Chapter 9

2.6K 92 0
                                    

Chapter 9

ATHENA'S POV

Nagising ako nang dahil sa may kung anong ingay akong narinig.
Pagmulat ko ng mata ay isang malapad na ngiti ang sumalubong sakin, Teka, anong ginagawa ni Kian dito? Bigla ko naman na naalala na kagigising ko lang kaya ang ginawa ko ay tumalikod muna ako sa kanya. Baka may tulo laway pako dito sa gilid ng bibig ko, nakakahiya naman sa kanya. Sya pa ang gumising sakin. Nang punasan ko ang bibig ko ay mahina naman syang natawa. Hindi sya katulad ni Ethan na ang moody.

"Tara na, kanina ka pa nila hinihintay." Nakangiting sabi nya sakin. Bahagya naman akong namula kasi ang formal formal nyang magsalita. Buti nalang hindi nya alam na CRUSH ko sya! Kung hindi, baka hindi nya nako kausapin.

TT^TT

Pagkababa namin ng hagdan ay matalim na titig ang sumalubong saakin. Matalim na titig ni Ethan. Hindi ko alam kung para saakin ba yon o para kay Kian.

Napatingin naman ako kay Chelsea na sa ngayon ay katabi ni Ethan. Matamis ang ngiti nyang ibinigay saamin. Hindi ako sanay. Para saamin ba o para lang kay Kian.

Nagtaka akong tumingin kay Chelsea. Napansin naman iyon ni Ethan kaya tumingin muna sya sakin bago mag salita.

"May ipapahiram na uniform sayo si Chelsea. Habang andito tayo sa Bayan ng Maden, dito rin sa lugar nato kayo mag aaral. Pagka tapos mong kumain ay maligo kana, andoon ang uniporme sa salas." Malamig na sabi nya.

Napatingin naman ako kay Kian, saka tumingin kay Ethan. "Si Kian ba? Mag aaral din?" Tanong ko kay Ethan. Inibagsak nya ang hawak nyang kubyertos saka naman tumingin sakin. Napataas naman ang kilay ni Chelsea. Anong mga problema nila?

"Wag mo nang tanungin si Ethan. Sinabi naman ni Tito na kung gusto ko daw mag istay dito ay kailangan ko daw mag aral para naman hindi daw magalit sila Mommy." Nakangiting paliwanag nya sakin. Nahihiya naman akong tumango.

                            ***

Pagkatapos kong maligo ay agad akong pumunta sa salas. Inayos at hinigpitan ko muna ang tapis sa katawan ko bago ako tuluyang pumunta sa salas. Doon ko naman nakita ang apat na pirasong unipormeng magkakapareho. Siguro bawat isa dito ay para sa Lunes,Martes,Miyerkules at Huwebes. Para naman sa Biyernes ay siguro sibilyan nalang. Agad ko itong kinuha at dumiretso na sa itaas papunta sa aking kwarto.

Problemado akong tumingin sa salamin. Masyado kasing fit sakin itong unipormeng ipinahiram ni Chelsea. Hindi ako sanay. Masyadong fit sakin ay pang taas na halos bumakat na ang bra ko. Hindi naman ako mahihiyang magsuot ng ganito dahil hindi naman maliit ang hinaharap ko. Sakto lang. Hindi lang ako sanay. Tapos ang palda pa. Masyadong maiksi. Hanggang ilalim lang ito nh pwetan ko. Hindi rin naman ako mahihiya dahil maputi naman ako. Kaya lang, uulitin ko, hindi ako sanay.

Hinayaan kong bumagsak ang mahaba kong buhok na sa ngayon ay nagkakaroon ng kulay yellow brown na kulay. Wala akong maalala na nagpakulay ako kaya hindi ko alam kung bakit ganyan ang naging kulay ng buhok ko. Hindi naman halata kaya ayos lang.

Nakayuko ako habang bumababa ng hagdan. Bukod sa ako nalang ang hinihintay nila ay nakakahiya pa ang suot ko. Hindi ako komportable.

"Ano yang suot mo?" Nakabusangot na bungad sakin ni Ethan. Ang aga aga naka busangot!

"Uniform." Sabi ko. Walang halong biro! Tinatanong nya kung ano yung suot ko edi sasagutin ko yung tanong nya! Ganon lang kadali!

Lalo namang syang bumusangot. Napa buntong hininga naman si Chelsea kasabay non ang pagtaas ng kilay nya.

"Wow! You look Gorgeous!" Masigla namang  puri sakin ni Kian na lalong nagpabusangot kay Ethan.

                                      ***

First Day ko ngayon sa School nato, Halfday pa kami. May mga outsider daw kasi na nakapasok sa Bayan nato, kaya ayon, lahat sila naalarma. Pero ibahin nyo ko. Ano naman kasi kung may nakapasok na outsider? Kaya hanggang ngayon ay nagtataka parin ako.

Saakin iniwan ng teacher ang susi ng room, ibig sabihin, hindi ako uuwi hanggang may kaklase akong andito. For safety naman daw asi sabi ni Mam Agaser.

Habang nililigpit ko ang mga gamit ko ay nakarinig ako ng kaluskos. Kaluskos sa labas. Dahil may bintana naman ang bawat classroom ay madali naman akong naka silip sa labas. Pang 3rd floor itong classroom namin kaya kitang kita ko kung anong nangyayari sa labas.

Nakadungaw ako sa bintana. Sinusundan ng tingin kung saan ko ba narinig ang kakaibang ingay. Nang sundan ko ito ay may nakita akong mga  estudyante na tumatakbo! Tumatakbo sila patungo sa gubat. Oo gubat, ito yung naikwento sakin ng kaklase kong katabi ko kanina. Dati raw gubat itong bayan ng Maden. Kaya siguro sa bayan na ito ay may ibang parte na nananatiling gubat parin. Napakabilis nilang tumakbo! Habang sinusundan ko sila ng tingin ay saka naman humangin ng malakas. Napunta ang buhok ko sa mukha ko kaya napapikit muna kong tinanggal iyon saka palang inayos. Nang tignan ko ulit sila, Wala na sila.

Bumalik nako sa upuan ko kung saan nakapatong ang bag ko. Saka palang ako lumabas nang nasiguro kong wala nakong kaklaseng andito pa sa labas ng room. Nang mailock ko ang pinto ay saka nako naglakad papalabas. Iniisip ko kung pano ko narinig ang kakaibang ingay kanina.

Imposible...

Nasa 3rd Floor ako at mataas yon kumpara sa ibang building. Imposibleng marinig ko ang ganong klaseng kaluskos. Kaluskos lang iyon na nanggagaling sa ibaba. Imposible naman na marinig ko yon.

~To Be Continued~

Don't forget to Vote,Comment and Follow me!^^

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now