Chapter 19

2.2K 75 1
                                    

WARNING: Contains cursed

A:N/ huling ensayo ni Athena, habang andyan pa ang lolo ni Kyrone. :<< ano kayang mangyayari?
Hindi po muna masyadong pagsasalitaij ang mga character dito (VT HAHA) kasi, mas magfofocus tayo don sa pinaka mangyayari talaga dito huhu.

Chapter 19: SYMBOL

Athena's POV

Maayos naman kaming nakauwi ni Kyrone kahapon.—-kahit na ginabi kami, ang sabi nya kasi, alam nya yung daan, hindi naman pala. Ang sabihin nya kamo, alam nya yung istorya ng mga tao doon sa bayan ng maden. hays, ka chismoso. tsk, bawas pogi pointS.

Nagising ako sa ingay sa baba. ah, kaarawan ko pala ngayon. bababa na sana ko ng kumirot ang paa ko. argh! dahil bato sa pagkahulog ko kahapon? psh, malamang. sariling tanong, sariling sagot. hay. humiga muna ko sa kama habang nakatingala. ano kayang magawa?

Labing-walo nako pero wala paring nangyayari sa buhay ko.

'Ttttttttkkkkkkkk'

Napahawak ako sa magkabilang tenga ko, shit! eto nanaman, nakakabingi! napaka sakit sa tenga!

*Flashback*

'Tttttttkkkkkkkk'

Nagising ako sa kakaibang ingay. kakaibang ingay na gumising sa sistema ko. pabigla akong bumangon, habol hiningang tumingin sa bintana. pawis na pawis ako, na parang nakipaglaban sa kung sino. malagkit din ang buo kong katawan. pakiramdam ko ay ako lang ang nakakarinig ng napakasakit sa tenga na tunog na iyon. tinignan ko ang orasan ko sa dingding, alas dose. kaarawan ko na. labing walo nako.

Nang mawala ang tunog, don ko naman naramdaman ang sakit ng ulo. kumikirot na hindi maipaliwanag.

Napagpasyahan ko na bumangon at buksan ang bintana. Nakarinig kasi ako ng kaluskos galing sa puno. sinilip ko 'yon. pero wala akong nakita kundi ang maliwanag na buwan. bilog pala sya ngayon.

*End of Flashback*

~*Tok! Tok! Tok!*~

Tumigil na ang tunog. habol hininga akong tumayo sa kama, hindi pinansin ang makirot na paa.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang mukha ni Kyrone.

"Oh, anong kailangan mo?" masungit kong tanong.

"Sungit naman. HAPPY BIRTHDAY!" tugon nya.

Hindi ko na sya sinungitan. kawawa naman. "Thankyou." sabi ko sabay ngiti.

Sabay kaming bumaba ng hagdan. Nang makita namin si lolo at lola. sabay nila kong binati sabay, halik sa noo. Nakita ko naman ang hinanda nila. Napaka dami, eh kami kami lang naman ditong apat.

***

HAPON na ng ayain ako ni Kyrone sa fisball-an. Kaya lang, ang mokong ng makakita ng ihawan, dun nalang daw. Nilibre ko pa tuloy sya.

Habang kumakain kami, parang may iba kong naramdaman. parang bigla kong nalungkot at sumikip yung dibdib ko. pakiramdam ko ay nagiisa lang ako. kahit na alam kong may kasama naman ako. Hindi ko na yon pinahalata kay Kyrone kasi baka mag alala pa sya. At ang mokong, busy na busy nga sa pagkain. Hindi nya din naman napansin. Pinagpatuloy ko nalang din ang pagkain ko.

Mag aalasais na ng naisipan NYANG umuwi. Akala ko ay don panya sa gilid ng kalasada balak matulog. Ang sabi nya ay wala daw kasama sila lolo at lola.

Madilim na habang naglalakad kami, buti nalang at may ilaw pa ang mga poste.

Tumingin ako sa langit. Bilog padin pala ang buwan.

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now