Chapter 39

1.2K 34 22
                                    

Chapter 39

Isang araw ang lumipas ng may ganoong 'nangyari' saamin ni Kyrone, ginusto ko kaya ayos naman. Besides, stable naman na kami. Wala ng problema. Sa una, masakit pero mawawala din naman. Kyrone and Shiro, iisa lang sila. Ng gabi ng malaman ko yon ay parang may gusto akong balikan na nangyari pero hindi ko talaga maalala. Sa natatandaan ko ay narinig ko na yon, oo narinig ko na talaga yon nung nagusap kami ni Louisa pero hindi yon e.

"Baby," rinig kong salita ng isang tinig, nawala ang pag mumuni muni ko dahil don.

"You're spacing out again." ani ni Kyrone, binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti at saka hinawakan ang dalawa nyang palad. Andito kami ngayon sa cafeteria at halos bilang lang sa daliri ang nandito ngayon.

"Sorry," yumuko ako. "Napapaisip kasi ako.." huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita. Nakakainis naman. "Pano pag bumalik sila? Y-Yung mga l-ligaw na bampira? P-Pano kapag nakuha nila ulit ako? N-Nasaktan? Pano kung g-gusto nilang maghiganti? I-Idamay yung mga malalapit sakin? Pano kapag maglaroon ng giyera?" Mahinang sambit ko, I can still remember my past but not that vivid. Hindi malabong mangyari ulit yon, dahil kung ako man ang kalaban at gustong maghiganti, hindi malabong gawin ko 'yon.

"That's possible to happen but no need to be frightened. I'm here."

And that made me calm.

Pero hanggang kailan sya nandyan para sakin?

***

"Are you ready?" tanong sakin ni kuya. Kabababa lang namin ng sasakyan at sinalubong kami ng daan na halos puro naglalakihan na mga puno at sa pinaka gitna non ay mayroong daan pababa. Nang maglakad kami doon ay agad na nagsipuntahan ang mga bantay na kasama namin sa likod namin, sa magkabilang gilid ng hagdan na gawa sa matibay na kahoy, doon ko lang napagtantong nasa gubat pala kami. Nang tuluyan na kaming makababa ay isang tulay na gawa din sa kahoy ang dinaanan namin, may hawakan sa magkabilang gilid non. Hanggang makarating kami sa pinaka dulo. Isang hugis parisukat na gawa sa hindi maipaliwanag na materyal ang lumitaw samin. Sa magkabilang gilid non ay mayroong dalawang nagbabantay ngunit alam kong nakilala nila si Kuya at bahagya pang nabigla ng makita ako. Agad nilang niluhod ang usa nilang tuhod at saka yumuko.

Alam kong nawawala ang susi ng portal kaya naman nang titigan ko iyon ay parang may gustong humigop saamin. Base sa nalaman ko, normal na ganon ang magiging repleksyon ng portal kapag nakabukas. Pero kung hindi ay hindi mo makikita ang dalawang nagbabantay pati nadin ang parisukat na daan.

Bago ako humakbang ay huminga muna ako ng malalim, eto na 'yon. Pagka hakbang na pagka hakbang ko ay may naramdaman akong malakas na pwersa, pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas ngunit mabilis lang ang pangyayari, nang muli kong imulat ang mata ko ay tumambad sakin ang isang malaking straktura, Ito ba ang tinatawag nilang palasyo?

May isang napakahabang daan na gawa sa bato ang kailangan namin na madaanan, sa gilid non ay makikita mo na halos puro damo lang pero sa bawat gilid ay may mga alagang alaga na bulaklak. Habang sa kabila naman ay may isang napakalaking fountain na may statue sa gitna.

Itinaas ko ang tingin ko, hindi ko inakala na ganito ang makikita ko ngayon, napakataas! Inilihis ko ang tingin ko sa gitna at inilipat ang tingin sa gitna. Gamit ang kakayahan ko, nakita ko ang dalawang kulay pula na flag sa magkabilang gilid ng malaking pinto. May simbolo ito sa gitna, isang hugis bampira.
Nagpatuloy kami.

"Mahal na Reyna at Hari," kaagad kaming yumuko para magbigay galang ng matanawan namin sila. Nagpaalam saglit sakin si kuya.

Tinignan ko ang loob ng palasyo, kung ano ang ikinaganda ng labas at triple sa loob!

Ngayon ay kaming dalawa lang ni mommy? ng reyna? ang magkasama. Mas lalo syang gumanda sa suot suot nya, idagdag mo pa ang koronang nasa ulo nya.

"Wala kabang napansin sa mga bawat galaw ng bampira na narito?" nakangiting tanong nya sakin,

"A-Ah? masyado po silang pormal magsalita." sagot ko, tumawa naman sya.

"Ganon talaga ang pagsasalita ng bampira, marahil hindi kayo sanay dahil sa edad na 8 ay dinadala na kaagad kayo sa unibersidad upang mag aral." saglit syang huminto. "Ganon talaga, kaya nga nandito ka para kahit papaano may ideya ka sa totoong mundo mo. May tatlong kaharian ay bawat kaharian ay may mga sakop na mamamayan. Marami ka pang dapat malaman ngunit sa ngayon, pananalita mo nalang muna ang sanayin mo. Batid ko na kung makikipag usap ka sa kanila ay maari silang magtaka ngunit maiintindihan naman nila 'yon."

Ipinakita nya pa saakin ang mga pasikot sikot sa palasyo, ang mga kwarto, kung nasasaan ang mga nagsisilbi at kung sino sino sila. Marami pa kaming nilibot sa palasyo, pakiramdam ko ay kulang ang isang araw na pamamalagi namin dito upang malibot lahat ang kabuuan ng palasyo.

Bandang hapon ng saglit akong nagpahinga, pero pakiramdam ko ay hindi ako nakapagpahinga kahit halos umabot ako ng isang oras. Ang tagal kong nagpahinga pero bakit pagod padin ako? Parang may mangyayari. Hindi ko mawari kung maganda ba  'to o hindi.

Saglit akong dumukdok at pumikit, this feeling..

"Mommy!" kaagad akong tumayo at mabilis na umalis sa kinauupuan ko, nang makalabas ako ay nakita ko si kuya na may kausap sa cellphone habang si daddy naman ay may kausap na madaming lalaki, si mommy ay nakita ko sa gilid na halos mangiyak ngiyak na. Pakiramdam ko ay may ideya na ko sa nangyayari.

This is the same scenario I saw weeks ago looking at kuya's eyes!

Dire diretso akong naglakad paalis ng naramdaman kong may humiltak sakin. "Fuck, Victoria! You are not going anywhere." it sounds dangerous. Gusto kong prumotesta pero masyado syang malakas at pakiramdam ko ay naubusan ako ng mga sasabihin.

"They're attacking the University, and it's dangerous. We're not risking you again, Victoria!" sigaw nya sakin.

"But my friends are there! I'm going!" Madaming mga buhay nanaman ang masisira, dahil sakin..

"They can handle it." malamig na sagot ni Kuya.

Halos gusto ko nalang maiyak at magpapadyak! Eto na nga bang kinakatakutan ko e! Ako nanaman yung dahilan! Andon din si Kyrone.

"Ano kuya?! May mamamatay nanaman dahil sakin? May mawawalan nanaman ng anak dahil sakin? May mawawalan nanaman ng kapatid dahil sakin? May mawawalan nanaman ng kaibigan dahil sakin? Kuya, kung wala tayong gagawin the same scenario's will repeat and repeat and repeat! I can't handle it anymore, hindi ako patutulugin ng konsensya ko!" sigaw ko sakanya, naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak nya sa pulsuan ko. Tatakas sana ko pero pakiramdam ko ay may humalukay sa loob ng tyan ko kay naman nagmadali akong pumasok sa loob ng palasyo at saka sumuka ng sumuka.

Could it be...

TO BE CONTINUED

A:N/

unedited. hehe sorry for late update. till chapter 40 and the series 1 is done. sa last chap ko nalang i aattach yung mga picture. hehe. don't forget to vote and comment! btw, yung meaning ng vivid e, parang malinaw. (example: that memory is so vivid..) ganern hahaha. and also, i'm planning to change the title kasi malayong malayo naman talaga haha. lesson learned. sorry jeje pa ko non e. lovelotssssss. always wear your mask! and always get sanitised! ingat din tayo sa bagyo ngayon. mwaaa

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now