Chapter 4

3.3K 106 3
                                    

Chapter 4

Nagmadali akong lumabas ng Campus. Sana ay wala pa si tita sa bahay dahil kapag nauna syang umuwi saakin ay siguradong sermon nanaman ang aabutin ko.

Tsk! Andito na pala sya.

"T-Tita, ano yan?" May mga damit na nagkalat sa harapan ng bahay ni tita. Wag nyang sabihing papalayasin nya ko?!

"Bobo! Malamang damit! Wala ka talagang utak! Lumayas kana dito, ayoko ng dagdag palamunin! Mag hanap ka ng trabaho mo! Pag sumweldo ka, ibigay mo sakin lahat magtira ka ng 500 para sayo. Nang may malamon naman kami dito! Layas!" Tiim bagang akong tumingin sa kanya. Gumanti naman sya ng matalim na tingin. Yung parang mortal na kaaway mo yung nasa harapan mo? Yung parang hindi mo kadugo.

"Ayaw mo ng dagdag palamunin? Wag mo ding expect sakin na bibigyan ko kayo ng pera para may malamon kayo. Magkatulad lang tayo, ayoko din ng may pinapalamon." Tuluyan na kong lumabas. Itong bag ko lang ang dala ko. Hindi ko na kinuha ang damit na ibinalibag nya. Ngayon ay nandito ako sa gilid ng kalsada. Naglalakad at naghihintay ng himala.

~*PEEP! PEEP!*~

"What?!" Pagtataray ko kay ETHAN. Ano bang problema nito? Tsh! Ang kulit!

"Diba naghahanap kang trabaho? Anong trabaho ba yung gusto mo?" Tanong nya pero kahit ganon ang oagkakasabi nya ay ramdam mo parin ang awtoridad sa kanya. And it gave me chills.

"Ano bang paki mo?" Sabi ko sabay irap.

"Whatever." Sabi nya saka pinaharurot yung kotse. Tsh, Bipolar!

34 minutes passed...

Nasan na ba ko? Iginala ko ang tingin kung saan ako naroroon ngayon. Madaming matataas na puno ang nagsasayawan dahil sa dala ng malamig at malakas na hangin. Wala rin mga kabahayan dito. Ang creepy, idagdag mo pa ang gloomy na kalangitan. Sinubukan kong lumingon sa likod ngunit dahil sa kuryisidad kung anong meron sa dulo nito ay imbis na umabante ako ay ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa may makita akong isang napakalaking MANSYON! May mansyon pala dito?! Napaka laking mansyon nito. Luma na bago ang sytle ng mansyon na to, na syang nakapagtataka. May poste sa gilid na patay sindi ang ilaw. Ngunit dahil nanaman sa kuryusidad ay lumapit ako sa poste. May naka sabit na papel sa poste kaya kinuha ko.

WANTED!: MAID

Tapos sa baba ay may picture. May picture na mansyon. Pwede kaya akong mag apply? Dala ko naman na amg kailangan. Posible kayang ito yung mansyon na papasukan ko bilang maid?

"Hija..."

"Ay pusang kinalbo! Ay kayo po pala, b-bakit po?" Sabi ko kay lola. May hatakhatak syang parang lamesa na may gulong tapos ay may singsing,bracelet,kwintas,hikaw at iba pang palamuti.

Bago sya magsalita ay tumingin muna sya sa Mansyon. At saka palang tumingin sakin. May inabot sya saking isang kwintas.

"Mag ingat ka hija..." ha? San ako mag iingat? Itatanong ko pa sana kung saan ako magiingat kaso nga lang bigla na syang nawala. Hindi naman na nakakatuwa ah! Kanina pa to! Hahakbang na sana ako papalayo nang biglang...

~*GATE OPENS*~

[Insert: Creepy Sound]

"Mag aapply po ba kayo?" Bungad sakin ng isang babaeng katulong din ata. Yun lang pala!

"Ah oo." Sabi ko.

"Halika po kayo.." Sabi nya saka nya ko niyaya sa loob ng mansyon. Pag lingon ko sa likod ko ay nakita ko yung kaklase ko sa subject naming Chemistry! Sya yung babaeng ang creepy creepy! Wag nyang sabihing nakatira sya sa lugar nato?!

"M-Miss, nakita mo ba yung b-babae?" Utal na tanong ko.

"Ay miss, tayong dalawa lang po dito sa labas, wala po akong nakita dyan." Imposible! Nakita mismo ng dalawa kong mata! Tsk! Baka siguro napapraning lang ako o namalikmata.

Nang pumasok kami sa loob ng mansyon ay napa nganga nalang ako sa gulat! June palang pero bakit parang November na? Hindi naman sya actually nakakatakot, kaya lang kung ikaw ba naman kasi makakita ng ganitong itsura eh hindi ka matatakot?! May ulo ng deer na nakasabit sa pader, tapos pag pumunta ka dito puro puno lang ang makikita mo at walang bahay? Sinong hindi ma cre creepy han dun?

"Sya na ba yun?" Isang matandang lalaki ang lumapit saamin.

"Ah, opo. Mag aapply po sya ng trabaho." Sabi nung babae at umalis na.

"Ako ang butler ng mansyong ito. Wala pa si master kaya ako muna ang mag aasikaso sa pag aapply ng trabaho mo." Nakangiting wika nya saakin. Mahirap kayang magtrabaho dito? Ang laki laki kasi ng mansyong to. Haist, bahala na si Batman!

"Sumunod ka sakin hija..." sabi nya. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang malungkot. Kung nabubuhay pa kaya si mama, mararanasan ko kayo to? Si papa kaya? Nasan kaya sya? Natawa nalang ako sa naisip ko. 11 years old ata ako nung huli kong makita si papa. Ngayon? Hindi ko alam? Wala nakong koneksyon sa kanya. Hindi ko nga alam kung buhay pa sya eh.

"Dito ang opisina ni Master. Hindi ko alam kung kelan pa ang balik nya kaya habang wala pa sya ay ako ang umaasikaso sa mga dapat nyang gawin sa mansyong ito." Sabi nya. Master nya pero hindi nya alam kung kelan yung balik? "San po sya pumunta?" Tanong ko.

"Sa Germany." Sabi nya.

"Sige. 1 year. I year kang mag tatrabaho bilang kasambahay. Kaya mo ba yon?" Tanong nya. Medyo naguluhan naman ako. Bakit parang iba yung dating sakin nang sinabi nya?

Tumango ako. "Opo. Kaya ko po."

"Sige. Ang trabaho mo ay Maid. Pang MAID lang ang gagawin mo. Trabahong KASAMBAHAY lang. Bukod do'n wala ka ng ibang dapat pang pakielaman--"

~*DOOR OPENS*~

"Sabi na nga ba, nagtatrabaho ka, from now, you're my MAID."

O_O

Shit! Si ETHAN!!!!

Spell NGA-NGA?!

Pano sya napunta dito?

"WHAT?! AKO? MAID? MAID MO?!" Gulat parin na tanong ko! Aba! Sino sya para sabihan ako ng ganon?!

"Be.My.Personal.Maid." tiim bagang sabi nya.

"Teka nga lang--Are you stalking me?" Taas noong tanong ko. Tila nandiri naman sya.

"T-Teka lang h-hija...anak sya ng may ari ng mansyon ito, sumunod ka nalang sa gusto nya," utal utal na sabi ng butler na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan. Tsh.

"Psh! May choice pa po ba ako? Asan po yung kwarto ko?" Sabi ko. Fine! Surrender na ko okay? Tsh! Nakakainis naman kasi eh! Mamaya pahirapan ako nyan! Tsk!

Hinatid ako ng isa pa nilang kasambahay sa magiging kwarto ko. It was big yet cozy, bigtime pala talaga sila.

Umupo muna ko sa kama. Kinuha ko sa bulsa ko yung binigay sakin na kwintas ng lola kanina. Mamaya ko nalang siguro to susuutin.

Isa pa, bakit naman kaya nya binigay sakin to? Weird.

"Lumayas ka na sa lugar na 'to hangga't maaga pa."

"Lumayas ka na sa lugar na 'to hangga't maaga pa."

"Lumayas ka na sa lugar na 'to hangga't maaga pa."

"Lumayas ka na sa lugar na 'to hangga't maaga pa."

"Lumayas ka na sa lugar na 'to hangga't maaga pa."

Paulit ulit kong naririnig sa ulo ko ang mga salitang 'yan.

Para bang ibinubulong ng hangin?

~To Be Continued~

FRIENDLY NOTE!: 'VOTE'S and 'COMMENT'S' are HIGHLY APPRECIATE. ^_^ GODBLESS! <3

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now