Chapter 31.5

1.2K 39 19
                                    

Chapter 32

Nagpaalam ako kila Zeki na iihi lang ako saglit, pagkalabas ko ng Cafeteria ay nakasalubong ko ang Infinity Gang, papasok sa Cafeteria, parang kumpleto sila ngayon dahil mas madami ang nandito ngayon kesa nung una naming pagkikita. Masiga silang lumakad at nakipaglaban pa nang titig sakin, lalo na ang may gintong buhok. Hindi ako nagpatalo, lalo kong tinaliman ang sukli kong titig. Napakayayabang.

Pagkatapos kong umihi ay bumalik ako kila Zeki, naabutan kong kasama nila ang Infinity Gang pero hindi ko sila pinansin. Dire-diretso akong naupo kung saan ang pwesto ko kanina. Hindi ako nagsalita.

"Balita ko mamaya, andito si Cali ah?" maangas na pagkukumpirma nung may kulay pulang buhok. Hmm, parang si Sakuragi.

Si Vinci ang sumagot. "Oo, wag na wag kang magpapakita don baka bangasin non yung muka mo." wika nya. Napakunot naman ang noo ko, Bakit?

Parang sinagot nila ang tanong ko.

"Baka nakakalimutan mo, Inagaw mo sakanya yung girlfriend nya non." ngisi ngisi ni Alenz. Ah.

Napakamot naman sa batok si Sakuragi. Oo, Sakuragi.

Maya maya pa ay parang tumahimik ang aura. Nagsi-usap sila na sila lang ang nagkakaintindihan ngunit binalewala ko yon.

"U-Uh, Athena, hatid na kita sa dorm nyo?" Si Zeki.

"Ha?" naguguluhang tanong ko. Kasabay non ang pagkakagulo ng mga estudyante.

"Andyan na sila!" rinig kong sigawan.

Dali dali kaming umalis sa lamesa,

Nang makalabas kami ay may nakita akong magandang sasakyan na kulay itim, Kasya ang apat na tao. Sa likod non ay may mga sasakyan pa, at may mga armadong lalaki.

Unang bumaba ang magandang lalaki na may pang maharlikang suot, sinisigaw nito ang karangyaan at kapangyarihan. Nagulat ako nang biglang nagkulay pula ang kanyang mga mata at biglang bumalik sa normal nitong kulay. Malaki ang mata kong tumingin kay Zeki na nasa tabi ko ngayon,

"Cali..." mahinang bulong nya ngunit sapat na saakin upang marinig iyon.

Tinitigan ko ang lalaki, Gwapo, hindi nakakaila. Mukhang masungit at maskulado ang katawan. Parang hindi nasisinagan ng araw ang kanyang mga balat, matalim ang titig at kamuka ni Victoria.

May mga babaeng nagsitilian, ngunit hindi sila pinansin ni Cali at dire diretsong pumasok sa Gym na may kasamang tiga-akay. Maya maya pa ay pinakalma muna ang estudyante. Sakto naman na naiihi ulit ako at nagpaalam kila Zeki. Binabalisawsaw ata ako.

Nang nasa kalagitnaan nako sa pagsisiksikan ay biglang nagsigawan ang mga estudyante, gulat akong napalingon ngunit wala na akong tsyansa upang makita ang magulang ni Victoria dahil lalong nagsiksikan at dumami ang mga estudyante.

Sayang..

A:N/ SHORT UPDATE!!!!
tbh, ngayon lang ulit ako nagbasa ng mga comment sa mga previous chapters and, NATOUCH AKO HUHUHUHU GRABEEE. ILOVEYOUALL mwaaaah!

till next update! stay safe and always wear your mask!

Inspiration is everywhere HAHAHAHAHA!!!

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now