Chapter 5

3.1K 92 1
                                    

Chapter 5

Sinabi naman na sakin ng Butler na libre na daw ang pag-aaral ko. I'am now no longer a Scholar. Lahat ng kailangan ko ibibigay na nila, pero syempre kailangan kong magtrabaho.

~*TOK! TOK!*~

"Eto na nga oh!" Sabi ko sabay irap sa hangin. 'Pano ba naman kasi si Ethan! Napaka OA! Ala sais palang naman ng umaga--- Shit! 7:34 na pala! Nagmadali na kong magbihis at nag polbo nalang. Hindi naman ako tulad ng ibang babae dyan na naglalagay lagay pa ng kolorete sa mukha no! Ibahin nyo ko.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang naka ngising mukha ni Ethan.

"Oh anong nginingisi ngisi mo dyan?" Pagkasabing pagkasabi ko ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

Oh oh...

"Tsh, ba't kayong mga babae, ang aarte? Ang hilig nyong magpaganda hano?" Sabi nya habang papasakay kami ng kotse nya.

*Silence...*

*Silence...*

*Silence...*

"Ano bang problema mo?! Bat ba ang sungit sungit mo ha?" Biglang sigaw nya kaya nagulat naman ako.

Diba ang trabaho ko lang ay maging 'Personal Maid' nya. "Personal Maid mo lang naman ako diba? Yun lang. Kaya hindi ko sasagutin ang susunod na tanong mo kamahalan..."

"Tsh, may pinapagandahan ka siguro hano?" Tanong nya. Bigla namang pumasok sa isip ko si Kian, Kian Ramos ang aking ultimate crush, Varsity din sya ng Basketball katulad ni Ethan. Gwapo, matipuno ang katawan katulad ni Ethan--teka--bakit ko ba sila pinagkukumpara?

"Ano? Natulala ka dyan? Naalala mo siguro yung crush mo? Psh," singit naman ni Ethan at padabog na sumakay sa Kotse.

O_o???

May mood swing? Aish! Ewan!

Sumakay ako sa backseat ng kotse, hindi sa harapan ah? Ang feeling ko naman kung ganon. Oo nga pala! Hindi ko pa natatanong sa kanya kung bakit parang ang hirap hanapin ng lugar nila, pero mukhang wala pa sya sa mood kaya mamaya nalang siguro.

Lumipas ang ilang minuto pero wala paring imikan. Mukhang galit ata sya. Pero saan? Daig pa ng lalaking 'to yung may mens eh. Dinaig pa ko. Pero mukhang hindi talaga sya nagbibiro. Nakarating kami ng eskwelahan ng walang kibuan. Tsh! Bahala sya! Kung yan ang gusto nya edi yan! Pinagbibigayan ko sya! Isa pa, hindi naman kami masyadong close para aluin ko sya. Malay nyo trip nya lang ako, tulad ng ibang babae dyan.

Walang lingunang binuksan ko ang pinto ng kotse. Hindi ko sya aaluin no! N.E.V.E.R!

Nang makapasok ako sa room ay mukhang wala pa ang prof namin. Unang subject ang prof namin, and then the rest ng morning session ay lecturer na namin. Hanggang afternoon session.

Mukha ngang wala pa talaga ang prof namin dahil may mga estudyanteng may kanya kanyang mundo. Nang ilibot ko ang aking tingin ay wala ng vacant seat's. Lahat ay may nakalagay ng bag.--dibale lang sa isa.

*~TUG DUG! TUG DUG!~*

Sa tabi nung babaeng W.E.I.R.D!!!

Dahil no choice ako, wala akong nagawa kundi umupo sa tabi nya. Pagkaupo ko ay sakin naman nabaling ang atensyon nya.

Patay!

Ngayon ay nakita ko na ng malapitan ang mukha nya. Hindi sya nakauniform tulad ng ibang esrudyanteng sumusunod sa rules ng school. Naka make up sya na ang kulay ay puro violet hanggang sa bibig! May piercing sya sa labi. Ewws! Kababaing tao eh!

"What's your name?" Tanong nya. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. I really find it weird.

"A-Athena...A-Athena C-Cruz." Sabi ko. Para namang medyo tumamlay sya. Pero agad ding naka bawi.

Tinignan ko sya. "Why?" Tanong ko.

"Ala. I thought you're Victoria." Sabi nya. And who the heck is Victoria?!

"Ethan's fiancee. Pero hindi natuloy yon. Nawala nalang sya bigla." Sabi nya. Wait! Nababasa nya yung iniisip ko?!

"Na---"

"Goodmorning Class!"

                                       ***

Lupaypay akong naglalakad sa koridor. Naikot ko na kasi ang buong Campus pero hindi ko parin makita si Ethan. Iniwan nya na ba talaga ko?

"Grabee! Ang ganda nung moon hano? Nakita mo ba yon?"

"Ahh oo! Ang ganda nga eh!"

O_o?

Pinaguusapan ba nila yung tungkol sa full moon?---bat hindi ko naalala? Bakit hindi sumakit yung ulo ko kahapon ng gabi? Mostly kasi pag full moon, tuwing lalabas ang full moon lagi nalang akong nagigising at sumasakit yung ulo ko. Pero ngayon? Hindi na. Bakit kaya? Haist, hayaan mo na nga. Madami pa kong problema kaya hindi ko na idadagdag pa yan.

May humawak sa balikat ko. "Sabay ka?" Tanong ni----nung Weird!

"Ako nga pala si, Veronica." Nakangiting sabi nya. Veronica? Hmm...seems famillar to me.

"A-Ahh...hehe sige. Alam mo naman na kung san ako nagtatrabaho diba? Nakita nga kita dun sa may liblib na lugar eh."

Pagkasabing pagkasabi ko non ay agad syang napa hinto. Mag problema ba sa sinabi ko?

Bumaling sya sakin."Nakita mo ko?" Tanong nya. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat pero agad din naman itong napawi.

Tumingin ako sa kanya bago sumagot."Ah, oo." Sabi ko. Hindi nya na ko sinagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Dun din pala sya nakatira? Ang galing!

~To Be Continued~

A:N/

Don't forget to VOTE and COMMENT! COMMENT your feedback!^^

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now