Chapter 33

1.1K 34 8
                                    

Chapter 33

Hindi biro ang ginawa naming ensayo nitong nag daang araw, akala ko ayos na ang pag eensayo namin ni Veronica non, hindi pa pala. May mga hindi pa din ako nalalaman. Sa nagdaang mga araw nayon, Nakita ko kung gaano kalakas ang mga Heads, sila Ethan, Veronica, Louisa, at Angel. Pero kay Kyrone talaga ako nagulat. Habang naalala yon, hindi ko maiwasang malungkot. Kung hindi dahil sakin hindi sana sya miserable ngayon. Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko.

Biglang pumasok sa isip ko ang offer nila Zeki, isang karangalan para sakin ang maging miyembro ng Heads. Pero parang ang bilis naman kasi? Iwinaksi ko muna sa isip ko 'yon, mamaya ko nalang kakausapin si Zeki tungkol don.

Pagbangon ko sa higaan, ramdam ko ang pag sakit ng katawan ko. Sabado at ngayon lang kami nakapagpahinga. Sa lunes sa itutuloy ang mga naudlot na events.

Kasalukuyan na nasa gymnasium ngayon nanonood ng rehearsal, pinilit lang talaga ako ni Veronica at Louisa, suportahan daw namin si Angel.

Oo, isa sya sa napiling kandidata. Sa pagkakaalam ko, sa lunes ilalabas ang mga picture ng candidates, sa page ng school. 30% ang online voting, at mayroong isang linggo para bumoto. Ang pinakamataas na boto ay syang aawardan ng 'People Choice Award'

Sabi nila, hindi naman daw apurahan ang laban. Maigi nilang pinipili at pinagaaralan ang bawat kandidata. Sa pagkakaalam ko, pagtapos nito ay sa lalaki naman.

Halos kasasabi lang samin kanina na nakansela ang ilang mga events. Maraming nalungkot at isa na ako don, eto ang unang pasok ko dito tapos ganon ang mangyayari. Pero may susunod pa naman. Sana...

Sa nagdaang mga araw para akong nawalan ng gana. Hindi ko alam kung bakit pero parang nasanay na yung katawan ko sa mga nangyayari. Hindi nako makaramdam ng kahit ano. Parang namanhid nako.

Nakita kong pababa na ng stage si Angel kaya naman minabuti ko na umalis na. Bilang nalang sa daliri ko ang mga beses na nakakausap ko si Veronica at si Louisa.

Paalis ako ng makasalubong ko si Ethan at Kyrone, nagiwas tingin si Ethan habang si Kyrone naman ay binigyan ako ng malamig na titig.

Hindi ko sya masisisi kung galit sya sakin. Kahit ako, galit sa sarili ko.

Mapait akong napalunok. Eto nanaman ang pakiramdam nato. Wala akong ka idedeya kung paano nakapasok dito si Kyrone. Pero malay ba natin kung sino sya diba?

Hindi ko namalayan na nasa opisina pala ako ng Heads. Kusa akong dinala ng mga paa ko dito. Agad hinanap ng mata ko si Zeki. Lahat sila ay may kanya kanyang ginagawa.

Nang makita ako ni Zeki ay agad na sumilay sa labi nya ang isang matamis na ngiti. "So..are you here to accept my offer?.." tanong nya. Dahan dahan akong tumango. Napatingin sakin ang apat pa nyang kasama. "Napakatagal namin na hinintay na um-oo ka sa offer ni Zeki." simangot na sabi ni Vinci.

"It's our pleasure to work with you, Athena." ngiting sabi sakin ni Yael. Lahat naman sila ay nagsitanguan.

"Likewise." ngiting sabi ko.

This is the start. Pakiramdam ko ay maraming magbabago dahil dito.

***
Saturday parin ngayon at hapon na. Pagkagaling ko sa Opisina ng Heads ay dito muna ako dumiretso. Inihanda ko na ang mga gamit ko. Lilipat ako sa dorm na exclusive for heads only. Nageempake nako ng mabilis na kumalabog ang pinto.

"Athena?! Totoo ba yung narinig namin?" Si Louisa. I halt. Tumitig sakanya at dahan dahan na tumango. Si Veronica ay naktahimik lang.

"Whoa. That was fast." taas kilay na sabi ni Angel. Sumenyas naman si Louisa na tumigil sya. Hindi ko napansin na andito pala silang apat. Pati si Kyrone at Ethan. Ang alam ko ay bawal ang lalaki dito sa dorm,

Isang titig na nagtatanong ang pinukol sakin ni Ethan.

"I mean, you're just a transfer student. Compared to us, wala ka pa, uhm..napapatunayan? No offense." nakangiting sabi ni Angel. Hindi ko sya pinansin.

"Angel.." boses yon ni Kyrone. Nagbabanta.

Sa wakas nayari ko nadin magempake.

"Okay, I'll stop." suko nya, habang tumingin sakin.

Lumingon ako kay Louisa at Veronica. "Hey, thankyou for accepting me here. Hindi ko kayo makakalimutan." Na baka mangyari nga..

Nabanggit ni Zeki na iwasan namin ang pakikihalubilo sa mga ibang estudyante. Kaya sigurado ako na halos sila lang din ang makakasama ko.

Bumaling ako kay Angel, nakangiting humarap sakanya. "Ang ganda ng opinyon mo," pinasadahan ko sya ng tingin lalo na't mas matangkad sya sakin.

"Pero hindi ko tinatanong." sabi ko sabay ngisi.

"You, bitch!" hihilahin nya na sana ang buhok ko pero nauna kong buksan ang pinto at tumambad sakanya ang naghihintay na mga Heads.

Agad na hinarang ni Alenz ang kamay nya sa gitna namin ni Angel. Pinoprotektahan ako.

"First warning, Angelumi Santiago." Malamig na banta sakanya ni Alenz. Dahilan na napapuyos sya sa galit.

"Bawal pagbuhatan ng kamay ang mga miyembro ng Heads." mapaglarong sabi ni Piccolo.

"Angel, tara na.."hiyang sabi ni Louisa.

In the end, it's still Angel huh?

***

"You should've looked at her face! It's PRICELESS!" umasim ang mukha namin, kanina pa paulit ulit na sabi ni Vinci. Kanina pa sya dyan tawa ng tawa.

Masasabi ko na mas maganda, malaki at mas espesyal ang tinitirhan ng mga Heads kesa sa ibang estudyante. May kanya kanya kaming malalaking kwarto, at sa bawat kwarto nayon ay may maliit na opisina. Iba pa yung opisina ng Heads sa isang building.

Hindi na ako nahirapan makisama sakanila. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa upuan. Nag momovie marathon, hanggang magsalita si Alenz. "You know, Athena. You're hair looks pretty." Agad akong napaalis sakanila, umaatras. "Don't tell me.."

"Yes."

***

"WHAT THE FUCK?!" sigaw ko sakanila ng makita ko ang itsura ko sa salamin. Through advance technology, nakikita namin ang sarili namin sa salamin.

"What? You didn't like it?" tanong ni Zeki.

Umilin ako. "Nah, it's so prettyyyyyy!" sigaw ko. Lahat naman sila ay parang maluwag na nakahinga.

Tinitigan ko ang itsura ko sa salamin. Hanggang kilikili ko nalang ang wavy kong buhok, na may kulay pula sa dulo.

I liked it. New hairstyle huh.

Pero hindi ko gusto ang idea na para akong kasama sa infinity gang! Remembered their hair?!

TO BE CONTINUED

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now