabuti pang mamulot nalang ng shells. Kaya medyo napalayo na ako sa mga kasama ko. Nakita ko ding mayroong malaking bato sa gilid so trinay kong umakyat dito pero sa di sinasadya dahil madulas ang bato ay nahulog ako, kung wala lang nakasalo saakin. Napapikit pa ako.

"Better take care of yourself." Halos lumundag ang puso ko sa boses na iyon. Kaya naman mabilis na napamulat ako ng mga mata ko.

"Ikaw nanaman?!" Sigaw ko sakanya.
Nangunot naman ang noo nya at bahagyang natawa.

The Beast Obsession (Revising)Where stories live. Discover now