Chapter 1

10K 190 5
                                    

A:N/ i will edit this whole book when its compeleted. suggest ko po na mas okay yung chapter 20 pababa. chapter 1-15 chuchu was written in my jeje days so yon lang. :))

Chapter 1

"Ano?! Nasaan yung credit card ng nanay mo?! Alam kong na sasayo yo'n! Ilabas mo na ng yumaman nako at mapalayas na kita sa bahay na 'to!" Sigaw ng matandang babae. Ganito ang ikot ng araw nila. Hindi mabubuo ang isang araw kung hindi sya nabubulyawan ng tiyahin nya.

Kasalukuyang nandito sila sa bahay ng tiyahin nya. Pag katapos na pagkatapos nyang magluto ng agahan ay bulyaw ang bungad sa kanya. Tila wala namang pakielam ang dalawa nyang pinsan na ngayon ay nasa lamesa. Kumakain.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala nga po sakin yung credit card!" Sigaw nya. Pero hindi parin nawawala ang 'po'. Nando'n parin ang pag galang nya.

"Aba't sumasagot kapa!?" Sigaw din ng tita nya sa kanya. Tumakbo ang tita nya patungo sa kusina at kumuha ng tinidor na syang inihagis patungo sa mukha nya.

Natamaan ang pisngi nya na ngayon ay dumudugo, pero wala paring pakielam ang pinsan nya at tita nya kahit nagkakasakitan na.

Bago pa ulitin ng tita nya ay agad na syang lumabas ng bahay at unalis. Ngayon ay patungo sya sa eskwelahan nila na pag mamay ari ng isang german. Scholar lang sya dito kaya sya nakapasok dahil tanging mayayaman lang talaga ang may kayang pumasok dito.

Nilalayuan sya ng kapwa nya estudyante dahil sa hindi maipaliwanag na kakayahan nya.

Nakakakita sya ng mga nilalang na hindi normal, o tao.

Tulad ng eskwelahang ito. Alam nyang may bampirang nag aaral dito. Pero ni isang pagkakataon ay hindi pa nya ito nakita. 'Malas nalang kung makikita nya.

Isa na ding dahilan yo'n kung bakit wala syang kaibigan. Natatakot kasi ang mga kaklase nya sa kanya. May iba pa ngang nagsasabi na may sumpa daw sya kaya sya nag ka ganon.

                              ***

Natapos ang pagpasok nya ng unang klase ay pauwi na sya sa bahay ng tita nya. Medyo nag langib nadin ang sugat nya sa pisngi. Pero sigurado na kapag nabakbak iyon ay magdurugo nanaman.

Pagbukas nya ng gate ay natanaw nya agad ang tita nya na naninigarilyo sa harap ng pintuan.

Hindi mataba hindi rin mapayat ang tita nya. Matalim kung tumitig, at laging mau pang pakulot sa itaas ng noo. Lagi ding naka daster. At bungangera.

Pagkapasok nya ay inabutan nya ang pinsan nyang lalaki na nag lalaro ng psp. At ang isa nya namang pinsan na babae ay nagkukuko. Naabutan nya din na nagkalat ang balat ng kendi at chichirya sa sahig. May bote ng tubig  na tumapon at nakasindi ang TV pero wala naman nanonood.

Dumiretso sya sa kwarto, at gaya ng nakasanayan ay hindi parin ito ligpit simula kaninang umaga. Napabuntong hininga nalang sya.

Nang makabihis sya ay pumunta naman sya sa kusina. Tambak naman ang urungin.

Hindi malaki ang bahay ng tita nya. Pero hindi rin naman maliit. Tiles ito, pinturado at pang mayaman ang gamit. Pero hindi ibig sabihin ay maraming pera ang tita nya.

Nagsimula na syang maglinis. Hanggang gabi.

~To Be Continued~

FRIENDLY NOTE!:

ANG ISTORYA PONG ITO AY 'KATHANG ISIP LAMANG' =)  Votes and Comments are highly appreciate.^^ >3

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now