Chapter 27

1.6K 42 28
                                    

Chapter 27

This chapter is dedicated to my bestfriend, @KristinLoisNagano kasi, inuna nya pa basahin yung story ko kesa mag review. lol

A:N/ new and new characters!

Athena's POV (Point of View)

Pagkatapos ng dismissal ay dumiretso na kami sa dorm. Bandang kanan nang school ang building ng dormitory girls. Habang sa kaliwa naman ng school ang dormitory ng boys. May nagbabantay sa babaeng guard sa baba kaya hindi basta bastang nakakapasok ang mga boys sa dorm. Di bali nalang kung sa likod dadaan at gagamitin ang emergency ladder doon. Pero sigurado naman na walang gagamit doon kasi dulong dulo na ang building nato. sa likod namin ay gubat na.

Sa 3rd floor kami, #73 ang room namin. Sa ngayon ay ako lang muna ang andito. Si Kristin at Veronica ay pumunta sa library. Manghihiram lang daw sila ng libro saglit bago ito magsara. May tig iisa kaming susi, Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay hindi ko mapigilan na humanga, May tatlong higaan sa gitna. Sa bawat gilid ng kama ay may maliit na drawer na may lampshades. May banyo, May couch, may tv at may veranda. Pero bago ka makapunta don ay may sliding glass door muna.

Napabuntong hininga akong humiga sa kama. Bumabagabag parin sakin kung sino sino ang mga heads kanina at kung paano nakapasok dito si Kyrone. Na hanggang ngayon ay hindi parin ako kinakausap.

***

Ramdam ko ang tapik nila Louisa sa balikat ko. It's dinner time at mukhang nakaidlip ata ako. Quarter to 7 na. I just wore my Jogger pants, rubber shoes and hoodies. Since medyo malamig ngayon gabi.

As we arrived at the Dining Hall, medyo marami na ang mga estudyanteng andoon. Sila Veronica ang pumili nang pagkain habang ako naman sa table. There is no vacant table exept don sa table malapit ang mga heads! And i have no choice kung hindi doon umupo.

Sa gawi namin, ay hindi ko mapigilang hindi magsalita. Pano ka nga ba kasi mag iingay kung hindi nakakakomportable ang atmosphere dito? Lalo na't katabi namin ang mga heads.

Bumulong ako, "Louisa, Veronica, sino-sino ba yung mga heads nayan?"

Bumulong sila pabalik sakin. "Nung nakaraang taon, iba ang limang babae sakanila. Mukhang hindi ko ata kilala ang limang babae ngayon. Naalis ata sila sa heads."

"Ha? Pano?" tanong ko.

"Ganito kase, If you want to be belong uhm, sa mga heads. Kailangan brainy ka, at may alam ka sa pakikipag laban. Actually, kaklase natin yang mga heads. Sa pagkakaalam ko, may emergency na nangyari. Lahat sila ay busy kaya yon." Ah. That's why hindi pumasok si Zeki.

Magtatanong sana ko nang biglang tumahimik ang buong hall. Then i saw, Ethan heading to our table with smile on his lips. Serious Ethan, where are you at?

Pero hindi lang si Ethan..Si Kyrone din. At may kasama syang isang babae. Ramdam ko ang pagkadismaya sa aking sistema. Parang may bumara sa lalamunan ko. Nang tuluyan na silang makaupo ay nagsalita si Veronica. "Ethan, magkakilala pala kayo nito?" tawa nyang tanong. Preferring Kyrone.

"Oo. Ka team ko sa Basketball." sagot nito. We stay silent. "Kamusta kana?" biglang baling nya sakin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang gusto ko nalang umiyak sakanya. Ang lahat nang nangyari ay bumalik saakin. Pinapakita kong malakas ako at walang pakielam kahit na hinang hina nako sa loob. Millions of question, pero tanging 'kamusta kana?' ang gusto kong marinig. Ramdam ko ang titig nang mga heads samin. Sasagot na sana ko nang biglang sumabat.

"Hi. I'm Angel. Kyrone's girlfriend." nakangiting sabi nito. Maikli lang ang buhok nya, Itim na itim pero maganda.

Hindi kami sumagot. Tanging nginitian lang sya. Sila, nginitian lang nila.

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now