Chapter 8

2.5K 96 5
                                    

Chapter 8

Puyat akong gumising. Hanggang ngayon kasi ay bumabagabag parin sakin ang panaginip ko kagabi. Sino ba yung babaeng nasa panaginip ko? Konektado ba sya sa buhay ko? Bakit nag papakita sya sa panaginip ko? Anong meron sa kanya?

Yan ang mga tanong na gustong gusto ko masagot pero hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung saan sisimulan.

Tahimik lang akong pumanik papababa ng hagdan, 5:30 palang naman kasi ng umaga kaya sigurado ako hindi pa sila gising. Hindi ako naghapunan kagabi dahil nakatulog ako, kaya ngayon ay kumukulo ang tiyan ko.

                           ***

~*DING DONG!*~ ~*DING DONG!~*

Napahinto ako ng paguurong nang marinig kong may nag ding dong. Ang pagkakatanda ko ay walang nabanggit na bisita si Master Fier ngayon, pati narin si 'Master' Ethan. Simula kasi ng naging cold na sya saakin ay sinabi nya na Master na daw ang itawag ko sa kanya simula ngayon. Hindi naman ako pwedeng tumangi dahil ano lang ba ako? Ano lang ba ako sa kanya? Isang hamak na personal nya na katulong. Bukod don, wala ng iba.

Nang binuksan ko ang pintuan ay nagulat nalang ako sa nakita ko.

Anong ginagawa nya dito?

"K-Kian...Anong g-ginagawa mo dito?" Tanong ko. Bago nya ko sagutin ay inilibot nya muna ang tingin sa loob ng Mansyon na parang pamilyar na pamilyar na sa kanya ang lugar nato.

"Oh, Athena right?" Nakangiting tanong nya sakin. Dahan dahan akong tumango at niluwagan ang pagbukas pinto para makapasok sya.

"Ano bang ingay yan, YAYA?! naistorbo mo ang pagtulong namin ni Babe ko!" Ang tinig na yan ang narinig ko pag pasok ko sa Mansyon. Ang tinig ni Chelsea.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko, andito si Kian na girlfriend si Chelsea na may affair kay Ethan! Anong gagawin ko?

"Don't worry, break na kami. May iba na kong mahal." Bulong sakin ni Kian. As in BULONG! yung nasa likod ko sya at biglang itinapat ang bibig nya sa tenga ko, na mas lalong nagbigay sakin ng kilabot. Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan.

Strawberry Mint...

"You seems uneasy." Nakangising bulong nya sakin. Hindi nya alintana na mayroong Chelsea sa harapan namin. Hindi naman ako nakasagot dahil mayroon akong malakas na kalabog na narinig

"Cousin..." sambit ni Kian na nakatingin kay Ethan.

Mag pinsan sila?!

"Tsh, anong ginagawa mo dito?" Walang emosyon na sabi ni Ethan. Bakas sa mukha nya ang pagka irita. Gulo gulo pa nga ang buhok nya eh.

"Well, hindi mo ba nakikita? Dito muna ko nag iistay. Sinabi sakin ni Tito na andito ka--kayo," sabi nya sabay tingin sa akin. Hindi na sya pinansin ni Ethan at dumiretso na sa lamesa. Para namang tuta na sumunod si Chelsea. Binalik ko ang tingin ko kay Kian, inaya ko sya sa labas para kunin ang gamit nya.

Nang makalabas kami ay agad nya kong iniharap sa kanya.

"Personal Maid ka ni Ethan?" Tanong nya. Nag nod naman ako. Bilang sagot nya ay nag kibit balikat nalang sya. Dumiretso kami sa compartment ng kotse nya at kinuha ang gamit para iakyat sa itaas, katabi ng kwarto ko.

~To Be Continued~

FRIENDLY NOTE!!!(lol)

Don't forget to VOTE,COMMENT and FOLLOW me!--for more updates!^^ Godbless! WhiteReaders!

-BlackWriter

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now