Chapter 2

4.2K 106 1
                                    

Chapter 2

Dahil first day palang, wala pang masyadong mga gagawin kaya naman maaga kaming pinauwi. Pag ka uwi ko ay tumambak sakin ang mga urungin, yung mga pinagkainan kaninang umaga. Makalat din sa sala.

Bago ko magsimulang mag urong ay nilagay ko muna ang gamit ko sa kwarto at saka nagbihis.

"Athena! Andyan ba yung tita mo?" agad akong sumungaw sa may bintana ng marinig ang boses ni ate Linda.

"Wala po dito, baka po nasa palengke."

"Ay ganon ba? May utang pa kasi sya sakin. Limang libo din yo'n. Pwede bang bayaran mo nalang? Sakto kasing may sakit kasi si yung asawa ko." tinutukoy nya si mang Kanor. Mabait naman si mang Kanor sakin kaya wala akong nagawa kundi ibigay ang limang libo na ipon ko kagil sa pag woworking student.

"Yung tita mo kasi, bilyar ng bilyar. Ang sabi sabi pa nga ay may utang syang halos kalahating milyon! Grabe! Napakalaki non!" bago pa ko muling magsalita ay mabilis na umalis na si ate Linda ng makitang papasok ng gate si tita.

"Oh? anong ginagawa mo dyan? hindi yan mauurungan kung tititigan mo lang ako! Wala talaga to, oo." pang iinsulto nya sakin, bumuntong hininga nalang ako at saka pinagpatuloy ang pag uurong.

"Teka nga, anong ginagawa ni Linda dito?

"Aba'y mabuti! May kwenta ka pa rin naman pala eh!" Natutuwang banat ng tita nya.

"Babayaran mo yo'n." Agad namang lumukot ang mukha ng tita nya.

"Wala akong pera." Sabi ng tita nya sabay sindi ng sigarilyo.

"May utang pa pala kayong kalahating milyon---" hindi nya na naituloy ang sasabihin nya ng hinila sya ng tita nya sa kwarto.

"Subukan mong iparinig sa mga pinsan mo na may utang ako kundi malilintikan ka sakin!"

Nanlilisik ang matang sabi ng tita nya.

"At saka...wala kang pera? Edi magtrabaho ka! Mag luto ka na." Sabi ng tita nya. Napaisip naman sya kung magtatrabaho sya.

"Athena labhan mo nga yung dress ko!" Sigaw ng pinsan nyang si Shane.

Napa irap nalang sya sa hangin.

***

Maaga syang umalis sa bahay ng tita nya na hanggang ngayon ay nag hihilik parin. Patungo sya ngayon sa eskwelahan ng biglang umulan ng napaka lakas! Wala syang nagawa kundi sumilong sa waiting shed. Marami rami narin ang estudyante na nagsisitakbuhan at nag uunahan sa pag sakay ng jeep,bus, at trycicle. Ngunit sya ay pinili nyang maglakad nalang. May baon din naman syang payong.

May mangilan ngilan syang nakasabay na estudyanteng mga babae na naghahagikgikan. Hindi man nya gustong makinig ay may pinaguusapan silang pumukaw ng atensyon nya.

'Ethan? Ano naman ang pinag uusapan nila? Tungkol sa lalaki nayo'n?'

"Ang gwapo gwapo nya talaga!" Maarteng sabi ng babaeng munkang mas bata pa sa kanya. Siguro ay 14 years old

"Yiee! Crush ko na sya! Nakita mo ba yung pag shoot nya ng bola kahapon? Grabe! Nakakalaglag ng panty!" Sigaw ng babae habang namimilipit ng kilig. Naisip nya na ang bata bata pa nila para pag usapan ang ganon. Wala kasi sa vocobulary nya ang salitang 'love' hindi pa nya naranasan na tumibok ang puso nya.

Napa iling iling nalang sya sa narinig. Maya maya pa ay tumakbo na ang mga babaeng kaninang naguusap tungkol sa lalaking natitipuhan nila. Kaya eto sya ngayon nag iisa sya sa gilid ng kalsada.

Maya maya pa ay may putik na tumilansik sa kanya! Agad na pimunta lahat ng dugo nya sa ulo nya! Kuyom kamao syang humarap sa kotse na naka talsik ng putik sa kanya.

Kasaba'y ng pagpatak ng ulan ay syang unang pagkakataong tumibok ang puso nya.

~To Be Contiued~

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now