Chapter 35

1.2K 36 6
                                    

Chapter 35

Kakatapos lang namin mag lunch, lahat ay balik sa kanya kanyang gawain.

Hindi muna kami dumiretso sa dorm, dito muna kami sa office na itinalaga saamin. Habang ako, hindi parin mapakali. Alam kong wala akong mapapala kung puro yon ang iisipin ko kaya minabuti ko muna na alisin yon sa isip ko.

Chineck ko ang online voting at nakita ko na nangunguna na doon si Angel. Sya ang may pinaka madaming boto sa ngayon. Since wala naman akong ginagawa, tumunganga muna ako saglit. Nagisip isip ng kung ano ano.

Hanggang sa magsalita si Zeki. Nakakunot ang noo nya habang paulit ulit na tinitignan pabalik balik ang mga papel. Ano yon?

Lahat kami ay napatingin sa kanya. Hanggang sa nagpatiunahan kaming makapunta kay Zeki. "Ano yan?" tanong ko. Nag si ayusan muna kami dahil halatang na inis sya dahil nagulo ang nasa ibabaw ng lamesa nya.

"May mga mag tatransfer," sabi nya. Napa kunot ang noo ko, "Seryoso?" tanong ni Piccolo. Dahan dahan naman na tumango si Zeki. "Chicks?" ngisi ngising tanong ni Alenz. Agad naman syang binatukan ni Vinci. "Gusto mo ng chicks? Alenz?" tanong ni Yael. Mabilis naman na tumango si Alenz. "May manok ako dito tumitilaok pa." ngising asong sagot ni Yael. Lahat naman kami ay nagsitawanan habang si Alenz ay bumusangot.

"They're from Izume's Clan. Lima silang mag tatransfer." paliwanag ni Zeki.

"Pero ilang buwan nalang finals na." sabi ko naman. Isa isa silang nagsi tanguan.

"Pero base naman sa requirments na binigay nila, matataas naman yung marka nila. Kaya walang problema. Ipapa approve ko sana sayo Alenz, pero kailangan ko muna ng opinyon nyo." Tumango naman ako, nagsasabi na 'agree' ako. Tinignan ko ang students profile. Laking gulat ko ng pamilyar sila saakin! San ko na ba sila nakita?

Isang babae na singkit, mahaba ang buhok, may bangs at apat na lalaking gwapo.

Teka..sila yung nakita ko kanina nung nakipag kamay ako kay Cali! Kasama nila yung mga lumabas nalang bigla! Isa sila sa sugatan na nakipag laban! Pakiramdam ko ay medyo nahilo ako sa dami ng naiisip ko ngayon, nanlata ang mga kamay ko at paa, kasabay non ang paglabas ng mga butil na pawis ko sa paa at kamay. Bat ba ganto? Bakit ako pa yung nakakita non?

Agad na ininform ni Zeki ang mga mag tatransfer na approved na ang request nila. Sinabi nya saamin na baka tuesday, bukas ay nandito na sila.

Nang medyo lumuwag luwag na ang mga ginagawa namin, sinabi ni Alenz na nagpasa daw sya ng request na ibalik ang mga presidents, vice presidents at iba pa sa school, magiging base yon sa ranking this finals. Kung rank 1 ka, matic na 'yon na President ka. Parang hindi students council kundi HEADS.

Ang bilis ng panahon, parang dati nilalayuan ako ng mga estudyante dahil sa hindi maipaliwanag na mga nakikita ko, pero ngayon? unti unti na kong nag kakaroon ng kaibigan.

Sumapit ang Tuesday, mas naging busy kami. Ang mga kandidata ay nag tie-tie na. Masyadong madikit ang laban.

Halos kagigising palang ay tutok na tutok na kami sa kanya kanya namin na ginagawa, may mga naka harap sa laptop, tulad ni Alenz, Yael at ako. Si Zeki na busy sa pag babasa, si Piccolo at Vinci na pipirma sa sandamakmak na mga papel.

Napagpasyahan namin na dito nalang sa mismong opisina ng HEADS dahil dito mas madami ang stocks ng pag kain.

Halos walang nag sasalita samin, nabasag lang ang katahimikan ng may kumatok. Tinignan ko ang orasan, 6:20 ng umaga. Masyadong maaga pa para sa estudyante.

Tumayo na 'ko, nag bukas ng pinto at sumalubong sakin ang limang bagong mukha at..Infinity Gang?!

Kusang napa busangot ang mukha ko. Halos araw araw atang nadadagdagan ang mga galos sa katawan nila.

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now