Chapter 11

2.5K 80 1
                                    

Chapter 11

Darating si Victoria. Si Victoria na fianćee ni Ethan. Si Victoria na hanggang ngayon ata ay mahal parin ni Ethan.

~*BEEP! BEEP!*~

Nang narinig ng ibang katulong ang busina ng kotse ay agad silang nagsikilos, iniayos ang mga gamit panglinis pabalik kung saan talaga ito nakalagay at saka isa isang humilera sa pintuan. Dahil bago bago palang ako ay wala sa sariling sumunod ako sa kanila. Ramdam ko ang malalim na paghinga nila. Ang pagsinghap, ang panginginig ng nga kamay. May naramdaman akong kakaibang aura. Sigurado akong sa kanya galing iyon. Ang tunog ng takong ng sapatos na lumalakas dahil tiles o matigas itong dinadaanan nya. Ang iba ay natamadaman kong tumingin sa kanya, ang iba naman ay nanatiling nakayuko. Ako? Hindi ko ata kaya. Hindi ko ata sya kayang tignan. Kaya nanatili nalang akong nakayuko. Ng nakita ko sa ibaba na nasa tapat ko na sya ay huminto sya. Napaka walang galang ko naman kung mananatili parin akong nakayuko hindi ba? Kaya diretso akong tumingin sya kanya at isang pilit na ngiti ang ibinigay ko. Pagkatapos non ay nag bow ako. Ngunit ang akala ko ay ganon din ang gagawin nya.

Nagkamali pala ako...

Sa halip na ngumiti sya ay tinaasan nya ko ng kilay. At ang mapupula nyang labi ay bahagyang ngumiwi. Na para bang ipinapahiwatig na napaka wala kong kwenta. Yo'n kasi ang dating saakin.

Dahil sa kahiyaan ay napayuko nalang din ako. Sana pala hindi nalang ako umasa. Umasa sa panaginip ko na ako si Victoria. Pero bakit ganon? Bakit iba ang hinaharap sa panaginip ko? Nakita ko na si Victoria sa panaginip ko. Kamukha ko sya. Pero bakit iba ang Victoria na kaharap ko?

***

Gabi na ay hindi parin ako makatulog. Gusto ko man ay hindi ko magawa. Bakit ganon? Bakit ngayon pako nakaramdam ng awa sa sarili ko. Wala eh, ayaw nilang lahat sakin. Si Ethan, sa una lang pala mabait. Sabagay, ano ba naman ako? Isang hampas lupa. Hindi ako maganda. Hindi ako kasing yaman nila. Hindi ako matalino. Wala nga naman kasi talaga silang mapapala sakin. Lahat ng tao ay ayaw sakin.

Hindi ko napansin na unti unti na pala akong nakatulog...

***

Nandito kami ngayon sa harapan ng lamesa. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ako sanay. Katabi ko ngayon si Kian. Si Kian nalang ata ang mabait sakin. Katapat ko naman si Victoria at katapat naman ni Kian si Ethan. Si Chelsea naman ay kahapon pa umalis. Hindi natiisan ang katarayan na ginagawa sa kanya ni Victoria.

"Dapat hindi natin sya kasabay kumain." Biglang sabi ni Victoria na bumasag sa katahimikan. Wala syang sinabing pangalan ngunit alam kong ako ang tinutukoy nya. Muli, nakaramdam nanaman ako ng hiya. Dapat talaga ay nilulugar ko ang sarili ko.

Yumuko ako sa harapan nya. "P-Pasensya n-na." Wala. Walang sumagot. Walang nagmatigas. Hahakbang palang ako papaalis ngunit, hinawakan ni Kian ang kamay ko. Nang lingunin ko sya ay ngumiti sya sakin. "Tara. Alis na tayo?" Sabi nya. Sa mga sandaling yon, ramdam kong hindi ako nag iisa. Ang inaasahan kong magpoprotesta ay si Ethan. Hindi pala. Nagkamali ako.

***

Hindi ko alam na lumipat 'din' pala si Veronica dito sa paaralan sa bayan ng Maden. Nakakagulat. Kanina ay nakasalubong ko sya papunta sa may soccer field. Ngunit batid kong hindi talaga don ang punta nya. Sa tabi kasi ng soccer field ay puro puno na. Alam kong don sya papunta. Bakit ko nalaman? Naramdaman ko. Ang sabi sabi kasi ay dati daw na Gubat itong mismong bayan na 'to. Dati itong gubat. Abg gubat ng Maden. Pero hindi daw ito ordinaryong gubat lamang. May mga nakatira, tumira at talagang nakatira daw dito. Yung iba, tao, at yung iba naman hindi namin katulad.

Nung unang panahon daw kasi ay may nakatira sa pinakadulong bahagi ng Gubat--Bayan na 'to. May isang dalaga daw, kasama ang kanyang tatay na tigapangalaga ng Gubat na 'to. Ewan ko kung anong importante don. Ginagalang ng mga kaklase ko ang kwentong yon. Pero sakin? Ang weird. Napaka weird.

~To Be Continued~

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now